Fiancee? No way! Hindi kami super mayaman para makiuso sa arranged marriage na yan. Medyo mayaman lang. Ano bang pumasok sa isip ng lolo ko at nakipagkasundo siya ng kasal. Edi dapat siya na lang magpakasal dun sa Leiron Lopez na yun. Hindi ko naman kilala yun. Tsk.
Nasaan na ba si Aileen? Kanina pa ko dito naghihintay dito sa convenience store. Baka maabutan ako nila daddy lagot ako.
"Oy bruha! Kanina ka pa? Hehe"
"Ayyy hindeee kararating rating ko lang dito. Mga isa't kalahating oras palang naman akong naghihintay dito."
"Eh sino ba naman kasing nagsabi sayong maglayas ka? Ha?"
"Eh sino ba naman ang hindi lalayas? Ipakasal ka ba naman sa hindi mo kakilala. Mamaya matandang hukluban pala yun eh. Nakuuu!"
"Wahahahha. Ayaw mo nun? Madaling mamatay. Yayaman ka nang walang ginagawa. Wahahhaha."
"Ay grabe. Napakaimpakta talaga ng pag-iisip mo noh? Hindi ako katulad mo. Osya sya. Tara na baka mahuli pa ako at iabduct ako ng men in black ni daddy."
"Osige na nga."
At lumarga na nga kami. Dinala niya ako sa isang bahay. Shala ang gate, malaki. May garahe din. Mukhang may garden din. Makakapagrelax ako kahit papano. Ilan kaya kwarto dito? Hmmmm.
"Oh. Konting introduction bago tayo pumasok. Hindi lang ako ang nakatira dito. Kasama ko ang kapatid kong si Jayson. May dalawa pang tenant. Ipapakilala kita mamaya pagkakita natin sa kanila. Meron pa atang dadating na isa. Bago lang din. Monthly ang bayad ng renta. Hati hati tayo sa kuryente at tubig. Pwede ka rin makishare sa pagkain. Mamimili na lang sa palengke ng ingredients taz iluluto na lang......"
"Oh pause muna! Pasok na muna tayo? Ihing ihi na ako eh. Hehe"
"Tara na nga!"
Pumasok na kami sa loob. Tinuro dn naman saakin ni Aileen ang cr nila sa baba. Pagbukas ko ng doorknob...
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Omahgash omahgash ohmagaaaaassssh! Isang anghel ba itong nasa harapan ko? Napakagwapo!
Tumambad lang naman sa harapan ko ang isang napakagwapong nilalang na fresh from the bath at nakatapis lang.
"Oy oy oy! Anong problema Sofia?" humihingal na tanong ni Aileen. Laking mata naman akong dahang dahang lumingon sa kanya. "Oy Theo. Anong ginawa mo ea best friend ko ah?!" nakapamewang niyang tanong dun sa lalaki.
"Dito ako naligo sa baba. Sira ung gripo sa cr ng kwarto ko eh. Akyat na ako."
Tumuloy siya sa paglalakad at nilagpasan ako nang parang walang nakikita.
"Oy bruha, wala na. Umakyat na. Tama na ang pagkatulala mo jan. Mamaya jan ka pa abutan sa pinto."
Oo nga pala. Ihing ihi na ko. At pumasok na ako sa cr para umihi.
Pagkatapos ng eksena kanina, pinaupo muna ako ni Aileen sa sofa sa sala at umakyat siya saglit. Pagkababa niya ay kasama na niya yung kapatid.
" Beshie eto si Jayson, kapatid ko. Ulirang estudyante to. Kaya wag na wag mong hahawaan ng kalokohan mo. Malalagot ka sakin. At yang gandang lalaki nito? Syempre mana sa akin."
"Ay. Napakahangin. Hahaha. Hello Jayson! Ako si Sofia," sabay abot ko ng kamay ko para makipagshake hands.
"Hello. Jayson po." nakipagshake hands naman siya sakin.
"Maka-po naman tong kapatid ko. Wahahhaa. Kaedad ko lang yan. Ako nga hindi mo ginagamitan ng 'po' eh."
"Mukha siyang mabait eh."
YOU ARE READING
For You is Me
Teen FictionI run away from home to prevent me marrying someone I don't know. But twist and turns happened when I lived with my best friend.
