Chapter 13: His bike

Magsimula sa umpisa
                                    




Napasarap yata ang tulog ko at sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Napapapikit pa ako dahil gusto pang matulog. Hindi ko alam kong ilang minuto akong napapikit at nagising na lang nang maramdam ko ang mainit na hininga sa aking batok at mahigpit na pagyakap mula sa aking likuran. Marahan akong umatras para makabwelo ng pagharap ko sa kaniya at nang makaharap ako sa kaniya ay gising na pala ang loko. Hindi ko inaasahang bigla niya na lang akong hahalikan sa noo.

"Good morning bunso!" masaya niyang sabi. Tinulak ko naman ang mukha niya papalayo sa akin habang pinupunasan ang noo ko.

"Gago ka! Ang aga-aga puro ka kalokohan" sabi ko at siya naman ay tumawa. Tumingin ako sa alarm clock na nasa maliit na mesa sa tabi ng kama ko at napabalikwas ako nang makita kong malapit ng mag-alas otso.

"Pahiga-higa ka pa dyan, hindi mo man lang alam na malilate na tayo" inis kong sabi habang pababa ng kama.

"Sino naman nagsabi sayo na may pasok din ako?" sagot niya at napalingon ako sa kaniya nang makuha ko ang tuwalya. Tumingin ako sa kaniya nang masama habang inaantay ang paliwang niya sa kaniyang sinabi.

"Look, I'm suspended kaya wala akong pasok ng dalawang linggo" sagot niya habang yakap-yakap ang unan na ginamit ko at inaamoy amoy pa ito.

"Sana ginising mo man lang ako!" tugon ko habang nagkakalkal ng underwear na masusuot.

"Ilang beses kitang ginising pero ayaw mong gumising. Ayaw mo ngang bumitaw sa pagkakayakap sakin" sabi niya habang nakaunan ang kaniyang ulo sa kaniyang mga kamay. Sobrang komportable na niya sa pagtulog dito sa bahay at lagi na lang boxer shorts ang kaniyang tanging suot.

"Hayaan mo tuturuan kita kung pano magkaroon nito" dugtong pa niya sabay himas sa abs niyang hindi kahalata. Sa inis ko ay binato ko sa kaniya ang uniform niya na nakasabit sa dulo ng aking kama. Lumabas ako ng kwarto habang siya ay tumatawa pa rin.

Nais ko sanang magreklamo kay ate pritz kung bakit hindi niya ako nagawang gisingin pero bago pa man ako magsalita ay sinalubong niya na kaagad ako nang makahulugang ngiti. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil iba na naman ang tumatakbo sa kaniyang isipan kaya siya nagkakaganyan. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Pinagsabay ko na ang pagsasabon at paggamit ng shampoo. Kaunting hilod sa singit at batok. Apat na buhos ng tubig mula sa tabo ay natapos din ako sa pagligo. Lumabas ako ng banyo na tanging boxer shorts ang suot ko. Hindi naman ako naiilang dahil kami lang ni ate pritz sa bahay at saka may suot din akong brief panloob. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at nakalimutan kong may kasama akong ibang tao sa aking kwarto. Pinalabas ko muna si Lance bago ako nagbihis ng aking uniform. Hindi kasi ako komportable na nasa loob siya habang nagbibihis ako.

Wala na akong oras para kumain ng almusal kaya nagpaalam na ako kay ate na sa school na lang ako babawi ng kain. Bago pa man ako makaalis ay inabot ni ate ang ginawa niyang sandwich para daw hindi ako magutuman sa klase. Nagtataka ako kung saan nagpunta si Lance dahil paglabas ko ng sala ay wala na siya dun. Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Lance sa labas na nakasakay sa bike. Hindi ko alam kung kelan niya nagawang magbihis at ngayon ay suot suot na niya ang shorts at tshirt ko.

"So dahil wala kang pasok kaya magba bike-bike ka na lang?" tanong ko habang binubuksan ko ang gate.

"Ano ka ba? Kinuha ko ang bike na to para mahatid kita sa school" tugon niya at humarang pa siya sa daan para magpumilit.

"Malapit lang ang school dito kaya hindi na kailangan" sabi ko habang pinapaalis siya sa daan pero nagmatigas pa rin siya. Wala akong nagawa kundi ang umangkas sa likuran ng bike. Bago pa man siya magpatakbo ng bike ay muli pa siyang nagsalita.

"Kumapit ka nang maghigpit. Baka kasi mafall ka" sabi niya sabay kindat. Tiningnan ko lang siya nang masama. Tangina kasi, halos tatlong minuto na akong late sa klase tapos puro pa kalokohan ang pinagsasabi ng lokong to.


Pagdating sa school ay muntik-muntikan na akong masarahan ng gate dahil late na talaga ako sa klase. Bago pa man ako makalayo ay sumigaw si Lance na susunduin niya daw ako mamaya pero hindi ko na siya pinansin dahil alam kong nagbibiro lamang siya. Nagawa ko pang makiusap sa manong guard para lang papasukin ako dahil late na talaga ako sa klase. Nasa policy kasi na kapag late ka na ng more than 10 minutes ay papauwiin ka na sa bahay. Buti na lang at hinayaan niya akong makapasok. Sakto sa pagpasok ko ay nagchecheck pa lang ng attendance ang advisor namin. Halos gumapang ako papasok sa classroom papunta sa aking upuan para lang hindi ako makita ni maam.

Habang break time ay nagawa kong makipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Usap-usapan pa rin ang naging suspension ni Lance. Marami na daw nagawang kalokohan si Lance at mas malalala pa dito pero ikinagulat nila ang pagpataw ng suspension sa kaniya. Nakinig ako sa usapan nila sa mga nangyari. Ang ilan ay nagsabing nagkapikunan daw. Hanggang sa may nagsabi ng totoong nangyari. Hindi ko akalaing magagawa ni Lance yun dahil lang sa pang-iinsulto ng kaibigan niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako nang labis na pagkakonsensya dahil sa akin ay na suspend siya sa school.

Dahil nga sa balita ay marami tuloy sa school ang nagdududa sa kasarian ko. Hindi ko na lang sila iniintindi dahil hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanila. Ang mahalaga ngayon ay nasa akin ang simpatiya ng aking mga kaklase. Sila yung mga nagtatanggol sa akin sa mga maling paratang sa amin ni Lance. Masaya ako at nakahanap ako ng mga mabubuting kaklase sa school na to. Tinuon ko na lang ang aking sarili sa pakikinig nang mabuti sa mga lessons namin dahil bilang ganti ay ituturo ko kay Lance ang mga lessons na natutunan ko ngayon para hindi naman siya mapag-iwanan sa klase.

Bago matapos ang huling klase ay nakareceive ako ng text message mula kay Lance na mag-aantaay siya sa labas ng gate. At nang matapos ang klase ay hindi ko inaasahang gagawin niya nga ang sinabi niya. Maraming mga kababaihan ang nagkukumpulan sa kaniya habang pinipicturan siya na nakasakay sa bike. Tila nakalimutan nila ang nagawa ni Lance kahapon at ngayon ay artista na naman ang paningin nila sa lokong to. Sino ba naman kasi ang poporma pa kung sasakay ka lang naman ng bike? Lumihis ako ng daan para hindi niya ako mapansin at tatakas na lang ako pauwi. Nasira ang plano ko nang marinig ko siyang sumigaw.

"Uy bunso! Halika na, sumakay ka na kay kuya!" sigaw niya at bigla na lang naghiyawan ang mga taong nasa paligid niya. Hiyang hiya ako sa ginawa niya na halos ayaw ko na siyang lingunin dahil sa mga kalokohang pinagsasabi niya.

"OMG bakla! Narinig mo yun? Parang ang sarap maging kuta ni Lance tapos sasakyan ko siya araw-araw" sabi ng isang bakla na nasa tabi ko at nagawa pa nilang magsabunutan habang tumatawa. Bigla naman akong kinilabutan sa mga sinabi nila hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Lance.

"Tara na?" masaya niyang sabi. Sobra siyang nag-eenjoy na ipahiya ako sa maraming tao. Alam kong wala na akong magagawa kapag nagpumilit pa siya kaya umangkas na ako sa likuran ng bike. Inuntog ko ang ulo ko sa likuran niya para ipatakbo na niya ang bike dahil nagagawa niya pang magposing posing sa camera habang kinukuhaan kami ng pictures.

Nakayuko ako habang pinapatakbo niya ang bike. Ayokong makita ng mga tao ang hitsura ko sa kahihiyang ginagawa ni Lance. May iilang tao na tumatawag sa kaniya at nagtatangka pa siyang tumigil pero inuuntog ko ang ulo ko sa likod niya at pinagpapatuloy niya ang pagpapatakbo ng bike. Sobrang kahihiyan na para sas akin ang nangyari kanina sa school. Kaya nang makauwi kami sa bahay ay kaagad ko siyang pinagsabihan.

"Bakit mo naman nagawa yun? Pinag-uusapan na nga tayo sa school dahil sa mga kalokohan mo at napaaway kana dahil dun tapos ganyan pa rin ang ginagawa mo?" inis kong sabi sabay bato ng bag sa couch.

"Naisipan ko nga kanina na bakit hindi na lang kaya totohanin natin ang mga kwento-kwento nila sa ating dalawa?" sagot niya habang papalapit siya sa akin.

"Anong pinagsasabi mo?" sabi ko habang papaatras upang makalayo sa kaniya.

"Ayaw mo nun? Hindi na tayo mahihirapang dalawa" nakangisi niyang sabi habang papalapit siya nang papalapit sa akin. Ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa mapahiga ako sa couch. Bigla naman siyang puma ibabaw sa akin at sa pagkabigla ko ay hinawakan ko ang magkabila niyang braso para pigilan siya sa kung ano man ang binabalak niya.

"Saglit lang akala ko ba kapatid ang turing mo sa akin?" sabi ko habang sya ay patuloy na nagpapabigat sa ibabaw ko.


"Higit pa sa isang kapatid ang turing ko sayo. Sa tingin mo ginagawa ng magkapatid to?" bulong niya sa akin at bigla na lang niyang kinagat ang aking leeg na ikinaungol ko.



Itutuloy.......




A/N: I'm losing my spirit to write so please bare with me kung mabagal ang update. Let me know if you're still enjoying the flow of the story. I'm trying to build their relationship as good as possible. Please don't forget to VOTE!






The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon