“A yung boyfriend mo?” sabi nung isang gorilla na para bang lilipad na sa sobrang hangin sa katawan..

Hindi na ako nakapag pigil..

“Asawa nya..” sabi ko at para bang nanlilisik mga mata ko… I looked at them in my most intimidating stare.

Nagulat si Charlie nung makita ako, after a few seconds parang naging relieved sya..

“Come on Charlie. I’m thru with this tour. We’re out of here…” sabi ko.

Hinatak ko ang kamay nya at wala na syang nagawa ni hindi na rin nakapagsalita sa sobrang gulat. Hindi nya siguro inaasahan ang mga inakto ko. I am usually calm and teasing when talking to her. But right now, I’m anything but that. Mabilis na akong naglakad papalabas ng Museum, hatak-hatak ko ang kamay nya.. Sa bilis ng lakad ko, halos patakbo na si Charlie kasunod ko..

Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ko ang secretary ko..

“Alfred!”

“Yyyess. Sir?? “

Na-sense siguro ni Alfred na wala ako sa mood. And he’s one of the few people who knows that I’m not my best when I’m in this kind of mood.

“Call a limousine service! I want it to be here at Louvre museum at exactly 5 minutes! “

“Ok sir.. No problem sir.”

“5 minutes you hear?”

“Yyyyes Sssir!”

With that I ended the call..

“Teka teka.. “ Sabi ni Charlie

“Aalis na tayo? Hindi ko pa nakikita yung Mona Lisa!”

Hindi ko sya sinagot at dire-diretso kami sa pyramid sa labas… hindi ko pa rin binibitawan ang kamay nya… Takot na baka mawala na naman sya sa paningin ko.

Hindi muna ko nagsasalita,, dahil sobrang init pa ng ulo ko.. baka kung ano lang ang masabi ko… She doesn’t deserve to be scolded. Ang may kasalanan ng init ng ulo ko ay yung 6 na gungong na yon!

Huminto kami sa tapat ng Pyramid. I tried to catch my breath. Hoping that I will calm down.

Si Charlie hindi rin nagsasalita,, medyo naninimbang… pasulyap-sulyap lang sa kin .

Mga ilang minute rin kaming hindi nagkikibuan hanggang sa hindi na nakatiis si Charlie at nagsalita na ito.

Ngumiti sya sa kin. And with that simple gesture, parang unti-unting kumakalma ang pakiramdam ko. Sino ang taong hindi kakalma kung ngitian ka ng isang anghel?

“hey…. You know what? I’ve discovered something new today.“

I looked at her questioningly. What’s on that pretty little head of hers.

“And what would that be?”

Kunwari ay nag-isip isip pa sya.

“Ang pangit mo pala kapag galit ka… parang kang ganito o..”

Nag- make face sya… na kunwaring parang monster..

Napailing na lang ako. Pasaway tong babaeng to a.. pero tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi pa sya nakuntento at bumanat ulit.

 “At ganito pa…”Nagmake face sya ulit… parang mas nakakaloko ang itsura nya ngayon..

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon