Tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong binuksan.

One message received from Ogie.

From: Ogie

Regine, kausapin mo ako please.

From: Ogie

Let me explain. One month na yung nangyari pero hindi mo pa din ako kinakausap.

To: Ogie
So?

From: Ogie

Pupuntahan kita diyan sa inyo. Nandito na ako sa labas ng bahay ninyo.

With that, mabilis akong lumabas ng kuwarto at bumaba. Agad akong lumabas ng bahay at lumabas ng gate.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Kasi.. Wala ako doon" biro niya

"Wag mo inaaksaya ang oras ko sa mga walang kwentang biro mo" pagtataray ko.

Ewan ko lang kung hindi pa siya magtino. Hindi ko alam pero nung namatay sila mama nagbago na yung ugali ko kung masungit ako noon, mas lalong sumungit ako ngayon.

"Sorry. Coffee tayo?" tanong niya.

"Wala akong time. Sabihin mo na yung sasabihin mo. I'll give you 5 minutes" seryosong sabi ko. Kailangan kong panindigan tong pagiging masungit ko.

"Please. Cof--"

"Tumatakbo ang oras.." seryosong sabi ko sa kaniya.

"Sasabihin ko naman talaga to sayo nung araw na nakidnap tayo pero.. Nawala ako sa pag-iisip dahil sa nakita ko" panimula niya.

"Yung sinabi ni Olivia.. It was all true" sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Tangina bat ang sakit? Hehehe

"Bakit kailangan mong magsinungaling saakin?" walang emosyon na tanong ko.

"I lied because.."

"What? Nagsinungaling ka kasi ayaw mo akong masaktan?! Tanginang dahilan yan" sabi ko at inikot ang mga mata ko sa kaniya.

"I'm sorry" sabi niya at akmang lalapit saakin nang pigilan ko siya.

"Anong magagawa ng sorry mo? Sa tingin mo ba? Kapag nagsorry ka mawawala lahat ng sakit dito?" sabi ko at itinuro ang puso ko.

"Alam mo ba kung gaano kasakit yung mawalan ka ng mga magulang at itinago sayo ang katotohanan ng taong pinagkatiwalaan mo sa mahabang panahon?!" sigaw ko. Hindi ko alam pero feeling ko gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi ko sa kaniya yun.

"I'm so--"

"Tama na! Tumigil ka na sa kakasorry mo kasi hindi naman na maibabalik ng sorry mo yung tiwala ko sa lahat" sabi ko at tinalikuran siya.

"Regine" humarap ako ulit sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko.

"What again? Magsosorry ka nanaman? Ilang beses ko bang sasabihin na--" natigil ako sa pagsasalita nang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na sasakyan. Sinundan ko ito ng tingin at akmang susundan nang hawakan naman ni Ogie ang braso ko at hinila ako.

"That car.. Pamilyar saakin yun!" sigaw ko.

"Oo alam ko, pero hindi mo puwedeng sundan baka mapahamak ka pa!" sabi niya at hinila ako papasok ng bahay.

"Bakit concern ka saakin? Bakit ang bait mo pa din saakin? Bakit nandito ka pa rin kahit na tinataboy na kita?" sunod-sunod na tanong ko habang sinasara niya ang gate.

"Simple lang ang sagot diyan.." sabi niya at humarap saakin. "I'm doing this because I love you" pagkasabi niya niyan agad na bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang init ng pisngi ko.

"I mean.. I love you as a friend.. That's why, I'm doing this. For us. For you" sabi niya niya biglang kumurot sa puso ko. Saket naman nun hehehe.

"Ok. Umuwi ka na muna" sabi ko sa kaniya. Alam niyo? Naguguluhan na din ako sa sarili ko. Paano ba naman? Tinataboy ko si Ogie kapag nasa harap ko siya pero kapag umalis naman nalulungkot ako. Baliw na ba ako?

"What's on your mind?" tanong niya. Taray naman Facebook lang? Gusto ko sanang tawanan siya pero kailangan kong panindigan ang pagiging masungit ko.

"Wala. Papasok muna ako sa loob" sabi ko at pumasok sa loob ng bahay namin. Nakita ko si Viceral na nakaupo sa sofa at nanonood ng movie.

Umupo ako sa tabi niya at nakinood na din. Naramdaman ko ang pag-upo ni Ogie sa tabi ko pero hindi ko nalang siya pinansin.

I don't know what to do. Dapat ko ba siyang patawarin? Dapat ko pa ba siyang bigyan ng chance? Dapat ko pa ba siyang pansinin?



Dapat ko pa ba siyang mahalin?

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now