Chapter 25

1.8K 61 10
                                    

VICE POV

Nakangiti akong nag-oobserba sa nakapaligid sakin. Yung mga anak ko kalaro yung mga pinsan nila. Si Ion naman nakikipagkwentuhan sa mga kapatid niya at sa tropa namin.

"Anak, masaya ako para sa inyo." Nakangiting sabi sakin ni Nanay Zeny.

"Nay, ako rin po. Hindi ko po akalain na pwede pa po pala na magkaanak ulit kami." Sagot ko naman.

"Nakatadhana na talaga yun sa inyo. Kumusta naman ang pagsasama niyo?" Pagtatanong sakin ni Nanay.

"Maayos na po ulit, Nay. Mas lalo pa po kaming tumatag na mag-asawa." Tugon ko naman. Napakunot noo naman si Nanay Zeny at si Mommy.

"Ano ibig mong sabihin? Anong maayos na ulit? Meron ba kayong itinatago samin?" Sunud-sunod na tanong sakin ni Mommy.

"Mom, noong nakalipas na buwan po kasi medyo naging malimit yung pag-aaway namin. Pero ngayon po hindi na." Sagot ko naman.

"Ano ba ang pinag-awayan niyo kasi?" Pilit na tanong pa rin ni Mommy. Hanggang sa sinalaysay ko na nga sa kanila ang buong kwento.

"Ang tumulong pa pala sa inyo si Ace, este si Terrence ba yun?" Sabi sakin ni Mommy.

"Opo. Laking pasasalamat ko nga po sa tulong nila samin eh. Napamahal na rin po kasi sa kanya yung kambal." Sagot ko naman.

"Pero, wag pa rin kayo masyadong magtiwala sa kanya huh. Alam mo naman na." Paalala sakin ni Mommy.

"Iba na ang nag-iingat na ngayon. Mas lalo na ngayon Vice buntis ka ulit. Doble ingat ang kailangan mong gawin." Paalala sakin ni Nanay Zeny.

"Opo, naiintindihan ko po. Si Ion nga po mas lalo pang naging protective sakin. Siya na mismo ang nagbabantay sakin at sa mga bata. Kapag wala siya sa bahay may mga bodyguards kami at saka yung sa gang niya. Oras-oras din kung tumawag." Pagkekwento ko naman.

"At saka alam niyo po ba, si Ion mas lalo siyang naging responsable na padre de pamilya. Lalo ko pa siyang hinangaan dahil dun." Dugtong ko pa habang nakangiti. Bumabalik sa mga alaala ko yung mga sweet na ginagawa niya samin.

"Mukhang masaya talaga kayo ngayon. Basta kung may problema kayo nandito lamang kami. Diba, Balae." Saad ni Mommy kay Nanay Zeny na sinang-ayunan naman nito.

Marami pa nga kami pinag-usapan hanggang sa lumapit sakin si Sky. Nakatitig lamang ito sakin at hindi umiimik.

"Baby, what's the problem? Why you're staring at me? Is there anything bothering you?" Pagtatanong ko kay Sky.

"Mommy, I just want to say I love you. Excited na po ako sa magiging kapatid namin." Nakangiting sabi sakin ni Sky. Kaya naman napangiti rin ako.

"I love you too, baby. Ako rin excited na. Pero tandaan mo, kahit lumabas na ang magiging kapatid niyo ni Savannah. Baby ko pa rin kayo." Saad ko naman sa kanya at hinalikan ito sa may labi at pisngi. Lumapit naman sakin si Savannah nang nakanguso.

"What is it, Baby Girl?" Pagtatanong ko rito ng may halong lambing.

"Ako rin Mommy ikiss mo. Bakit siya lang? Ako rin." Sagot sakin ni Sky habang nakanguso pa rin.

Pinalapit ko naman ito sakin at kinalong ko. Saka ko hinalikan ito sa may labi't pisngi kagaya ng kay Sky. Ngumiti naman na ito.

"Okay na ba ang kambal ko?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Opo, Mommy." Sabay na sagot naman nila sakin.

Habang nagkukulitan kami nina Sky ay lumapit samin si Ion. Napatingin naman kami sa asawa ko. Tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"Anong problema?" Pagtatanong ko sa kanya. Pero nanatili itong tahimik.

"Sav, Sky. Ang Dada niyo nagpapapansin lang satin, hahahaha." Tumatawa kong sabi sa kambal. Pati tuloy ang nakapaligid samin napatawa na rin.

"Dada, what's the matter? Do you want to join us?" Pagtatanong din ni Savannah kay Ion.

"Dada, answer us." Pagsingit pa ni Sky. Pero si Ion tahimik pa rin.

"Ion, we're asking you. Are you a deaf?" Pagtatanong ko pa rin sa kanya na may halong inis na.

"Wala naman. Natutuwa lang ako dahil nakikita ko kayong masaya." Sumagot na rin sa wakas si Ion.

"Pero mas masaya kung kasama ka namin." Sagot ko naman sa kanya.

"Tama na yan. Nilalanggan na naman kami rito oh." Panira na namin na sabi ni Jhong. Lumapit naman ako kay Jhong at kinutusan ito.

"Panira ka talagang unggoy ka!" Inis na saad ko rito.

"Si cutiepie galit na naman." Saad sakin ni Jhong habang tinusok tusok pa ang tagiliran ko. Hinampas ko naman siya.

"Sino ba namang di magagalit sayo?! Sinisira mo na lang lagi moment namin ni Ion. Andun na eh, alam mo yun, andun na pero nauudlot talaga!" Inis ko pa rin na sabi kay Jhong.

ION POV

Natatawa naman ako kina Vice at Kuys Jhong. Inis na inis ang aking Misis dahil sinira na naman daw nito ang moment namin.

"Dada, bakit nag-aaway na naman po sina Mommy?" Tanong sakin ni Sky.

"Nagkukulitan lang yang mga yan." Sagot ko naman.

Inaawat naman nina Vhong ang dalawa. Dahil ayaw talagang paawat sa bangayan ang dalawa. Sina Nanay naman tawa ng tawa dahil ang kukulit daw. Nagsenyas naman sakin si Vhong na pigilan ko na si Vice.

"Darling, tama na yan. I love you." Higit ko kay Vice at saka ko ipinulupot ang mga braso ko sa bewang ni Vice. Tumigil naman si Vice.

"Pere keng shere, Derleng. I love you too." Pabebe na sabi sakin ni Vice. Napatawa naman lalo ang nasa paligid namin.

"Bet na bet." Pang-aasar na naman ni Jhong kay Vice.

"Bahala ka sa buhay mo na dimunyu ka! Pinapainit mo talaga ang ulo ko!" Saad ni Vice kay Jhong at handa na naman na makipag-away.

"Hayaan mo na yan, Darling. Naiinggit lang yan satin. Kasi wala yung jowa niya." Pagpapakalma ko kay Vice. Tumango tango naman siya.

"Si Ion lang naman pala ang sagot para tumigil, hahahaha." Saad ni Vhong habang tumatawa. Inirapan na lamang ito ni Vice. At sumandal na sa may balikat ko.

"Mommy, Dada inaantok ako. I want to sleep." Saad samin ni Sky.

"Me too." Nakangusong sabi ni Savannah.

"Darling, ako rin inaantok. Napagod ako. Matutulog muna kami ng mga bata." Sabi rin sakin ni Vice.

"Sige, samahan ko na kayo." Sagot ko naman sa tatlo. Ngumiti naman ang tatlo sakin bago humikab.

Pinagpaalam ko naman muna yung tatlo na matutulog muna sila. Pumayag naman sila. Naintindihan nila dahil nga sa kulit ng aking mag-iina.

Pagkapasok namin ng kwarto ay pinalitan muna ng damit ni Vice ang aming kambal saka pinatulog. Pagkatulog ng kambal ay si Vice naman ang nagbihis. Sa harapan ko mismo ito nagbihis. Bigla naman nag-init ang katawan ko.

"Darling, tulog muna ako. Mamaya na lang yan nasa isip mo." Pilyang ngiti sakin ni Vice bago humiga.

Pagkalapit ko kay Vice sa may kama ay tulog na ito. Hahayaan ko na muna itong matulog alam kong napagod siya. Mamaya na lamang ulit.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora