Wakas (Spoken Poetry)

92 6 0
                                    

Sumpaan, Walang kwenta ang mga ito kung ang indibidwal ay walang paninindigan
Bukas, naka bukas ang pinto sa yong pagalis
Napakabilis, sadya nga ba tayong napaso at di na nakatiis

Paliligawan, di ko alm kung totoo ba o gusto mo lang dahil alm mo na may pagasa
O kaya mo lang ginusto ay para may ibalandra ka na may nagmamahal sayo
O kinuha mo ung pagtingin para ikaw ang pinakagwapo sa kanyang mga mata
O kaya mo lang sinabi na sya ang pinakamaganda dahil kailangan mo ng may napapasaya

Ligaw,Naliligaw ka yan ang sinabi mo
at ako ang direksyon mo
pero parang ako ang syang naligaw
Iba yata ang natahak kong lugar
sa pagkakaakalang destinasyon ko ay ikaw

Sundo, Sinundo mo ako da kalungkutang pinanglagyan ko
Lungkot,Lumukob ng ligaya ng dinala moko sa mga bisig mo
Hatid,Hinatid mo ko sa pinakamasaklap na kahahantungan
Wakas, ang wakas ng digmaan at ako ang umuwing luhaan, talunan at walng kapupuntahan

Hindi.Ginto ako noon at di matatanso
Hindi ako ung kumukupas sa pagbago ng yong puso
Hindi ako ang dapat na luhaan Dahl binigyan mo ko ng ligaya
Hindi, hindi sa piling mo lamang ako sasaya
kaya mahalin ang sarili ko ng higit pa sayo
Kaya ko ang sarili ko kahit wala sa piling mo

Ang kandila ng pagibig matagal nang upos
tapos na sa pagibig na unti unti akong inubos
Tapos nako na mahalin ka ng lubos
Heto na ang huli para sa pagibig na matagal nang tapos

-AYREEN Nov 8 2018

Excerpt of HerWhere stories live. Discover now