Nilagpasan ko na nga 'to at pinuntahan ang chocolate fountain. Nakita ko ngang may fishball sa tabi nito, pero kinuha ko lang mga prutas. Nang kukuha na ko ng inumin, biglang may narinig akong boses. "Try mong isawsaw yung fish ball, masarap." 

Napalingon ako kay Zach.

Sabi ko na nga ba nandito siya. Sabagay, ok na rin 'to. Masasanay rin ako sa kinatatayuan namin. Hindi ko siya iiwasan, at kahit ba hindi siya mapapasaakin, at least sisiguraduhin ko maaasahan ako ni Zinnia. Binalik ko ngiti niya. "Isa na naman ba 'to na patok sa panlasa mo?"

"Oo naman. Nakailan na kaya ako." Kumuha siya ng fish ball, sinawsaw sa chocolate fountain at kinain 'to. 

Nawalan ata ako ng gana at nilapag ang platito ko. "May kasama ka?"

Tumango siya at tinuro ang kabarkada niyang RainBoys. "Ikaw? Si Marseille?"

"Oo. Siya lang sunud-sunuran sa akin." Saktong narinig namin 'tong nagrereklamo dahil ayaw dagdagan kanin niya, buti na lang iniba niya topic.

"Kararating niyo lang ba? Hinahanap kasi kita kanina." 

"Oo. Bakit?"

Napangiti 'to. "Di ba nabanggit mo minsan akala mo sinayaw kita? Since hindi nangyari 'yun, isasayaw kita ngayon."

"Ah, ganun ba..." Naririnig ko nang nakikipag-away 'yung Mustafa na 'yun sa server kaya sinabi ko "Sige, sayaw tayo." Pumunta kami sa dance floor at saktong naging romantic ang tugtog at biglang dumami ang mga mananayaw. Napunta kami sa gitna at medyo naguluhan nung una kasi hindi ako sanay na ako sinasayaw pero na-gets ko rin. Para lang kami bumalik sa party sa The Square

"Ang ganda mo talaga ngayon, Eloise." sabi niya. 

"Thank you. Ikaw rin. I mean gwapo ka...no homo."

Natawa 'to. "Cute mo nga sa dress na 'yan. Kulay-"

"Blue."

"Actually, it's turquoise." 

Natawa siya. Tuloy-tuloy pag-uusap namin na may halong tawa na rin, at sa totoo lang mali inaakala ko. Akala ko kasi mahihirapan ako sa pakikipag-usap sa kanya, pero ok lang pala. May konting lungkot, pero napapangiti naman ako.

Natapos kami at sinabi ko "Thank you, ha."

"Thank you rin at nabinyagan mo na sapatos ko." 

Ilang beses ko kasi siya natapakan. "Sorry."

Natawa siya. "Ok lang. Mukhang may sasayaw pa sa'yo."

Nagtaka ako at napalingon para makita si Alistair nakangiti sa akin.

"Ako na bahala dito, Zach."

"Nagtitiwala ako sa'yo ha." Nag-brofist 'to at nginitian niya ko bago tuluyang umalis.

"Nakasalamin ka ngayon." sabi ko.

"Madami ngang napapatingin sa akin, pero ok lang. Pinakita mo kasi sa akin na ok lang."

"Corny mo." pero hindi ko mapigilan mapangiti.

"May I have this dance?" sabi niya at inalay kamay niya.

Kinuha ko na lang 'to at pumwesto kami. Biglang nagbago ang paligid namin, napalibutan kami ng mananayaw, at pati rin ang tugtog nakisabay na rin. Nagpatugtog 'to ng pamilyar na kanta, at sinimulan naming sumayaw.


Magkaibang mundo ika'y naroon ako'y narito
Ngunit sa isang banda tayo'y nagkatagpo
Panapanahon minsa'y matamis minsa'y mapait
Kahit gaano man kasakit walang kapalit


Tahimik kaming sumayaw, pero bakit nakakaramdam ako ng Deja vu? Na para bang sumayaw na kami ni Alistair dati, pero imposible, nung kailan lang kami nagkakilala. 


Baka nangyari 'to sa...


Wagas ang kwento ng ating pag-ibig, di mo akalain
Sa ganito aabutin, Wagas kaylanman 
Ay di magbabago, habang buhay kitang
Pagsisilbihan, Habang buhay kitang aalagaan
Ang nagmamahalan ng tunay ay syang Wagas


Nangyari na nga 'to. Sa The Square, nang magkahiwalay kami ni Zinnia, may babae akong nakasayaw, hindi 'yung sumunod kasi nag-selfie lang 'yun. Pero 'yung sumunod sa kanya, 'yung babaeng nakabunggo sa akin. 


Paano kung ika'y mawala sa piling ko
Marahil di mo nga raw kung paano pa kikilos
Sa mundong Ito , Panapanahon minsan
Sisikat ang araw, Bumuhos man ang ulan
Hawakan mo nalang ang aking kamay


Pinagmasdan ko siya, at nakikita ko sa kanya ang babaeng sinayaw ko. Ang itsura, ang salamin, ang birthmark na mukhang paru-paro sa balikat niya. Siya nga 'to.


Hindi ako nagkakamali.


Wagas ang kwento ng ating pag-ibig di mo akalain
Sa ganito aabutin, Wagas kaylanman 
Ay di magbabago.....habang buhay kitang
Pagsisilbihan, Habang buhay kitang aalagaan
Ang nagmamahalan ng tunay ay syang WAGAS


"Ikaw nga..."

"...Ang iniibig mo?" sabi niya.

"Asa pa."

Natawa siya. "Ang ganda mo talaga ngayon, angel. Simple lang suot mo, pati rin ang make-up, pero ikaw ang unang nakita ko pagdating mo dito. Isa ka talagang anghel."

Napangiti ako. "Hindi 'yan gumagana sa akin."

Natapos na ang tugtog, kaya natapos  din sayaw namin...

Pero mukhang dito magsisimula ang lahat.

________________________________________________


Pagkatapos ng party, nagpaalam na ko kay Jeanette pati na rin kay Marseille na mauuna na ko dahil hindi pa siya tapos sa pag-rarally ng server 'dun. Sasabay raw sa akin si Alistair hanggang kanto pero bigla na lang nawala 'to kaya umalis na rin ako.

Habang naglalakad, biglang kumulog hanggang sa naging ulan 'to, at wala pa kong dalang payong. Wala rin akong makitang shed kaya mukhang maliligo ako sa ulan. Iniisip ko na bumalik kayla Jeanette nang may nagpayong sa akin at nakita si Alistair. Pinapayungan niya ko pero nagpapabasa naman siya sa ulan. 

"Pumasok ka nga dito. Baka magkasakit ka dyan." 

Ang sabi niya lang "Alam mo, minsan lagi tayong nakatutok sa taong pinapayungan natin. Hindi nila napapansin man lang ang pumapayong sa kanila sa likod."

"Humuhugot ka na naman ba?"

Medyo napangiti siya. "Hindi ba parang ganun tayo nila Zach. Siya pinapayungan mo, ako pumapayong sa'yo."

"At nababasa ka kaya pumunta ka na dito." Sabagay basang-basa na siya kaya wala na rin mapapala.

"Nabanggit ni Zach nagkita raw kayo sa isang parke...Nasabi mo na sa kanya?"

"Hindi...Hindi ko na mababago pa ang relasyon namin kahit sabihin ko, pero ok lang. Hanggang friends na lang talaga kami."

"Hayaan mo, at nandyan lang ang tao na 'yun para sa'yo. Tumingin ka lang ng mabuti. Madalas na yung taong hindi mo inaakala, siya pa yung taong para sa'yo."

Nakikita ko na naman ang babae na 'yun sa kanya. "Kung ganun...sana hintayin niya ako." 

Lumapit siya hanggang sa parehas na kami nasa ilalim ng payong. "Alam naman niyang worth the wait ka, Eloise." Binigay niya sa akin ang payong, at hinalikan ako sa noo. Nginitian niya ko bago tumakbo 'to sa kabilang direksyon hanggang sa mawala na.

"Sana mahintay mo ko..."


Alethea


SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon