HIS LAST WORDS

33 23 0
                                    

TITLE: HIS LAST WORDS
GENRE: TRAGIC-ROMANCE


"Babe!"



Napalingon naman ako sa nag salita.. Mukhang pagod na pagod sya...Tsk.



"Uuy.. Bakit ka ba tumatakbo?! Makakasama yan sa kalusugan mo!"



Nag aalalang sabi ko sa kanya.



"Haysst.. Ahmm.. Halika na"


Pag iiba nya nang usapan.


"S-sige"



Tanging nasagot ko na lang.. Papunta kami ngayon sa puntod ng Daddy nya. Ang ikinamatay nito ay dahil may sakit sa puso. At parang namana pa ata ito ni Rusell, kay nag aalala rin ako para sakanya. Kaya minsan, kahit busy ako pinipilit ko na makasama sya.


'Mahalaga ang bawat oras. Kaya dapat, kung may pagkakataon ka pang makasama ang mga mahal mo sa buhay.. Dapat hindi mo sinasayang ang mga oras na kasama mo sila.. Oras at panahon na ibinibigay sa atin ng Diyos'


Nandito na kami sa simenteryo..



Umupo kami sa harap ng puntod ni Tito. Isinandal naman ni Rusell ang ulo nya sa balikat ko. Hinayaan ko lang sya.


Maya maya pa...


"Dad.. Huwag 'nyo po ako pababayaan ah? Kailangan ko pa po'ng mabuhay para sa future wife ko at para din po sa apo nyo Hehehe"


Pilit na tawa ni Rusell. Sa mga sinabi nya.  Parang makakaramdam ka talaga ng lungkot..



"A-ano bang sinasabi mo babe? Hindi ka pababayaan ni Tito. Basta, magdasal ka lang"



Sabi ko sa kanya na pilit pinalalakas ang loob nya. Mahirap ang sitwasyon namin ni Rusell dahil mayroon nang 'taning' ang buhay nya. Ma swerte nga daw kung abutin pa sya ng tatlong buwan, hindi ko kaya, pero kailangang kayanin ko. Ako at ang mommy nya na lang ang nag papalakas sa kanya. At pati na din ang anak namin. Oo may anak kami, four years old pa lang, hindi pa kami kinakasal. Sa susunod na buwan pa, dahil pinag hahandaan pa nga namin. Si Rylie ang Anak namin. Babae...


"Babe.. Please.. Pwede mo 'bang ipangako na wag na wag kang iiyak pag namatay ako"



Malungkot na sabi nya.

"Huuy... Ano ba yang sinasabi mo?! Hindi ka pa mamatay 'no!"


Sabi ko naman sa kanya.

"Pero, babe.. Pwede mo bang ipangako? Sa akin?"

"Hindi ko yan maipapangako babe.. Kasi, hindi ka pa naman mamatay! Wag mo nga sabihin yan! Ikaw na nga lang ang nagiging lakas ko eh! Pinanghihinaan ka pa ng loob! Huhuhuhu"


Mangiyak-ngiyak 'kong sabi sa kanya.


"Basta please? At ipangako mo na aalagaan mo ng mabuti ang anak natin"

Tumango lang ako at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Yinakap nya ako ng sobrang higpit. Sa sobrang higpit 'non mararamdaman mo talagang mahal na mahal ka nya. At yinakap ko rin sya ng sobrang higpit, yung kaya nitong iparamdam na mahal na mahal ko din sya.



                                  ***

Naka uwi na ako at hinatid nya din ako...



*7:36pm*



Maya-maya pa ay natulog na din ako..







Ilang araw pa ang lumipas at medyo busy na ako sa trabaho ko. Si Rylie naman binabantayan sya ni Mommy. Si Rusell naman, binabantayan sya ng mommy nya. Minsan ko na nga lang sya madalaw eh.

Short Story Compilation (Tagalog-English)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz