Chapter 30

7.2K 179 64
                                    

“I-ikaw?!” sigaw ko.

God! I can’t believe this? Why? Bakit gusto niyang ipapatay si Dj? Why?

“J-julia? B-bakit?”

Tiningnan lang niya ako at dire-diretso siya dun sa dalawang pangit.

“Akala ko ba tulog pa siya?” tanong ni Julia sa dalawa.

“Boss, tulog naman talaga yan kanina. Ewan ko nga kung bakit nagising yan bigla nung dumating ka.” Sabi pa ni pangit 1.

Nakatingin pa rin ako sa kanilang tatlo. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap pero hindi ko na maintindihan lahat ng sinasabi nila. Lutang ako ngayon. Ang iniisip ko ay kung bakit niya ginagawa ito? Anong naging kasalanan ni Padilla sa kanya? nang hindi nagtagal natauhan din ako.

“Julia? Bakit? Sabihin mo sa akin! Bakit!” sigaw ko sa kanya.

“K-kath, please. Huwag ka ng magtanong. H-hindi naman sana kita idadamay dito. Kaso nangingialam ka na eh!”

“Paanong hindi ako mangingialam eh trabaho ko yun!”

“So, inamin mo na rin. Kung bakit ka nandito is to protect Dj.”

“Oo Julia! I have to! He’s my c-cousin!”

“Cousin? Really Kath? Goshh! You can’t fool me Kath. I already knew that you and Dj are not really related.”

Natahimik ako. so she knew? Ano ba naman yan Kath. Kakasabi nga lang niya eh. Tanga mo talaga!

“Kath! Kathryn!”

Teka, boses yun ni Dj ah? Shett! Pumunta talaga siya? Arrgghh! Why so stupid Padilla!

“Bring the guy here. Labas muna ako. I’ll be back. Bantayan mo ang dalawa okay.”

Tumango naman yung dalawang pangit. Lumabas naman agad si Julia. Dun siya dumaan sa pinto na nasa right side ko. Hindi ko yun napansin kanina ha?

Bigla namang pumasok si Padilla bitbit ng isa pang pangit. Psh. So tatlo na pala sila ngayon?

She's my Sexy and Dangerous BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon