Prologue..
"Gusto kita," namumulang pag-amin ni.. Sino nga ba 'to? Thomas? Theodore?
Mag isa lang kasi ako ngayon sa classroom kasi wala akong ganang kumain. Lunch break ngayon kaya ako lang mag isa dito sa classroom. Nang biglang sumulpot dito ang nerd na 'to at nagsabi ng mga nakakadiring salita.
I sighed. Peke akong umarte na parang nalulungkot. Kitang-kita ko ang pamumutla niya sa reaksyon ko pero pinipilit pinatitibay ang loob.
"I'm sorry but I'm not yet ready for it. At isa pa, hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa ‘yo."
That was my famous line. Yan ang palagi kong sinasabi sa mga lalaking binabusted ko o sa mga nagcoconfess na hindi ko type.
Namula ang mga mata nito. Nawala ang katiting na nakita kong pag-asa sa mga mata niya. Tila pinagsakluban din siya ng langit at lupa. Kasalanan naman niya eh. Of all the girls, why me? Ang taas naman ata ng pangarap niya.
I'm famous, beautiful, seductive and kilala ako bilang heartbreaker sa school. Hindi ako friendly at mas lalong hindi ako nanlalandi. Sila ang kusang nahuhulog sakin.
Tumayo ako. Tila nabalik siya sa sarili at tinignan ako. Tears stream down to his face while eyeing me. Wala siyang sinasabi pero ramdam ko ang hinanakit niya. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa pangrereject ko Sakanya.
"Kung may galit ka sakin, then so be it. Matuto ka na sana sa susunod. Don't dream to catch a girl like me. Ikaw ang naghahanap ng sarili mong kamatayan. It's like, hanging on a cliff without any assurance she might catch you." malamig kong sambit at batid kong natigilan siya doon. Kinuha ko ang bag ko at dire-diretsong lumabas ng classroom at iniwan siya don na humahagulgol.
He cried. With so much pain. Ang mga huli kong sinabi ang nagtulak sa mga luha niya na lumabas pa. Mas mabuti yon.
Natigil ako sa paglalakad nang may humarang sakin na lalaki. Nginitian ako nito na ikinaangat ng kilay ko.
"Hindi ba't ang sama naman ata non? Tinamaan ng todo ang lalaking 'yon sayo ah," sabi nito at nilingon pa ang pinanggalingan kong classroom.
"Hindi maganda sa babae ang nagpapaiyak ng lalaki," pagpapatuloy niya pa habang nakatingin pa rin doon at naiiling pa.
"What's new anyway?" pagpapatuloy niya pa na parang sanay na sanay na ito sakin. Nilingon niya ako at nginitian. I rolled my eyes sanhi para matawa siya ng malutong.
Kinuha niya ang bag ko at ipinaubaya ko naman 'yon. Nagsimula akong maglakad at nilampasan siyang natatawa pa rin. Agad ko rin naman siyang naramdamang sumunod.
"Siya 'yung sikat na nerd dito, 'di ba? 'Yung nag-eexcel daw sa lahat ng subjects. Gwapo rin naman daw 'yon kung nag-aayos lang. 'Tsaka sabi nila, mayaman 'yon. Sobrang yaman." tsismis sakin ng lalaking katabi ko. Pinanatili ko lang ang aking blangkong ekspresyon sa mukha at walang pakialam sa sinasabi niya. I'm not interested and I will never.
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa hallway na walang estudyante at nagpatuloy naman siya sa kakatsismis sakin tungkol sa nerd na 'yon. Sayang daw at naging nerd. Pwede namab daw sanang maging heartthrob 'yon o heartbreaker din katulad ko.
Well, it's his choice. Siya ang pumili ng landas niya. Siya ang nagpili ng personalidad niya. Nang dapat na siya. Pinili niyang maging nerd kaya pangatawanan niya 'yan. Maging loser palagi.
Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na tumigil ang mga estudyante at nilingon pa kami sa entrance. Gaya nga ng sabi ko, famous ako dito. Pero hindi lang naman ako, pati na rin ang kasama ko.
Naglakad kami papasok at agad na nakita ang nakangising mukha ng mga kaibigan namin. Tila natutuwa ang mga ito at parang may pinag-uusapan o pinagtsitsismisan na estudyante na naman.
Dire-diretso lang ang lakad namin at nakasentro lang ang tingin sa table namin. Nang makalapit kami ay agad akong umupo sa bakanteng upuan at hinablot ang isang stick ng fries sa katabi ko. Nginisihan niya lang ako at inilingan.
Kumpleto pala ang mga lalaking pinagkakaguluhan dito sa table namin.
Rapmon, Jin, Suga, J-hope, Jimin, V at JK. My seven not dwarfs but boy bestfriends.
YOU ARE READING
Truths Behind Untold
Teen Fictionbasically, this story is for chelsea! hshshs lols. this is HER story at hindi sa bts:> i just love her attitude and somehow they say na pareho kami ng attitude lol! di po ako masama! i never play someone's feelings hihi. but chelsea is quite mysteri...
