"Oh my God! Bakit parang masyadong matipuno si Stan at Noah?" Umalingawngaw ang boses nong sophomore na bagong recruit yata ni Wella.

"Kumalma nga kayo. Fansclub tayo, mas nakakalapit tayo sa kanila. Wag kayong OA." Pigil ni Wella na kahit siya ay pulang pula ang mukha.

Nilingon pa nila si Everlyse pagkat bagyang nahihiya dahil kambal niya ang pinag uusapan nilang may pulang labi at makinis na kutis di umano. Iling lang ang naging ganti ni Lyse sa kanila.

Mata ko lang ang inangat ko para makita na naunang naglalakad si Noah at Stan habang nag uusap. Sumilay ang ngiti sa labi ni Noah dahil sa pinag uusapan nila. And God if having that smile was illegal, matagal na siyang nakulong.

Siniko ako ni Everlyse. "Kahit ano talagang gawin mo, halatang halata parin na patay na patay ka kay Noah."

Natigil ako sa paggugupit dahil sa panonood sa kanila. Kinunot ko na lang ang noo ko at sumulyap kay Lyse. "Nagulat lang ako. Matagal kaming di nagkita."

"Sabagay, dalawang buwan." Dinig ko ang panunukso sa kanyang boses at hindi ko na kailangang lingunin ang kanyang ekspresyon. Nanunuksong talaga ang pinsan ko.

Inangat ko ulit ang mata ko nang nasalubong ko ang nananatiling mata ni Noah sa akin. Mabilis kong binagsak ang tingin ko sa letrang Z na ginugupit ko sa pag iiwas ko ng tingin. But I was too curious to stop looking. Inangat ko ulit ang mata ko at nakita kong seryoso paring nanatili ang tingin niya sa akin.

Abot abot ang pintig ng puso ko. Stupid, Megan. He's just staring. Wag kang mag wala at hindi ka niyan type kahit anong gusto mo. I've seen his types and I must say, may mga pare parehong katangian sila. She likes shy type of girls. Gusto niya si Trisha Roncesvalles, 'yong medyo mahiyain at boyish na taga ibang section. Gusto niya rin si Aria Miguel na mahiyain at mahinhin. I will never be his type. Someone as loud as me would never pass. Matagal ko ng tanggap iyon.

"Totoo ba 'tong nababalitaan ko, Meg? Nanliligaw daw si Ysmael sa'yo?" tanong ni Wella sa akin.

Umiling kaagad ako at hinayaan ang titig ni Noah sa akin. "Hindi. Niyaya niya akong mag lunch ngayon. E, pupunta yata 'yon dito. Hindi ko alam. Ewan ko rin kung sisipot kasi college na baka busy."

Tumango si Wella. Kumalat ang balitang iyon pagkatapos nong prom pero namatay din dahil hindi na ulit nasundan ang tagpo namin ni Ysmael. Nagalit yata sa akin kahit na humingi ako ng tawad. Naintindihan ko naman pero nong bumalik ako galing States ay bigla siyang nag text sa akin na kung pwede daw ba siyang bumawi.

Bago ko pa ibalik ang tingin ko kina Noah ay narinig ko na ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa unang klase namin sa araw na iyon.

Niligpit agad namin ang mga gamit. Ipinangako ng iilang sophomore na gagawin nila iyon mamayang lunchbreak at ipinaubaya naman ni Wella iyon.

Halos tinakbo namin ang distansya patungong classroom nang hindi ma late. Saktong pagkarating namin ay ang pag dating ng aming guro na agad nagpakilala. Hindi katulad nong nasa Grade 10 kami na nagkaroon pa muna ng pagpapakilala sa sarili ay iba ang guro naming ito, agad siyang nag karoon ng lecture at naglagay ng seatplan kung saan nasa unang mga upuan ako. Sa likod ko ay nandon si Everlyse.

Magkaklase kami ni Noah at alam kong may tatlong upuan pa ang pagitan sa amin. Nasa likuran pa siya at agad akong tumikhim sa pag iisip na hindi ko na siya masusulyapan ng basta basta, hindi tulad noong mga nakaraang grade.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon