Chapter Thirty One

79 1 0
                                    

Obbrei's POV

After namin makausap si Clender over the phone na galit na galit na sa amin, (obviously) nagpunta agad kami sa headquarters ng bodega.

This is all about Clera's Plan. It was her plan. Kasama namin sa headquarters ang Dad ni Clera. Si Tito David.

Nang makarating kaming tatlo sa headquarters, kinausap ko agad si Gray na abala sa paglalaro ng Ipad nya habang si Clera naman kausap yung Dad niya.

"Hoy, Gray. Sure ba kayo sa gagawin natin? I mean, hindi ba ang harsh ng plan ni Clera?"tanong ko sa kanya habang busy pa rin sa paglalaro ng Ipad niya.

Me, Clera, Gray and Clender were good friends when we were still in Grade School. Si Clera ang bunso sa barkada namin because she acts like our bunso.

Si Clender at Gray, magbestfriends sila dati. Parehas kami ng pinasukang School na tatlo nung 1st year highschool kami. Si Clera lang ang naiba kasi sa exclusive School siya nagaral noon.

Nung naging kami ni Clender, bigla na lang silang nagaway ni Gray. Siguro dahil magkakaibigan kami and dapat sana walang ganun. Nagkaroon ng Gang si Clender ganun rin si Gray. Lagi na silang may mga gang fights simula nun. Kahit na sobrang pagpipigil ko sa kanilang pareho na itigil na nila yun ay wala pa rin. Lagi nilang sinasabi sa akin na, "Stay out of this, Obbrei. Ayokong madamay ka sa away namin."

And nung iniwan ko si Clender without anything, doon na nagsimulang gumulo lahat. God knows, pinagsisisihan ko pa rin ang pag-iwan ko sa kanya hanggang ngayon. I can't blame him if he fell out for me and fell in love with Eraiah.

Akala ko kasi pag bumalik ako dito, babalik lahat sa amin. After kong malaman lahat-lahat, gusto kong magrevenge kay Eraiah for taking Clender away from me. But then I realized na mali talaga ako. I have no right para maghiganti which is in the first place, I was the one who gave her a chance to have Clender. And nung nalaman kong kapatid pala ni Clera si Eraiah, I was shocked and surprised. All the realizations came along. It was really my fault at walang kasalanan si Eraiah dun.

Sinabi rin sa akin ni Clera na gusto niyang ma-meet si Eraiah kaya heto kami ngayon.

I snapped back to reality ng biglang pitikin ni Gray yung noo ko. "Tulala ka nanaman."

"Sorry. Ano na ulit yung sinasabi mo?"

"Kako, medyo harsh to pero I trust Clera. Sana magwork out tong plan natin."he said.

Gustong-gusto kong itanong sa kanya to. "Gray?"

"Ano?"

"Okay na ba kayo ni Clender?"

Tiningnan niya ako ng diretso at ngumiti. "Magiging okay din ang lahat."

Naikwento sa amin ni Gray na nagkaroon ng Gang fight ang Gangs nila between Clender. Naikwento nya rin sa amin yung muntik na niyang halikan si Eraiah. Habang ikinukwento niya yun sa amin ni Clera, bigla siyang binatukan nito. "Hoy! KAPATID KO YUN! Leche ka! Pag nalaman ko lang na may ginawa kang masama sa kanya kahit kaibigan kita, lagot ka sa akin!"

"Oo na. Sorry naman! HINDI NAMIN ALAM NA KAPATID MO YUN. Tsaka medyo lasing ako that time."napakamot na lang sa ulo si Gray.

"Sus! Itigil mo na nga kasi yang Gang fights niyo na yan. Para kayong tanga pareho ni Clender. Dapat magusap kayo hindi yung dinadaan niyo sa ganyan! PARA KAYONG MGA BATA!"

Simula nun, nabuwag na ang gang ni Gray. Siguro natauhan sa sinabi ni Clera.

Okay, back to reality na.

Naglakad ako papunta kila Clera at Tito para kausapin sila.

"Hi, Tito! Hello Clera!"bati ko sa kanilang dalawa.

"Oh, Iha. Andito ka na pala. A-ano, okay lang kaya si Eraiah?"nagaalalang tanong ni Tita.

"Dad, trust me. Plano ko to and I hope sana magwork to. Nagkita na kami kanina."Clera said and smiled at tito.

Eraiah's POV

S-si Clera? KAPATID KO SIYA??

Jusku! Paano nangyari yun!

Ang labo ah. Grabe. Kanina pa ako isip ng isip kung paano nangyari lahat ng yun.

"Eraiah!"napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Clender.

"Clender! Pakawalan mo ako dito. Dali na. Andito si Gray, Obbrei tapos Clera. Bago pa nila tayo mahuli."pagmamakaawa ko sa kanya.

Habang tinatanggal niya yung pagkakatali sa kamay ko, biglang sumulpot si Gray.

"Wow naman. Ang sweet!"bigla siyang pumalakpak at ngumisi.

"Tang Ina! Anong ginawa mo sa kanya?!"biglang nilapitan ni Clender si Gray at kinwelyuhan.

"Easy, easy Buddy. Wala akong ginawang kakaiba sa kanya."natatawang sabi nito.

Ngumiti sa akin si Gray. Yung hindi na nakakaloko o nakangisi, yung totoong ngiti na. Aba, anyare sa kanya?

Habang tinatanggal ko yung pagkakatali sa kamay ko, nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko.

Yung boses na matagal ko ng gustong marinig.

"Eraiah, Anak."

Si Daddy. Totoo ba 'to o nananaginip ako? Pakisampal ako please!

He's My Heartsaver(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon