chapter 44: bals and kogs

818 27 0
                                    

Akmang bababah na ako ng hagdan ng hawakan ako ni kulugo sa balikat.

Nagatigil naman ako, pero di ko siya nililingon.

"sorry na princess kasi naman ang cute mo asarin eh, tsaka para naman talaga sayo lahat ng pagkain na yon eh,kaya kahit ubusin mo pa lahat yon ok lang" pagka tapos niyang sabihin yon ay pumunta siya sa harapan ko. At nagsalita ulit.

"tsaka kahit parang balyena aah araay! Ouch! naman Princess, patapusin mo muna kasi ako" piningot ko kasi sa tenga. Sinamaan ko lang ng tingin kaya nagpatuloy nalang siya sa pagsasalita.

"yon nga,kahit ganun kadami kain mo, ok lang naman, sexy kaparin naman" inirapan ko lang at bumalik sa mesa at umupo. Umupo rin si Cj sa kaharap ko na upuan.

Kumuha ito ng pagkain at nilagay din sa plato niya. Kaya tinapik ko ang kamay niyang my hawak ng kutsara muntik pang matapon ang laman nito.

"bakit mo ginawa yon Princess?takang tanong ni Cj.

"Bawal kang kumain, diba para sakin lahat ng pagkain? But kapa kakain?" kumuha narin ako ng pagkain at nilagay sa plato ko. Di nakasagot si Cj kaya tinitigan ko ito, nakatulala pala ang loko. "sobrang ganda ko ba para matulala ka nang ganyan?" tumango naman ito na parang robot.

"tsk! Dun ka nga, wag mo akong titigan habang kumakain,nakakailang kaya" inis na sabi ko.

Tatango na sana ito at akmang aalis sa upuan peru napatigil ito at umupo ulit. "Princess naman, di mo manlang ba e-share sakin ang pagkain mo? Nagpaka hirap ako para lutuin lahat niyan, di mo man lang ba ako papatikimin?" parang batang naghumingi lang ng kendi tong si Cj.

My naisip naman akong kalukuhan. "e-abot mo nga sakin plato mo" tuwang-tuwa naman niyang inabot sakin ang plato niya. Kaya kumuha ako ng tig kalahating kutsara sa bawat ulam na naka hain at nilagay ito sa plato niya at inabot ko sa kanya ulit.

"oh, ayan na. Tikman mo na" kinuha niya nga ang plato at pinatong sa mesa, pero di siya kumain. Nangalumbaba lang ito at nag pout pa. Kakainis tong lalaking to, but ang cute niyang magpout kahit matanda na.

"problema mo? Sabi mo diba, tikman mo? Ayan na oh. Marami nga yang binigay ko eh" pigil tawang sabi ko. Lalo pa itong napa nguso na parang batang di nabigyan ng kendi.

"tsk! Sige na nga, dragon fruit nalang kainin ko, ubusin mo lahat yan ha." di ko siya pinansin at kumain lang ako. Naka tatlong kutsara palang ang nakain ko ng mapansin kung walang dragon fruit dito sa mesa.

"kulugo asan yon dragon fruit ko?" nilingon niya at ngumisi.

"walang para sayo,di mo ako papakainin ng hinanda ko eh" sagot nito at nagpatuloy lang ng pagkain ng dragon fruit. Alanya! Naisahan na naman ako.

"oo na, kumain kana dito, basta tatlong piraso ng dragon fruit ibigay mo sakin ha" dali-dali naman itong lumapit sakin bitbit ang tray na my lamang dragon fruit.

"sabi na eh,di mo ako matiis princess eh, ayeii!! Naiinlove kana sakin no? Siguro kilig na kilig ka sa date nato no?" pang aalaska niya. Kakainis talaga tong lalaki nato. Sarap ipatapon sa pluto, namumula na naman ako I'm sure of that, ang init ng pisngi ko eh.

"oh! Kitams, para kanang kamatis na kinakain mo oh. Ang pula mo na kasi, hahaha naku baka sagutin mo na ako kahit di pa kita nililigawan ha?" patuloy lang sa pangaalaska nito at tawa ng tawa. Magantihan nga.

"eh kung sagutin kita ngayon?" bigla lang itong natigil sa pag tawa. At sumeryoso ang mukha nito. Gotcha!

"Princess di pa nga kita pwede ligawan, wag kang atat, kaya naman kitang antayin hanggang matapos tayo ng pag-aaral eh. Kaya relax lang ok" ay putek na lalaking to, but ka ganyan, naiinlab lalo ako.

"kung di ka pwede manligaw, eh di ako manligaw sayo" hahaha two points biglang nanlaki ang mata nito sa gulat.

" anu kaba Princess ako ang lalaki,kaya dapat ako manligaw sayo" worried na sagot nito. At hinawakan pa ako sa magkbilang pisngi. Di ko na rin mapigilan ang tawa ko. Kaya tinitigan niya ako ng masama. At tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"hahaha, khasi haha naman haha pinag haha uhm! Uhm! Hehe. Ayan na di na tatawa. " ansama na talaga ng tingin niya eh. "Tsk! Asa kang kilig naman ako. Tsaka pwede ba wag mo akong tawaging Princess nakakasuka pakinggan" inis na sabi ko.

"di ka naman nagsuka simula ng tinawag kitang Pri-" tinakpan ko kasi bibig niya gamit ang kamay ko.

"hintayin mo pa bang masuka ako?" mataraxm na sagot ko. Umiling din ito.

"good, di narin kulugo itawag ko sayo" dagdag ko pa. Tumango tango ito bilang pag sang ayon.

"kogs nalang itawag ko sayo, para unique" nakangiting sabi ko uli. At tinanggal na ang kamay kong nakakatakip sa bibig niya.

"ok, sige bals narin tawag ko sayo." masayang sagot nito.

"vals, short for valentine? " takang tanong ko.

"di ah, kasi diba kogs tawag mo sakin, im sure pina iksi mo lang ang kulugo. Kaya ikaw naman si bals, bals ah, as boy apple love sweet as in bals. Short for balyena araay! Aray! Ouch! Ouch!ah! Ah! Ouch." pinaghahampas ko kasi ito.

"dont dare to call me bals or ewan kita dito" patuloy lang ako sa paghampas sa kanya.

"eh ako nga kogs, kaya quits lang tayo." tsk kainis talagang siya.

Kogs/bals/kogs /bals palitan lang kami sa pagaalaska. Yan na siguro talaga maging tawagan namin.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain, naglakad kami sa baba ng tree house,nag habolan, ng mapagod nagkwentohan. Para lang kaming mga bata actually peru nakaka enjoy.

Ang sarap pala ng feeling ng nagdedate lalo na pag my gusto ka sa kadate mo. Nakakailang yong pagiging sweet niya peru nakakikilig. Geh ako ng magulo kausap.

Unexpected Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon