Chapter One: Dream
Hindi ko alam kung pano ako napadpad dito sa napakalaking kwarto.
Tiningnan kong mabuti kong kaninong kwarto itong napasukan ko, sa gitna nang pagtititingin ko ay nahinto ako sa nakita kong larawan.Isang batang naka suot ng formal suit na may kasamang babae't lalaki na naka pormal din.
Nilapitan ko ito at kinuha, 'bakit parang nangyari nato at parang nakita ko narin tong litratong to?' napaisip nalang ako.Napa baling ako sa pinto ng bumukas ito.
"Oh,there you are!"maligayang bati sakin ng napaka kisig na lalaki.
Gulat ko syang tinignan dahil napakalaki ng ngisi nya at para bang kilala nya ko sa kanyang inasta.
"M-me?" Nganga kong sabi sabay turo ko sa sariling gulat.
"Yes baby, you."sabay turo nya sakin.Gulat ko syang tinignan habang naka awang ang bibig.
Ngumiti sya at umambang lumapit, ngunit bigla ko syang tinuro gamit ang dirty finger ko.
"Don't you dare come near me!"galit kong sabi ngunit hindi parin nawala ang kanyang ngisi.
"Oh my baby's angry and she's using her dirty finger now."ngiting ngiti nyang sabi at humakbang ulit.
Nilakihan ko ang mata ko nagbabakasakaling matakot sya at tumakbo.Ngunit di parin sya nagpa tinag nagpatuloy parin sya sa paglapit,bahagya akong umatras pero nabangga lang ako sa drawer na pinagpatungan ng picture na kinuha ko kanina.
"And my baby's scared of me? I don't think so."kunting hakbang nalang at makakalapit na talaga syaaaaa!!
"W-who are...Y-you?!"kinakabahan kong sabi.
At nang nakalapit na sya ay bigla nyang hinawakan ang gilid ng drawer na kinahihiligan ko at yumuko.Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kanyang ginawa.
"Oh so sad...my baby's having amnesia?"sarcastic nyang sabi ngunit nakangiti parin.
Umatras sya ng isang hakbang dahil napansin nya sigurong di ako humihinga dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko.
"Baby breathe.. I won't gonna eat you now,kagigising mo lang. At mabaho kapa?" patanong nyang sabi habang ngingisi ngisi.
Nag alab ang galit ko sa kanyang sinabi.'Anong mabaho? Ako? Mabaho? Huh? Talaga? Ako talaga? Sa buong buhay ko diko na amoy ang sarili kong naging mabaho kahit pa kagigising ko lang!!' Sinuntok ko sya ng napakalakas halos ibuhos ko na lahat ng lakas ko para lang ipatumba sya,ngunit nabigo ako dahil hindi sya natumba.
Agresibo syang lumapit at kinorner ako sa drawer,kunot noo nya akong tinitigan sa mata.Parang galit na galit talaga sya sa ginawa kong pag suntok na hindi naman sya napatumba.Kinunotan ko rin sya ng noo at galit na tinignan sya.
"You really are my baby....right now."bigla ay napawi ang galit sa mukha nya at napalitan ng ngising may balak.
Tumagilid ang kanyang ulo at hinawakan ang mukha ko.Marahan syang pumikit, kumalabog ang dibdib ko habang nakatingin sa kanayang mukha.Marahan din akong pumikit at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako pumikit.
'kainin ako ng lupaaaaaaaa!! Ngayon naaaaaa!!'
"Miss?"
"Miss?"
"Miss?"paulit ulit at parang galit na talagang boses ang narinig ko habang inaalog alog ang balikat ko.
Marahan akong dumilat at nasilaw ako sa napaka liwanag at init ng araw na nakatunghay sakin.Kinuskos ko ang mata ko at dahan dahang bumangon sa pagkakahiga.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
SALLY
Genç KurguSally who only think what's best for her and her love...Try to read and you will definitely know what is the story all about😊
