Chapter 2

5 0 0
                                    

Tine's Pov:

      "Ang landi landi mo talagang bata ka, lagi kang lumalabas ng bahay!" sabi ng mama ko sakin.

     "Ma, umaalis ako kasi importante lakad ko. Hindi naman ako naglalakwatsa o nakikipagkita sa lalaki ni wala nga akong boyfriend o masyadong kaibigan na lalaki" mahinahon kong sinabi sa mama ko.

  
   "Ikaw tine, umayos ayos ka sa ginagawa mo. Pasukan na at siguraduhin mong hindi sayang pera ko sa pagpapaaral ko sayo!" galit na galit na sabi sakin ni mama.


Lagi pala akong umaalis kasi may dinadaluhan akong pulong, at napakaimportante sakin non. Pakiramdam ko kasi na hindi kumpleto araw ko pag hindi ako dumadalo. Yun kasi ang kasiyahan ko sa buhay ko. Nandiyan palagi sa tabi ko ang mga sisters at brothers na pwede kong mahingian ng tulong sa oras na may problema. Pero ang pinakaproblema ko ngayon ay ang hindi pag-unawa ng pamilya ko sa ginagawa kong kabutihan.

"Pumasok ka na at baka masira pa araw ko dahil sayo. Umuwi ka ng maaga!" pagpapalayas sakin ng mama ko.



Kumain muna ako ng almusal bago umalis ng bahay at siniguradong hinugasan ang pinagkainan ko para hindi lalo magalit sakin ang mama ko.

Habang naglalakad ako papuntang school, nakasalubong ko ang isa kong sister na si ate Denise. Lumapit ako sa kaniya at kinausap siya.


"Ate Den......" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil umiyak nako sa harapan niya at mukhang nagulat siya sakin dahil napaluha ako.



"Bakit tine? May problema ba?" maamo nitong sabi sakin.


"Nahihirapan na po ako sa sitwasyon ko parang hindi nila maintindihan kung para saan ang ginagawa ko. Hindi ko na kaya" sabi ko habang patuloy na umiiyak sa harap niya.



Bago magsalita si ate Den, niyakap niya ko ng mahigpit hanggang sa tumahan ako sa pag-iyak.



"Tine always remember that God will never leave you alone nor left you. Baka ganyan lang sila sayo kasi nag-aalala sila, pagtiisan mo lang to at malalagpasan mo to."
Sabi nito habang nakangiti sakin.



Pinunasan ko ang luha ko at napangiti narin. Siguro na tama sinabi niya na nag-aalala lang si mama sakin kaya ganon react niya kasi labas ako ng labas ng bahay. Dapat inintindi ko muna pala ang sitwasyon bago ako umiyak.


"At Tine, kung gusto mo umiyak, iiyak mo lang para mawala ang kalungkutan na nararamdaman mo at sama ng loob." tumungo ako sa sinabi niya.


"Aalis nako, may pupuntahan pa kasi ako ngayon at baka malate ako eh, basta wag na wag mong kakalimutang magdasal kasi ang Diyos ang makakatulong sa problema mo. Think positive lang Tine" umalis na si ate Den at nagpatuloy na sa lakad niya.


"Opo ate Den, salamat sa payo" ibinulong ko nalang to sa sarili ko at naglakad narin papunta sa school. Hihintayin ko pa kasi si Janine, same course kasi kami .



"Bili kayo diyan, rose. 15 pesos lang!" rose? Matignan nga.


Tumakbo ako papunta sa tindera at tinignan ang nasabing rose. Ang ganda nga!. Bibili ako. Isa kasi ito sa mga stress reliever ko. Nakakatuwa kasi tignan.


"Ate pabili nga po ng isang rose" tinignan ako ni ate at ngumiti.



"Ito iha, totoo ito at hindi gawa sa plastic. Bagay na bagay ito sa magagandang dalaga katulad mo" napangiti nalang ako sa sinabi ni ate at nagpasalamat sa sinabi niya.



Nakarating nako sa school at huminto sa gate para hintayin si Janine. Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko at sinabi sa sarili ko na. Someday you will bloom like rose and show everyone how beautiful you are not just by physical looking but also the beauty inside your heart.




******-------*********"""""""""""

Hi guys. So ito ang new update ko. Enjoy reading and I hope you like it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're the only one for meWhere stories live. Discover now