ANA

215 25 0
                                    

This is a work of fiction. Any names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved: liniiiibee

Chapter 1: Ana

"It's drizzling"

I raised my right hand up to the sky and smiled as I felt the coldness of each raindrops falling freely into my palm.

Katatapos lamang ng final exam namin para sa sem na ito. Bilang nalang ang mga kagaya ko ngayong walang magawa at pagala-gala nalamang dito sa campus. Halos lahat na kasi ng mga estudyante dito sa Norion ay nagtipon ngayon sa Bliss para sa sem ender program na gaganapin maya-maya lamang.

I looked up to the sky. It's already turning gray. Mukhang tumama yung report nung weather anchor kagabi patungkol sa magiging panahon ngayon.

A small smile crept into my lips as I stared at the beautiful gray cotton candies. Ugh!

"Ms. Ocampo, why are you still here? Magsisimula na ang program, hindi ka ba pupunta?" rinig kong banggit ng isang lalaki sa panga- ay mali- apelyido ko nga lang pala.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Sir Del Mundo na nakatayo pala di kalayuan sa akin.

Ibinaba ko ang kaliwang kamay ko at saka bahagyang humarap sa kanya. "I will Sir, hintayin ko lang pong tumila tong ulan, wala po kasi akong dalang payong." I said saka pilit na ngumiti.

Sandali rin siyang ngumiti pabalik atsaka niya tuluyang inayos ang kanyang mga gamit sa mesa. Maingat niyang inilagay sa bag ang laptop kasama ng maliit na projector na karaniwang ginagamit ng mga guro dito sa amin upang sa gayon ay hindi na sila mahirapan pang magsulat sa pisara.

"Ganoon ba?, O siya, maiwan na muna kita dito at pupunta pa akong faculty para idala itong mga test papers." Pagkasabi niya non ay kinuha na niya ang mga test papers atsaka naglakad na papuntang faculty.

Muli ko namang itinuon ang atensyon ko sa langit at masayang pinagmasdan ang pag iiba ng kulay nito. Mula sa matingkad na asul ay unti-unti itong natakpan ng makakapal at nagdidilim na mga ulap.

The scene is so breathtakingly good.

You see, I'm a pluviophile. I love rain. I appreciate the existence of dark clouds. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagkahumaling ko sa ulan, basta ang alam ko lang, simula noong minsang naiwan ako mag-isa sa bahay at umulan ng pagkalakas -lakas, imbes na matakot ako ay nagawa ko pang lumabas ng bahay at magpakabasa, isama mo pang sinabayan iyon ng kulog at kidlat. It didnt even scare me, I don't even know what gotten into me para gawin iyon. Para akong sinapian ng kung ano at bigla ko nalang naisip na lumabas at maligo sa ulan. It's weird but it feels nice at the same time, para kasing may kung anong saya ang naidudulot nito sa buong sistema ko. It's so hard to describe how it actually feels basta, I just feel complete everytime its raining.

I already closed my eyes, ready to take a step out para sana damhin ang mga butil ng pasimulang ulan ng bahagya akong nakaramdam ng init sa kaliwang braso ko at pagkatapos ay ang biglang pagkahigit ko pabalik sa nauna kong pwesto.

I was taken aback at marahas na napadilat dahil sa gulat.

Lumingon ako sa bandang likuran ko para makita kung sinong pangahas ang nagmamay ari ng kamay na ngayo'y mahigpit pa ring nakahawak sa akin.

King Takahashi?

Hindi naiwasang manlaki ng mga mata ko ng maproseso ko ang mga nangyayari.

Not Your Ordinary Mean GuyWhere stories live. Discover now