Part II

8 0 0
                                        

Tik tok tik tok tik tok tik tok

Hay nako. Kanina pa ko dito sa garden pero hanggang ngayon hindi parin tapos ang klase nila. Sobrang tagal. Mababaliw na ko dito eh. Ang hirap kaya mag isa.

Kung nandito lang sana si Jason babes ko kahit buong buhay ko dito na sa garden okay na basta kasama ko lang sya. Hihihi.

Napag isip isip ko na pumunta nalang sa canteen at dun nalang sila antayin. 10 minutes nalang naman na kaya pwede na siguro pumunta dun.

Pagkapasok ko ng canteen ay may iilan na ring estudyante. Siguro wala silang teacher kaya ang aga nila dito.

Naghanap na ko ng mauupuan at dun ko na napag pasyahan na mag antay.

Ano na kayang ginagawa ni Jason ko ngayon? Siguro nasa gym na sya ngayon at nagpa practice. Gusto ko na sya makita. Kulang pa yung kanina eh. Bwiset kasi yung classmate ko kanina. Napaka arte. Mukha namang katulong pero grabe kung mag inarte. Sapakin ko sya eh.

Ilang sandali pa ay nag dumating na si candice kasama si Jam at JL. Sila lang yung tropa ko dito sa school. As in yung solid talaga. Marami akong tropa tropahan dito pero sila talaga yung the best eh.

Pagkalapit nila sakin ay umupo na kaagad.

"Ang tagal nyo naman. Kanina pa ko magugutom eh. Alam nyo bang halos mabaliw na ko sa garden dahil mag isa lang ako dun" bungad ko sakanila.

"Sorry naman friend. Daming pinapagawa ng mga nakakaimbyerna nating teacher eh atsaka tatlong subject kaya yung hindi mo pinasukan kaya sobrang tagal mo talagang nag hintay" pangangatwiran ni JL

"Korek! Pero bago pa kayo mag chickahan dyan, kain na muna tayo. Gutom na gutom na ko eh. Hahahaha" sabi ni Candice

Kahit kelan talaga to. Pero tama sya. Kelangan na muna namin kumain.

"Oo na. Pero libre mo muna ako. Nasa bag ko yung wallet ko eh. Naiwan ko sa classroom" sabi ko kay candice.

"Ok. Sabi mo eh" sabay ngiti.

Ganyan yan pag gutom. Madaling kausap hahahhaha.

******

Patapos na kami kumain ng magtilian yung mga tao sa labas. Lahat kami ay napalingon.

Ano pa nga ba ang bago. Tinitilian nanaman nila yung grupong to. Sila kasi yung mga gwapo, sikat at sobrang yaman dito sa school. Kabilang sakanila si Jason babes ko. Sya ang pinaka gwapo dyan hahahahha. Kaya love na love ko yun eh.

Papasok sila ng canteen at sakto naman na sa table namin sila naki share. Kami namang tatlo kilig na kilig. Aba andito yung mga crush namin hahahha.

Tumabi sakin yung mokong na Kristopher nato. Hala. Ang layo ni Jason babes ko. Pagkakataon na eh.

"Hi sweety ko" Sabi nitong kristopher na to at ngumiti pa sakin.

"Teka lang, anong karapatan mong tawagin akong sweety? Bwiset nakakairita ka"

"Sweety naman minsan na nga lang tayo mag kita tapos ginaganyan mo pa ko." Pagdadrama nya.

"Pota!!! Tigil tigilan mo ko ah. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko sayo ha. Kaya pwede ba tigilan mo na ko"

Napatahimik naman silang lahat pati mga tao sa canteen. Di ko alam na napalakas pala boses ko. Nakakairita kasi eh.

Umalis na ko at sumunod sakin yung dalawa kong kaibigan.

"Grabe ka naman kay kris. Love na love ka nung tao eh" sabi ni candice habang sinusundan ako sa paglalakad

"Ayaw nya kasi tumigil eh. Kelangan isasampal ko pa sakanya yung katotohanan na hindi ko sya gusto. At kilala nyo naman kung sino ang gusto ko"

"Alam namin yun. Pero sana hindi mo na pinahiya yung t----"

Di pa natatapos yung sinasabi ni candice pero inunahan ko na sya.

"Nagawa ko na. Di ko na mauulit yung kanina. Atsaka ilang beses ko na syang kinausap tungkol dito pero ano, wala lang nangyari kaya tama narin yung ginawa ko"

Pagkadating ko ng classroom ay kinuha ko na yung bag ko at aalis na sana.

"San ka pupunta?" JL ask

"Uuwi na ko. Wala na kong business dito." Sagot ko

"Anong wala. Eh may klase pa tayo remember?" JL again

"Ayoko na tinatamad na ko. Daan nalang kayo mamaya sa bahay kung gusto nyo. Bye"

Umalis na ko at ngayon ay kinakausap tong guard na to.

Ayaw pa ko palabasin eh. Hindi pa daw oras ng uwian.

"Eh sa gusto ko ng umuwi eh."

"Hindi pa nga po pwede. Pagagalitan po ako kapag pinalabas ko kayo ng ganitong oras"

"Papalabasin mo ko o palalabasin?" Tanong ko

Parang di pa kasi sanay sakin eh.

"AhhhhhhHHHH" sumigaw ako ng sumigaw. Ayun, nagpanic naman si manong guard at may teacher na papalapit. Sinamantala ko na yung oras na yun para makalabas.

Takbo

Takbo

Takbo

Potek na yan. Nakakahingal tumakbo para lang makatakas kay manong guard. Kainis na kasi eh. Ang arte arte masyado. Naging estudyante rin naman sya kaya dapat alam nya yung feeling na ganito.

Napag desisyonan ko nalang na maglakad pauwi dahil kulang ang pera ko. Lowbat na rin yung phone ko kaya hindi na ko makakapag pasundo.

Okay na to. Excercise narin para naman mas maging sexy ako. Aba! Kahit siga ako sa school, maganda at sexy ako HAHAHAHA

Napalingon ako sa ice cream parlor habang naglalakad at nakita ko si Jason babes sa loob.

Nag cut rin pala sya. Ayos to ah. Baka ito na yung pagkakataon ko para dumamoves sakanya. Hihihi

Dali dali akong pumasok at nilagpasan lang sya. Kunyari hindi ko sya napansin. Aba dapat ako ang tawagin nya ako yung babae eh.

Pagka order ko ng ice cream ay naghanap ako ng mauupuan. Ang daming bakanteng upuan. Hay nako! Dapat kasi puno to para kakausapin ko sya na pwede nalang maki share ng table eh. Kaynis!!!

Ah alam ko na. Lumakad pa ko ng konti para sa malapit sakanya ako uupo.

"Myca" tawag sakin ni jason babes ko. Gassshhhh!!! Tinawag nya ko. What should i do? Ah ewan. Bahala na. Kinakabahan tuloy ako.

Nanatili lang ako sa pwesto ko habang nakatayo at tinignan sya. Tinignan ko sya na parang nagtatanong ng bakit?

"Dito ka na maupo" sagot nya at tinuro ang upuan na katapat nya.

Oh my ghaaaad!!! Sa isang table lang kami ngayon ni Jason ko.

Bakit ako kilala ni jason?

Magkababata kasi kami pero hindi kami close. May pagkakataon lang na nagkakasama kami sa ilang event katulad ng birthday kaya kilala nya rin ako. At isa pa, magkapit bahay lang kami.

Close ang family ko at family nya pero kami hindi. Ang sad lang. Pero pwede na yun. Atleast nasisilayan ko sya palagi.

Mayaman ang pamilya ni Jason. Tinalo pa kami akalain nyo yun. Akala ko talaga nung una kami na yung pinakamayaman sa village namin pero pangalawa lang pala kami.

Mas okay na yun kasi kapag nakasal kami, walang luge diba.

Umupo ba ko sa itinuro nyang upuan.

"Kamusta ka na?" He ask

"Okay naman. Bukod sa palagi akong nasasabihan ng maganda eh wala naman ng nangyayari sa buhay ko" sagot ko

Medyo natawa sya sa sagot ko.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Tanong ko

"Ah wala hahahaha." At bigla syang yumuko. "Yan ang gusto ko sayo eh"

"Huh? Ano yun?" Ang hina na kasi ng pagkakasabi nya nung huli eh. Ano kaya yun?

"Nothing."

Broken PromisesWhere stories live. Discover now