Nang dahil sa.... (one shot)

233 7 4
                                    

"Beeessssss! Huhuhu"

Inakap ko si Bes sabay hagulgol. Hindi ko na talaga mapigilan ang maiyak. After ng nangyari kanina? Sino ba ang hindi iiyak kung ganun ang mangyari sayo.

"Huy Bes! Anyare? Bakit ka umiiyak?"

"K-k-kasi B-bes....s-si N-Nathan..n-n-nakita a-a---"

"Wait wait wait lang Bes. Wala akong maintindihan eh. Pwede huminahon ka muna?"

Pumunta kami ni Bes sa tambayan namin. Sa isang bench sa likod ng garden, doon sa may bench sa silong ng malaking puno.

"So ano na Bes? Bakit todo iyak ka diyan? Namatay ba yung aso niyo ha? Ano bang nangyari? Ha? Ano? Spill it"

"Teka lang naman Bes. Nag-eemote ako dito eh. Easy ka lang. Huhuhu. Eto na, ikwekwento ko na."

*FLASHBACK*

"Ma! Malelate na ako!"

"Ok honey. Kumain ka muna kahit kaunti lang."

"Hindi na Ma! Matatagalan lang ako."

"Ok. Just drink your fresh milk!"

Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis. Then ininom ko na yung fresh milk ko. And then ready to go. Pero lalabas pa lang sana ako nang habulin ako ni Mama.

"Honey. Nagluto nga pala ako ng kamoteque. Baunin mo muna habang nasa bus ka at nagbabyahe."

Kinuha ko rin naman yung kamoteque.

"Seriously Ma? Kamoteque? As a breakfast?"

"Hehe, anak naman. Minsan na nga lang makapagluto niyan eh"

"Ok ok. I gotta go. Bye bye Ma"

Sumakay na ako sa bus and then kinain ko na yung kamoteque. Infairness kay Mama, lasa naman siyang kamoteque. Kadalasan kasi ang luto niya iba ang lasa eh. Katulad nung luto niyang adobo dati ay iba ang lasa. Masyadong maasim, parang paksiw. Napadami daw pala sa suka. Kaya nga si Lola ang nagluluto para sa amin eh, wala rin kasi si Papa dahil sa trabaho.

Nang makarating na ako sa first subject ko eh nakita kong wala pa si Sir Rodriguez.

"Aika, wala si Sir?"

"Wala daw eh. May sakit."

"Aah. Ganun ba. Salamat."

After thirty minutes.

Waaaaahhh. Parang nauutot ako. Bakit ba kasi uminom ako ng fresh milk tapos kumain ako ng kamoteque. Nakakautot talaga yun. Ang bobo ko naman. Bakit ngayon pa?

Tumingin naman ako sa paligid ko. Mabuti nalang at wala si Sir. Nagkanya kanyang kwentuhan na sila. Medyo malayo ang mga kaklase ko sa akin. Okay, keri to. Inhale...exhale. Eto na. Ilalabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng paglabas ng hangin.

*prruu--prut--pprrruuuttt*

Pumikit ako at biglang naghalf smile. Hayyy salamat mabuti nalang at---

"Ehe-eheem"

Natigilan ako bigla dahil may tumikhim sa likod ko. At parang may ideya na ako kung sino yun. Bakit di ko man lang naisip tingnan ang nasa likod ko? N-nakakahiya. Bigla kong pinihit ang ulo ko para tumingin sa likod ko.

Isang napakagandang ngiti ni Nathaniel Will Gutierez ang bumungad sa akin.

"u-uhhmm..."

I'm so speechless. Kaya bigla bigla nalang akong tumakbo palabas ng room.

*END OF FLASHBACK*

"Soooo..ganun ang nangyari..ppffff. PWAHAHAHAHAHA. you're so fun--PWAHAHAHAHA..ny Bes. HAHAHAHAHA"

Nang dahil sa.... (one shot)Where stories live. Discover now