Prolouge

112 1 0
                                        

Prologue

 

“Eto na. Sa wakas makakapasok na ako sa high school campus na gusto ko!” Sabi ko sa sarili ko. O, sige na. Isipin nyo nang parang tanga ako kasi kinakausap ko sarili ko. “Yes! Sa araw na ito, sa araw na ito, papasa ako sa entrance exam!” Yeah, entrance exam ngayon, ilang taon ko rin hintay tong chance na to noh! Syemre nag-review ako. (actually konte lang yung ni-review ko) Sure na sure akong papasa ako ditto noh!

“Tama! Tama! Papasa ako! This is it pansit! Kaya mo yan!” Patuloy kong kausap sa sarili. “PAPASA AKO SA EXAM!!!” Sigaw ko. Haha, napatingin lahat ng tao sakin, naka-hands up pa yung kamay ko naamoy ko pa yung kili-kili ko, amoy putok, eww… naalala ko hindi na pala ako naligo kasi nagmamadali ako pumunta dito sa academy. Back to the subject, yun nga, napatingin lahat sakin, nakakahiya! Agad kong binaba ang mga braso ko at kahiyahiyang naglakad papasok ng academy.

Ay! Hindi pa pala ako nagpapakilala! Gaga talaga ako, ako nga pala si Filla Gonzales. 15 years old, magfi-first year na ako, at ang napili kong high school campus ay itong Academy EVE. Maganda kasi dito may mystery na nagaganap dito, may mumu daw! Joke! Walang mumu dito, anu ba yan, kung anu-ano na nasasabi ko! Haha baliw talaga ako noh? Ano pa bang hindi ko nasasabi tungkol sa sarili ko? Ah! Love life ko! Gaga, wala kang love life, Fillia. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend, crush wala din hehe… Manhid ang lola nyo! Anyway… Fi nalang itawag nyo sakin, pag Fillia kasi ang awkward pakinggan.

During The Entrance Exam

 

“Answer it now!” Sabi nung magbabantay samin na Tr. medyo pogi rin, may medyo long hair, may glasses mukha talagang matalino! Wooooaaaa! OMG! Papunta si sir sa upuan ko, an pogi! Siguro nagandahan sya sakin, ay. Bastos. Nagbigay lang ng test paper nasasagutan. Ayyyyyy!!! Tamana ang kamanyakan mo, Fi! Pati matatanda pinagtritripan mo!  Start na magsagot! “Ok! Simulan na natin to!” Sabi ko, tas tiningnan ko yung test paper. “Hm! Uh-huh! Aba! Madali lang pala to, eh!” Masayang sabi ko. Mukhang mapupunta ako nito sa star section! An dali ng mga tanong!

Five minutes later…

“Hindi ko na kaya…” Angal ko, engers ako, di pala madali, yung unang part lang pala yung madali yung questions, pagdating ng test 2 nga-nga na ako. Ayun, kamot tuloy ng kamot sa ulo wala namang kuto! Anu ba yan! Am bobo kasi nung nag-tutor sakin, eh! (feeling pa ako na may tutor para lang may dahilan) La na! Bagsak na ako! I give up! Ipapasa ko na sana yung test paper ko ng biglang may narinig ako.

“Psst! Psst!”

“Ha?” Sabi ko, tumingin ako kung saan nanggagaling yung sit sit, sa katabi ko lang pala na babaeng kulot.

“Hi!” Nag-wave sakin yung babaeng kulot, ako naman tumungin na lang sa kabilang dereksyon, isnabin ko na lang sya. Ang taray ko, noh? BUWAHAHAHAHA!!!!

“Psst! Psst! Psst!” Sit sit nanaman nung babae, nakakainis na yung ingay nya ha? Wala na nga akong masagot sa test, ingay ingay pa nya?!

“Bakit ba?” Inis na sabi ko. Humarap na lang ako sa babae. Tas nilapit nya yung ulo nya sakin, yung position nya parang may binubulong well, talaga namang may binubulong sya eh.

“Anong sagot sa number 24?” Bulong nya sakin. Aba! Sira-eng eng pala tong babaeng kulot salot na to, eh! Wala na ngang masagot yung tao magtatanong pa ng sagot saken? Kapal-ers!

“Ewan! ‘Di ko alam!” Masungit na sabi ko. Tas tingin ulit sa malinis kong test paper.

“Ah!” Masayang sabi nung babae. “’Ewan ko… ‘Di ko alam…’” Ay, engot! Sinulat nga yung sinabi ko! Bahala sya sa buhay nya. Nagpatuloy na lang akong sagutan yung test paper ko kahit walang wala na, hula na lang.

Academy EVEWhere stories live. Discover now