"Let me do it myself. The smoke in your hands just worsens it. " sabi nito kaya napatingin si Richard sa kanyang kamay at totoo nga ang sinabi ng dalaga, lumalabas ang mga itim na usok dito na naging dahilan ng pagtaka ng binata. Hindi niya man lang naramdam na lumalabas ito sa kanyang mga kamay, tumingin siya sa dalaga nang may pagtataka sa mukha. "I think it's because of my blood." sabi nito at lumayo ng kaunti pero agad siyang pumosisyon sa depensa nang mapansin na napalibutan na sila ng mga gwardya at ng dalawang babaeng may malademonyong ngiti sa labi.

"Surrender now my dear niece, hindi mo na rin kayang lumaban." sabi ng kanyang traydor na auntie na ngayon ay nakapameywang. Humakbang papalapit si Miracle at tumingin sa kanya ng masama. "I will never surrender for the rest of my life, I will fight! I will never stop fighting you until I get my revenge!" sigaw niya kahit na nanghihina dahil sa maraming dugo na ang nawala sa kanyang katawan.

Lalapit na sana ang mga gwardya pero biglang humarang si Richard. "You will have to kill me first before you can touch her." pagbabanta nito sa kanila at pinakawalan ang dark smoke sa kanyang mga kamay. "Go and escape now Miracle, I will hold them off." bulong nito sa dalaga ngunit umiling lang ito sa kanya. "No Richard, I won't let you fight them alone, you don't know the ability of those mother and daughter." hindi pagsang-ayon ni Miracle ngunit pinilit siya ng binata at sinugurado niya na walang mangyayaring masama sa kanya. Isang luha na naging yelo ang tumulo mula sa mata ng dalaga dahil sa gagawin ng kanyang kaibigan at alam niyang delikado iyon.

Napalingon silang lahat sa likuran at para sa dalawa ay sakto lamang ang pagdating ng kanyang kaibigan. "Alex." sabi ni Miracle sa kanyang isipan. Alexander stamped his foot hard on the ground and it made a big hole, some of the guards fell but some managed to climbed up. Lumapit si Alexander kay Miracle at tumingin kay Richard na tila ba nag-uusap sa tingin, maya-maya lang ay sabay silang tumango at biglang hinila ni Alexander si Miracle pero pumiglas ang dalaga. "Wait, what are you doing Alex?" nagtatakang tanong niya rito. "Helping you to escape silly." nakangiting sabi nito na akala mo ay walang labanang nangyayari. "But you should help Richard first, you know how powerful my aunt and my cousin are!" sigaw ko sa kanya. "I will help him after you escape, so let's not waste time here, let's go." sagot nito at hinila na ang dalaga, pero bago sila umalis ay muling sinulyapan ni Miracle si Richard, isang ngiti na nagpapakitang magiging okay ang lahat ang lumabas sa labi ng binata kaya lalong napaluha ang dalaga dahil hindi niya sigurado kung makikita niya pang muli ang ngiti na iyon.

Tumakbo ang magkaibigan papunta sa pintuan at palabas na sana nang biglang humarang ang mga gwardya, napatigil sa pagtakbo ang dalawa lalo na si Miracle nang mapansin kung sino ang nasa gitna ng mga gwardya, at walang iba kundi ang asawa ng kanyang auntie. "Vector" ang pangalang lumabas sa kanyang labi, humakbang siya paharap at hinarangan ang kanyang kaibigan dahil alam niya kung ano ang kayang gawin ng kanyang uncle. "What are you doing Mira? Go and escape now, I can handle them." sabi ng kanyang kaibigan ngunit umiling iling siya dahil alam niya ring mahirap kalabanin ito.

"No you can't handle him alone Alex, you don't know his ability and how strong he is." sabi nito. The two of them looked at him in a defensive position, but the man just laughed, a deadly laugh. "Oh my dear niece, you want to escape?" inangat niya ang kamay niya at may acid na lumabas sa palad nito. "But before you do that, you are already dead." seryosong sabi nito at pinakawalan ang acid sa kamay niya papunta sa direksyon ng magkaibigan, agad na pinaangat ni Alexander ang lupa upang harangan ito ngunit nakatagos ito at papunta parin sa direksyon nila, konti na lang at matatamaan na ang binata nang biglang humarang si Miracle at ginawang ice ang acid sa harapan nito, pero lalo siyang nanghina dahil ginamit niya ang kanyang natitirang lakas upang protektahan ang kanyang kaibigan. "S-see? He's strong Alex, you can't fight him alone." nanghihinang sabi nito, inalalayan siya ni Alexander at tinignan ng masama ang kalaban.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now