Chapter Seven: Pangarap

565 10 7
                                    

 pasensya na po medyo matagl bago ulit nakapagpost

enjoy reading :)

"S-salamat sa pagmamalasakit mo, Pierre. P-pero sana hindi ka. . Hindi mo na lang sila pinansin."

"Hindi ako natatakot sa kanila. Mali ang ginagawa nila."

Hindi na sya nagsalita pa.

"They're not supposed to make fun of other people, especially you." dugtong ni Pierre.

Wala syang maapuhap na maisasagot. Nang biglang mapansin nya sa di kalayuan ay nandon si Sanja na masama ang tingin sa kanila. At nakataas pa ang mga kilay nito na para bang may ginawa syang mali.

"A-ah P-ierre, I have to go. Sa library nalang muna ako. S-salamat ulit at pasensya na."

Pagkasabi nya ay nagmamadali na syang umalis. Kagat labing lakad-takbo ang ginawa nyang paghakbang para mabilis na makalayo sa lugar na iyon. Kahit malayo na sya ay ramdam pa rin nya na may mga matang nakatingin sa kanya. At alam nyang si Pierre at Sanja iyon. Kaya mas lalo syang nagmadaling maglakad.

Naiwan ang binatang nakatingin lamang kay Keisha habang papalayo.

PIERRE's POV

"OKAY LANG NAMAN SA AKIN 'YON."

HINDI KO MAINTINDIHAN ANG SAGOT NYANG YON. OKAY LANG NA PINAGTITRIPAN SYA NG GRUPO NILA REU?

HINDI NA AKO NAKAPAGTIMPI PA KANINA KAYA NAKISALI NA AKO. NANG MAKARATING NAMAN KAMI SA ORCHIDARIUM PARANG HINDI PA NYA GUSTO ANG PAGTATANGGOL KO. PERO HINDI MAITATAGO NG MGA MATA NYA ANG KATOTOHANANG NASASAKTAN TALAGA SYA.

SIGURO DAHIL AYAW NYANG KINAAWAAN KO SYA KAYA NYA SINABI YON, PERO HINDI AWA ANG NAGTULAK SAKIN PARA IPAGTANGGOL SYA. HINDI KO NAMAN MAIPALIWANAG SA KANYA DAHIL ALAM KO IISIPIN PARIN NYANG AWA IYON.

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KAPAG KASAMA KO SYA WALA AKONG MAHAGILAP NA SASABIHIN. KAYA NUNG MAGPAALAM SYA HINAYAAN KO NALANG NA MAKUNTENTO AKONG NAKATINGIN SA KANYA HABANG PAPALAYO.

Pagpasok sa building imbes na sa library sa comfort room sya dumiretso. Nagkulong sya sa cubicle at duon inisip ang ginawang pagtatanggol ni Pierre sa kanya.

KEISHA's POV

"THEY'RE NOT SUPPOSED TO MAKE FUN OF OTHER PEOPLE. . . ESPECIALLY YOU."

BAKIT MO GINAGAWA SAKIN TO PIERRE? BAKIT ANG BAIT BAIT MO SA AKIN?

BAKIT MO AKO PINAGTANGGOL?

HINDI KAYA GUSTO MO NA AKO? NAAAAH AMBISYOSA KO. (pailing iling iling).

HINDI MALI AKO MAY GIRLFRIEND NA SYA. AT ALAM KO NAMANG SA PANGARAP KA LANG MAGKAKAGUSTO SA AKIN si PIERRE.

SANA'Y HINDI AWA ANG NAGTULAK SAYO PARA IPAGTANGGOL AKO. Sa isiping iyon ay unti-unting pumatak ang mga luha nya.

Ilang minuto pa syang nagtagal bago naisipang lumapit sa lababo at maghilamos upang walang makahalata na umiiyak sya. Mabuti nalang walang tao roon bukod sa kanya. Nang mai-compose ang sarili ay lumabas na sya para pumasok sa susunod na subject.

 ____________________________________________________________________________

PAGKAUWI sa bahay ay kinausap sya ng ina.

"'Nga pala Keisha. Gumising ka ng maaga bukas ha, dapat maaga pa tayo sa seminteryo." paalala ng Ina.

Tumango sya bilang pagtugon sa Ina. Isang araw nalang kasi at Undas na. Kailangan nilang pumunta ng maaga para linisin ang puntod ng kanya Ama.

Destined To Be MineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant