Nang makapasok sa loob ay mabilis niyang niligpit at nilinis ang mga tools niya gamit ang autoclave machine.

Nang matapos ang ginagawa ay sinunod niyang inayos ang iilang mga equipment na wala o kaya'y hindi maayos sa kinalalagyan ng mga ito.

Ang ginamit na disposable gloves kanina ay kaagad niyang itinapon sa trash bin at pagkatapos ay nagwalis ng sahig.

Nang masigurong malinis at maayos na ang silid ay pumalakpak siya.

She was very happy to see herself standing in front of her dreams. Gustong-gusto talaga niyang maging dentista noon pa man kahit tutol ang ama niya dito.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot at uhaw nang maalala ang ama kung kaya't lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kanyang water dispenser.

Matapos makainom ng tubig ay hinagod niya ang lalamunan. Pinuno ulit ng tubig ang baso at akmang iinom ulit ngunit nabitin iyon sa ere ng mahagip ng paningin niya ang isang bulto na nakahiga sa sofa bed di kalayuan sa kinaroroonan niya.

Pasyente siguro. Bulong ng likuran ng isip niya.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at akma sana itong tatanungin ngunit natigilan siya pagkatapos mamukhaan kung sino ang natutulog sa sofa.

Natulos siya sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mala-anghel nitong mukha.

Totoo ba 'to?

She blinks how many times, kasi baka namamalikmata lang siya, but she's not.

Totoo, si Hogan, ang kasalukuyang nakahiga sa sofa!

Matapos siyang pumunta sa kompanya nito noong nakaraang araw para ibigay ang dream cake na ginawa niya bilang pasasalamat dito na akala niya ay hindi nito tatanggapin ay iwinaksi na niya kaagad sa isipan ang posibilidad na magkukrus ulit ang landas nilang dalawa. Pero heto siya ngayon, halos hindi mapuknat-puknat ang tingin sa gwapong alien na 'to na hindi niya alam ang dahilan kung ba't ito nakarating sa clinic niya at kung bakit ito doon natutulog.

Napatakip siya ng bibig. Hindi kaya ay sumakit ang ngipin niya dahil sa cake na ibinigay ko sa kanya kaya siya nandito?

"Stop staring at me. You're distracting my concentration from sleep. I need some rest," biglang sabi nito, pero nakapikit pa rin na nagpa-igtad sa kanya sa kinatatayuan.

Did he sense my presence?

"O-okay," she replied, habang sapo-sapo ang dibdib.

"Give me two hours and after that, wake me up. Papatayin ko kung sino man ang mambubulabog ng tulog ko so, better close your clinic to avoid it," pagkasabi ay dinala nito sa noo ang braso at hindi na umimik pang muli.

Mabilis pa sa alas-kwatro na sinunuod niya ang utos nito.

Sinara niya ang clinic. Tapos natigilan siya.

Teka, tama bang sundin niya si Hogan? Hindi siya nito empleyado para utos-utusan siya ng gano'n but the biggest part of her brain wants him to sleep well and she saw how badly he needed it.

He looked weary.

Hindi naman kasi biro ang maging CEO slash owner ng isang napakalaking kompanya. Parang pasan na nito ang mundo sa uri ng trabaho nito.

Pumasok siya sa clinic at nakita niya si Hogan na mahimbing na natutulog. Kita sa gwapo nitong mukha ang pagod.

Sa lahat ng lugar na pwede nitong puntahan at pagpahingaan, why in her clinic?

Paano naman nito nalaman ang location ng clinic niya?

Did he search for her?

Pero imposible naman ata 'yon. Alam niyang walang rason at oras si Hogan para hanapin siya unless na lamang kung interesado ito sa kanya at isa iyong malaking hindi.

Coincidence lang' to. Oo, yon na lamang ang paniniwalaan niya.

NAGISING si Hogan dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya.

Tinatamad na kinuha niya ito sa bulsa at walang kabuhay-buhay na sinagot ang bwesit na tumatawag.

"Fuck you for disturbing my sleep," mahina pero nandoon pa rin ang intensidad ng pagka-inis sa boses niya.

"Relax, Contreras. Masyado ka naman atang high blood," anang tinig na walang iba kundi si Tucker.

"What is it, prick?" walang kagana-gana niyang sabi habang nakapikit pa rin.

He wanted to return to sleep, pero mukhang malabo na 'yong mangyari.

"Kanina pa ko nandito sa napag-usapan nating cafe. Actually, nilalangaw na ang kape ko dito sa kakahintay but wala ka pa rin. So, fuck you for making me look so stupid here because of you. I've been sitting here for almost an hour and I want to thank you for that," Tucker exclaimed.

Tinignan niya ang relong pambisig at nakita niyang magaalas-kwatro na. He was 30 minutes late sa eksaktong oras na pinag-usapan nila ni Tucker.

"No worries, Wade. I'm not letting you wait there forever," he said, sarcastically, na ikinaingos naman nito.

"Pumunta ka na dito, Hogan. Nakakadalawang tasa na 'ko ng black coffee at kapag umorder pa ko ng isa pa, paniguradong dilat ako nito buong magdamag kaya pwede ba, get up and drive straight here!" anito at kaagad siyang binabaan ng linya.

Napabuntong-hininga siya.

Damn. Does he remind her to wake him up after two hours? Yes, he did, pero magaalas-kwatro na'y hindi man lang siya nito ginising.

He scrutinized every corner of the clinic to find her and there, he saw Tamara lying on her table-sleeping.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito at ibinaba ang mukha kapantay sa mukha nito.

He giggled a little when he saw the dry saliva on the verge of her lower lip.

Kaagad niyang inilayo ang mukha ng umingos ito at dahan-dahang idinilat ang mga mata.

Ng mapako ang tingin nito sa kanya ay natatarantang tumayo ito at dahil sa pagkataranta'y natumba pa nga nito ang silya.

"Sorry," anito at kaagad pinatayo ang silya.

He secretly smiles because of it.

And she's no doubt a clumsy, drooling woman.

"Sorry kung nakalimutan ko na gisingin ka. Nakatulog rin kasi ako," she explained while her face was welling up.

Inabot niya ang panga nito at pinaharap ang mukha sa kanya na ikinagulat naman nito.

She's very pretty when surprise overtook her face.

"It's okay. Hindi mo naman 'yon kaylangang gawin," he said in a low, deep voice.

He smirked when he saw how Tamara's face turned into crimson.

And... when she's blushing.

At nang mapagtanto kung anong pinagsasasabi ng utak niya ay parang napasong binitawan niya ang mukha nito.

"B-bakit ka nga pala nandito? Magpapa-dental check-up ka ba?" tanong nito bigla na ikinalukot ng mukha niya.

Fuck! Ba't nga rin ba siya nandoon?

El Magnate Club 1: Mr. Grumpy's Gentle SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon