“Kung hindi mo naman sasaluhin, ‘wag mo nang bigyan ng motibo na gusto mo siya. ‘Wag ka nang magbitiw ng mga salita na magpapaasa pa sa kanya. Hindi naman ikaw ang masasaktan, hindi ikaw ang iiyak.”
-(c) sarilingpananaw.tumblr.com
Ang problema kasi talaga, madaming nagbibigay ng motibo. Kahit ayaw mo namang umasa, may nagpapaasa talaga. Pero hindi naman kasi lahat ng "paasa" paasa talaga. Yung mga iba, likas na ganon na sila magsalita/kumilos. Nami-misinterpret lang ng iba. Kaso, 'yun na nga, hindi manlang magsabi na wala silang intensyong magpaasa. SABIHIN NA NGA KASI BAGO PA MAY MAINLOVE NA SHUNGA!
---
"Maraming taong gustong sumaya kaso marami lang din talagang epal sa mundo."
-(c) my-shaninay.tumblr.com
Oo nga eh. Actually (wag mo akong ma-actua-actually!), madali lang namang maging masaya eh. Madami din namang pwedeng gawin para maging masaya. Talagang nauuso lang ang mga EPAL. Kumakalat ang baho nila sa mundong ibabaw. Kaya nagkakaroon ng air pollution eh!
---
"I hate the moment when suddenly my anger turns into tears."
-(c) my-shaninay.tumblr.com
OMG, like, I'm that everytime! Yung sa sobra-sobra na yung nararamdaman mo, yung punong-puno ka na, naiiyak ka na lang kasi hindi mo na kaya pang hindi ilabas yung galit. Ang panget kasi kapag hindi nilalabas at sa tingin nila hindi ka naman naaapektuhan, uulit-ulitin lang nila 'yon.
---
Kung mahal mo, ipaglaban mo. Kung dalawa mahal mo, ABA ANG LANDI MO!
---
"Si CRUSH ay parang isang ligaw na bala. Sa iba nakalaan pero ako ang TINAMAAN."
-(c) my-shaninay.tumblr.com
Ay, wait lang. Akala ko ba CRUSH lang? E bakit may TINAMAAN? Ang alam ko kasi paghanga lang ang crush eh. Iba na? Kahapon paghanga lang yung crush eh, ngayon may 'tinamaan' na? INIBA NA NAMAN?!
---
“When a person cannot answer directly to your question, probably the answer is too painful for you to know or too hard for them to admit.”
-(c) my-shaninay.tumblr.com
Kaya kung ayaw sabihin, 'wag pipilitin! Masapak ka pa. Edi sana tumahimik ka nalang!
---
“Smiling doesn’t necessarily mean you’re happy. Sometimes it just means you’re strong.”
-(c) my-shaninay.tumblr.com
True. Hindi naman kasi lahat tayo nagpapakita ng emosyon. Yung iba kahit hindi nakangiti, masaya at lalong hindi naman lahat ng nakangiti, masayang tunay. Smiling even when you're not really happy makes you strong because it proves that you can nevertheless show that whatever and how big your problem is, you still desire them to know that you're all right.
YOU ARE READING
Bitter, Nega, Random? Whatever.
RandomOo! Ako na ang bitter, nega at random! Tsk. Walang may pake. I'll do and say what I want. Hindi porket bitter, may pinagdadaanan. Hindi porket nega, walang magandang nangyayari sa buhay ko. Hindi porket random, walang magawa.
