chapter 40: aso't pusa

806 30 1
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto, matutulog na sana kami, ay! ako lang pala dahil si Christine iyak ng iyak. Ayaw ko sana kausapin, dahil ayaw ko ng madramang usapan peru mukhang kelangan ko ng kausapin at mapektusan, nang makatulog naman ako. Kasi naman my supot na sa mata ko. Alam niyo yon? Yong pag wala kang tulog o iyak ka ng iyak. Diba magkakasupot ka sa mata, sa english ata eyebag. Hehe. Ayan nababaliw na rin ako, kaninana pa kasi tong si Pusa eh,ang ingay! ingay! ingay! pag umiiyak, parang kinakatay na pusa. Tapos bigla nalang tatawa, diba parang baliw lang, nahahawa na tuloy ako. Kaya di na ako nakatiis.

"huhuhuhuhuhuhu waaahahahaha huhuhuhu waaraaay.... But mo naman ako pinektusan balyena, umiiyak lang naman ako dito eh." reklamo ni Christine. "yon na nga,iyak ka ng iyak, ang ingay mo kaya. Di ako makatulog!" sagot ko. "Eh kasi naman broken hearted nga ako diba?" sagot niya habang napa singhot singhot pa dahil sa pag iyak. " Nagbreak ba kayo?" takang tanong ko. "hindi, peru di niya na ako mahal,huhuhu" sagot niya habang nagpapahid ng luha gamit ang kumot ko. Tsk!  maya niyan basa na yong kumot. Lalo nang di ako makatulog nito. "Panu mo naman nasabing di ka na niya mahal aber?" tanung ko ulit at tumabi sa kanya, kasalukuyan kasi siyang naka upo sa kama. " kasi di niya ako hinatid pauwi" sagot nito at umiyak na naman. "tsk!! Baka inaway mo?" sabi ko naman.

Christine point of view

Tinatanong ako ni Mj kung inaway ko si bhebz ko, di naman ata eh.

  " di ko naman inaway yon eh." sagot ko. " ekwento mo nga sakin" utos ni Mj dahil malamang di naniniwala sakin

,,,,,,,,,,flashback,,,,,,,,,,,

Nandito na kami ngayon nina Mj sa gate, pauwi na ko ng tinawag ako ni bhebz ko, ay ni Jasper pala dahil galit parin ako sa kanya. Iniwan naman ako ng butihing bestfriend ko at ng future boyfriend na para daw my privacy kami. Kaya wala akung choice kundi kausapin ang asong boyfriend ko. Opo aso siya. Bunto't ng buntot lagi sakin eh. "bhebz sorry na please" pagmamakaawa sakin ni Jasper ng makalapit ito sakin.  "sorry your face" mataray na sabi ko. " bhebz naman eh, miss na miss na miss na kita, tsaka promise magtetext na ako" patuloy na pagmamakaawa ni Jasper " ayoko ko!!!!! Dun ka sa mga hitad na mga babaeng yon, kung makipag-usap ka nga dun sa kanila ang saya-saya mo eh,tas sasabihin mong namimiss mo ako?" bulyaw ko dito, kasi naman naadaanan ko kanina sa hallway nakikipaglandian eh tapos ngayon magmamakaawa?  "bhebz naman, masaya lang ako kasi tinutukso ka nila sakin. Bagay daw tayo bhebz" paliwanag niya. Peru di parin ako naniniwala. " wala akung pakialam" sagot ko naman. "oi nagseselos ka bhebz?" pang aasar ni Jasper. "tse!!! Selos your face" singhal ko ulit sa kanya at tumalikod para lumayo na sana sa kanya, peru hinawakan niya ako sa braso at pinihit paharap sa kanya. "Bhebz sorry na please" sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.  Peru yumuko lang ako at di nagsalita, baka kasi mapatawad ko siya agad eh.

   " Halikana umuwi na tayo,ihatid na kita. " inaya niya nalang akung umuwi nang di parin ako nagsasalita, hinawakan niya ako sa kamay para akayin na pauwi peru hinila ko kamay ko. "umuwi ka mag-isa mo"sigaw ko at tumakbo na paalis nang di manlang siya nilingon, at dahil di manlang niya ako tinawag kaya nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo at umuwi na mag-isa.

,,,,,,,end of flashback,,,,,,,,

"araaaay!!!!!! But mo pa ako binatukan? Nakakarami kana balyena ha" nakasimangot na sabi ko. " eh kung di ka naman dakilang artista, inaya ka naman pala na ihatid eh.tas iyak iyak ka jan?" inis na sabi ni Mj. "eh hindi niya man lang ako pinilit na ihatid? Huhuhuhu araaay huhuhu but mo pa ako binatukan ulit ha?"inis na sabi ko ky balyena,binatukan kasi ako ulit, anu masama sa sinabi ko? " mukha kang tanga eh. Ang pangit pangit mo pa kapag umiyak." sabi niya at sinabayan pa ng tawa. Ang bait talaga niyang kaibigan. -_- . "Grabe ka talagang balyena ka, imbes na e comfort mo ako eh inaaway mo pa ako. Kaibigan ba talaga kita? " nakasimangot kung sabi sa kanya.

Tinignan niya ako ng blankong expression ang mukha. Tsaka sinigawan. "baba sa kama!!!" bumaba naman ako agad dahil nabigla ako sa sigaw niya. Pagkababa ko ng kama kinuha niya ang comforter at tinupi ng tatlong tupi. At sumigaw ulit siya. "balik sa kama." sigaw  ni Mj na galit ang mukha. Parang robot naman akung sumunod sa kanya. Nabigla nalang ako ng ipatong niya sa katawan ko ang comforter at dinaganan ako. "waaah bhalyenha hanu bhah hang bhigat mho"halos di makahinga kung sabi. "sabi mo diba e comfort kita? Oh ayan comforter tas ako. But kapa nagrereklamo.hahaha" sagot niya nang di manlang umalis sa pagkakadagan sakin. "bhaliw kha thalhagha khahit khelhan."hingal na hingal ko pang sabi. Peru tumawa lang ikaw ng malakas at nag wink ng kilay.

Dahil nainis na ako sa kanya kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at binato sa kanya, tumama naman ito sa mukha niya kaya ako naman ang natawa. Galit niya akung tinignan at kumuha din ng unan at binato sakin. Peru naman ako natamaan. Kaya ako naman ang kumuha ng unan at binato sa kanya. Natamaan ulit siya kaya tawa ako ng tawa, at naghampasan na kami ng unan.  Narealize ko nalang na ganito pala siya magcomfort sakin, dinadaanan niya sa dahas, ah este sa ibang paraan. Kaya napangiti nalang ako at umupo na sa kama ng parang binagyo. Dahil parehu na kaming pagod sa kakahampasan ng unan humiga narin si Mj sa kama.

" bestfriend thank you ha. Di mo man sinasabi peru alam kung mahal mo rin ako. " sabi ko ng di nililingon si Mj. " tsk! Akala mo naman, gusto ko lang matulog no,kaya manahimik kana jan ha. Tsaka  gayahin mo kaya ako walang boyfriend,oh diba? Wala akung iniiyakan." sagot nito na nakahiga parin.

" hmm sige na nga,mula ngayon bawal muna ang boyfriend, basta di mo narin ako aawayin ha? Ansakit kaya ng pektus mo. Para kang amasona.hehe" sabi ko at humiga at nagtulakbong ng kumot. "aba't gusto mo isa pa?" magsasalita na sana ako ng my narinig akung kumanta.

" For all the years that I've known you baby
I can't figure out the reason why lately you've been acting so cold.
(didn't you say)  my back up singer pa talaga.
If there's a problem we should work it out
So why you giving me the cold shoulder now
Like you don't even wanna talk to me girl
(tell me)
OK I know I was late again
I made you mad and dinners thrown in (the bin)
But why are you making this thing drag on so long
(I wanna know)
I'm sick and tired of this silly game
(silly games)
Don't think that I'm the only one here to blame
It's not me here who's been going round slamming doors
That's when you turned and said to me
I don't care babe who's right or wrong
I just don't love you no more.

Sino kaya ang kumkanta? Dahil parehu lang kami ni Mj na nakikinig.

TBC

Unexpected Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon