Por Favor

12 0 0
                                    

Por Favor, Ibig ko ay katahimikan
Katulad ng bituing malaya sa kalawakan
Por Favor, Nawa'y mabigyan ng pagasa
Handugan nawa ng ginhawa mula sa pagdurusa

Handa ka ba sa sisinggiling kapalit ng pagpapala
Sa oras na maabot mo na ang mga mithiing ibinulong sa mga Tala
Paano kung mali pala ang iyong pinaglalaban?
Kung hatid nito ay pighati imbis na kaligayahan

Pakiusap na tuwing sakbibi ako ng kalungkutan
Nawa'y sa kanlungan mo ihele ang puso kong sugatan
Ikalong mo ako sayong bisig gaya ng maliit na paslit
Hayaan makapagpahinga sa nakaw na saglit

Sa pagtigil ng ihip ng hangin
Tila inililigaw ang aking mga dalangin
Tinalikdan ng tadhanang tila nagalit
Tapos na ang palugit,Naniningil na ang Langit

Kasabay ng buhos ng ulan mula sa mga ulap
Por Favor, Saklolo ang aking pakiusap
Inihahandog ng buo ang palad at kapalaran
Nakikiusap na muling kalugdan at mapaburan

Excerpt of HerWhere stories live. Discover now