Part 7

4.7K 137 3
                                    

Sandaling napatda si Charity. Walang duda, ito nga ang sinasabi ni Lulu na si Wolverine! Parang gusto niyang kiligin sa tuwa. Naalala niyang ito ang balak i-match make ng pinsan sa kanya. At ngayong natiyak niyang ito nga ang lalaking sinasabi ni Lulu, aba'y payag na payag siya!

"Denise, ninong mo pala si Edmund, eh," kunwa ay kaswal na wika niya sa batang dumedede pa. Para namang nakaintindi ang bata. Tumigil ito sa pagdede at tumingin din kay Edmund. Ibinangon niya ito at bahagyang inilapit sa lalaki. "Bless ka sa ninong, baby."

"Marunong magmano!" tuwa ring wika ni Edmund nang tumalima naman ang bata. Iyon nga lang, matapos itong magmano ay bumalik na rin ang atensyon nito sa pagdede.

Itinutok niya ang tingin sa bata sapagkat parang naubusan siya ng sasabihin. Tila nga mayroong anghel na nagdaan sa kanila. Si Edmund man tahimik lang na nakamasid sa kanila. Nang maubos ni Denise ang dede, initsa nito ang bote.

"That's bad, baby," sambit niya.

"May kapilyahan din pala," amused namang sabi ni Edmund at ito na ang pumulot ng bote.

"Suwerte na rin natin, Denise, dito tayo napadpad sa ninong mo. Hindi na masyadong nakakahiya na nakikisilong tayo dito."

"Tama na iyang terminong hiya-hiya," ani Edmund. "Maiwan ko na muna kayo dito para makapaghanda ng hapunan. Kumain na muna tayo bago ko kayo ihatid pauwi."

"Ihahatid mo pa kami?" bahagya namang nagulat na wika niya.

"Bakit hindi? Mainam nga iyon at nang magkita kami ni Allan. Tiyak na magugulat iyon. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita."

"Nasa Tuguegarao silang mag-asawa. Naaksidente daw si Janet kaya pinuntahan nila. Ako nga ang naiwan dito kay Denise para mag-alaga. Ang totoo, wala naman kaming balak na maglibot. Kaso nga, nag-iiyak itong bigla kanina. Hindi ko naman mapatahan. Sabi ng labadera nila, isakay ko daw sa sasakyan para tumigil. Ganoon nga ang ginawa ko."

"Hanggang sa nakarating na kayo dito?"

Tumango siya. "Paano naman, tuwing ihihinto ko ang sasakyan ay pumapalahaw ng iyak. Nag-alala na nga rin ako kanina dahil hindi ko naman kabisado itong lugar. Kaya nga puro diretso lang ang takbo ko. Pero naisip ko na ring bumalik na. Iyon nga lang, noon na nagkaproblema ang sasakyan. Bigla na lang namatay ang makina."

"Baka naman naubusan ka ng gasolina?"

"Hah?" aniyang halatang ngayon lang niya iyon naisip. "S-siguro. Hindi naman kasi ako nagpakarga buhat nang gamitin ko iyong pick-up."

"Mamaya, pagkakain natin, itse-check ko iyong sasakyan. Maiwan na muna kita rito at maghahanda ako ng pagkain."

"Edmund, puwede bang makitawag? May telepono ka ba rito? Tatawag ako sa bahay nila. Baka nag-aalala na si Manang Belen na hindi pa kami nakakabalik nitong bata."

"Sure." Buhat sa divider ay kinuha nito ang cell phone at iniabot sa kanya. "Tawagan mo na rin si Allan."

"Okay lang?"

"No problem," anito at tumalikod na.

*********

Hello, dear readers!

Thank you for reaching up to this part.
Sa loob ng higit isang taon ay kumpleto at libre itong mababasa dito sa Wattpad.
Sa ngayon ay nililipat ko na ito sa Dreame.
You can also follow me there para ma-update kayo sa mga bagong upload na chapters. At habang hindi pa naka-lock ang story ay mababasa nyo rin ito doon ng libre.

Kung wala pa kayong Dreame, mag-download lamang ng app na Dreame.
Kagaya din ito ng Wattpad na reading site.

Jasmine Esperanza ang pangalan ko doon.

And please don't forget to "add-to-library" my stories. Tap or click nyo lang ng isang beses iyong icon na puso. pag-nag solid heart shape na ang puso, ibig sabihin, achieve nyo nang mai-add to library ang story. Kung gusto nyo naman makasiguro, silipin nyo lang din sa library nyo kung nandoon na nga ang story. Kung wala pa, repeat na lang pag-tap or click ng puso at silipin uli sa library kung pasok na sa banga :D

Muli maraming salamat.

See you there!

Wedding Girls Series 10 - CHARITY - The Wedding EmceeWhere stories live. Discover now