Chapter Five: MOMENTS IN TIME :'>

Comenzar desde el principio
                                    

KEISHA's POV

SI PIERRE CRUISSE BINISITA ANG ISANG TULAD KO? AKO NA ANG ASSYUMERA PERO ANG SARAP NG FEELING EH NA NAGPUNTA SA BAHAY NAMIN ANG PRINCE CHARMING KO. . .

KAINIS LANG PINALAGPAS KO PANG MAKAUSAP SI PIERRE. ANG KASO WALA AKONG MAHAGILAP NA SASABIHIN ANG TANGA-TANGA KO KAINIS.

PANGARAP KA NALANG BA O MAGIGING KATOTOHANAN PA... KAHIT. . .MAY MAHAL KA NANG IBA. . . LA LA LALA

HANGGANG SA PANGARAP MO NALANG SIYA MAARING MAKASAMA, KEI.

Napabuntong-hininga nalang siya at inayos ang mga natitirang paninda para maaliw ang sarili.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AWARDING DAY. Ang daming tao sa auditorium. Isa siya sa paparangalan ng araw na iyon para sa pagkapanalo niya sa Quiz Bee at Essay Writing Contes. Nakaupo siya sa harap ng stage katabi ni Jas.

Hindi pa nagsisimula ang program kaya nagmasid masid muna siya sa paligid upang hindi mainip nakita niya sa isang sulok si Pierre kausap ang mga kagrupo nito. Nang biglang napatingin ito sa gawi niya ay agad siyang napayuko dahil baka mahalata nitong nakatingin siya.

Mayamaya pa ay nagsimula na ang program.

Umakyat na ang grupo ni Sanja sa stage para sa isang prod. Umugong ang malakas na palakpakan at sigaw ng mga audience.

Nang matapos ang number ni Sanja ay bumaba na ito sa stage at agad na dumiretso sa nobyo at niyap si Pierre. Upang 'di niya makita pa ang ka-sweet-an ng dalawa ay sa stage na siya tumingin.

Isa-isa nang tinatawag ang mga paparangalan. At nang tawagin ang pangalan niya ay nagpalakpakan ang mga audience na labis niyang ikinatuwa. Lalo siyang natuwa na si Jas ay biglang tumayo at humarap sa audience at sinabihan ang mga ito na ang hindi papalakpak ay may-amoy ang kilikili kayat ayaw iangat. Natawa nalang siya habang paakyat ng stage.

Nang sasabitang na siya ng medalya ay 'di sinasadyang mahagip ng mata niya si Pierre na kasama ang mga kaibigan at nobya. Nakaakbay ito rito habang nagpapakuha ng litrato. Nakaramdam siya ng lungkot hindi nakita ni Pierre ang pagtanggap niya ng medalya.

(hala asyumera haha)

Pagkakuha ng award ay nagmamadaling bumaba na siya at tahimik na bumalik sa upuan habang pinapanuod ang iba pang pinaparangalan. Mayamaya ay may kumalabit sa kanya, si Serg kaibigan ni Pierre.

"Keisha, pa-picture daw kayo ni Pierre. Kung okay lang?" wika nito.

Nagkatinginan sila ni Jas. Nilingon niya si Pierre at nakita niyang nakatingin ito sa kanila at nginitian siya. Bigla siyang kinabahan.

"S-sige,"aniya kay Serg. "P-pero isasama ko si Jas."

"Sure," sabi ni Serg at iginiya sila patungo kay Pierre hindi niya nakita si Sanja, siguro ay nagpapalit na ito.

"Congratulations," sabi nito. "Thanks at pumayag ka magpakuha with me. Im sorry if si Serg pa ang lumapit nahihiya kasi akong i-ask ka."

"Thanks," tipid na ngiti ang iginanti niya. "And I-its ok" nahihiyang sagot niya.

"Magkukuwentuhan o Magpapalitrato pili?" biro ni Serg.

Sabay silang napangiti sa narinig. At saka bahagyang lumapit na ito sa kanya upang magpakuha.

"Ay one sit apart ba peg nyo? Ang layo nyo naman sa isat-isa." ani ni Jas.

Nahihiyang lumingon siya kay Pierre. Ngumiti lang ito at lumapit sa kanya nang dumikit ang braso nito sa kanya ay naramdam siya ng tila kuryenteng dumaloy sa kanya.

"Yan, then smile," sabi ni Serg.

"Tapos, Pierre akbayan mo si Keisha," dugtong ni Jas.

Pinandilatan nya ang kaibigan. "Anu ka ba, Bex," aniya.

"No, mas ok 'yun, tama si Jas. Akbayan mo sya bro."

Bago pa siya makapagsalita ay umakbay na ito sa kanya. Dahilan upang mas lalo syang kabahan.

Hindi niya alam kung paano niya nagawang ngumiti o kung nakailang shots. Paano ay parang pakiramdam niya natulala siya sa nangyari.

Tapos na silang kunan pero ramdam parin niyang may mabigat sa balikat niya.

"Ah Pierre, tapos na 'ata." ani ni Jas. "Isa pa yata Serg." halatang pang aalaska nito.

"Uyyy, Pierre nag eenjoy na namumula pa" kantiyaw ni Serg.

"Shut up, pare." sabi nito sa kaibigan at saka bumaling sa kanya. "Pagpasensyahan mo na si Serg ganyan lang talaga yan." nakangiting sabi nito.

"O-okay lang." nahihiyang sabi niya. "Babalik na kami sa upuan ni Jas, salamat ulit ha," aniya.

"Okay, Congrats again," sabay lahad ng kamay sa kanya.

Nakipagkamay din naman siya rito. Ang lambot ng kamay nito.

Hanggang sa makauwi ay inaamoy-amoy parin nya ang kanyang kamay. Kumapit rito ang amoy ng binata. Parang ayaw pa nyang hugasan iyon at ninanamnam ang pagkakahawak rito ng binata kanina lang.

(Wow in this chapter ganda ng naganap kay Kei hehe magtuloy tuloy na nga kaya ang saya ni Kei o may bruhang susulpot? ABANGAN. . .

please feel free to post comments/suggestions and don't forget to VOTE hehe

WATCH kayo INA KAPATID ANAK 

Destined To Be MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora