Insecurities

7 2 0
                                    

Sa isang taon naming pagsasama ni Gino, ni isang eksena sa araw-araw naming buhay ay walang nangyaring away o kahit isang bulyawan sa aming dalawa.

Lagi lang kaming nagtatawanan, naghaharutan, at kung may masama man ang loob o may nagseselos sa aming dalawa ay alam namin yun o sino ang may kagagawan nun. Pero ngayon, tila sili yung nakain naming dalawa sa sobrang pag-aawayan namin.

"Shane huwag ka ngang gumawa nang eksena sa harap nang mga kaibigan natin".

"Paano kasi e nakipaglalandian ka sa mismong harap ko pa"

"Shane ano bang pinagsasabi mo eh, pinsan ko lang naman yun"

"Puro ka na lang pinsan. Ano susunod kaibigan? O baka naman kerida mo na ang susunod kong makitang kalandian mo"

"Alam mo namang mahal na mahal kita. Huwag mong sayangin ang one year na pagsasama natin dahil lang sa mga nakikita mo na hindi naman totoo"

"Paano mo naman mapapatunayan ang totoo at hindi totoo eh nung una palang naging tayo nagsinungaling ka na agad"

"Shane naman napakatagal na nun. Hanggang ngayon paba naman, inaalala mo pa yun"

"Oo. Kasi tandang-tanda ko pa yung pangako mo sakin na "No Secrets. No Lies."

"Oo, natatandaan ko pa yun. Kaya nga hindi ako nagsisinungaling. Pinsan ko lang yun na nanggaling sa probinsya na nagpapatulong kung saan yung section niya dahil bago palang siya dito. At Shane, insecured ka ba? Bakit ba lahat nang babaeng nakakausap ko pinagseselosan mo na?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Insecured ba ako sa mga babaeng yun? Pero inaamin ko, mas maputi sila sa akin, mas matalino sila kaysa sakin, mas maganda sila kaysa sakin, mas bagay sila kay Gino.

"Shane, please sabihin mo sakin kung ano ang problema"

"Oo, insecured ako. Insecured ako kasi nung nag-confess ako sayo ri-neject mo ako. Tapos pagkaraan nang isang araw, wow, para ka nang tutang hinahabol ang amo niya. Insecured ako kasi nung naging tayo na, yung kaisa-isang rule ng relationship natin hindi mo pa natupad dahil sa mga panlalandi ng ex mo. Oo, insecured ako dahil nung time na kinakailangan kita dahil sa mga pambubully nila sakin hindi ka pa dumating. Mas inuna mo pa yung pagba-basketball mo kaysa damayan at i-comfort ako. Mas inuna mo pa ang pagjo-joyride at pag-cutting sa mga klase mo kaysa sa matandaan ang aniversary natin. Insecured ako dahil pakiramdam ko ako lang ang nagmamahal dito sa relasyon. O ngayon masaya ka na."

Natahimik si Gino sa mga sinabi ko sa kanya. Napayuko siya at tila para bang nag-iisip. Gusto kong bawiin ang mga salitang binitawan ko pero nasabi ko na, wala nang atrasan. Pero natatakot ako baka maghiwalay kami ni Gino. Itinaas niya ang mukha niya at ngumiti sakin.

"Shane don't be insecure. Aaminin ko gago ako nung una palang naging tayo. Aaminin ko kaya naging interesado ako noon sayo kasi sa isang dare. Pero pagkaraan ng ilang buwan napamahal ako sa mga ngiti mo. Araw-araw na kitang inaabangan sa campus para ihatid sa klase mo. Minahal na kita nang buo at kumawala na ako sa dare na yun dahil nga mahal na mahal na kita. Kaya Sorry Shane, sorry dahil hindi kita naprotektahan sa mga nambully sayo. Sorry dahil hindi ako nakadalo sa aniversary natin. Sorry kung ako ang dahilan ng insecurities at pagkalungkot mo. Sorry"

Napaluha na lang ako sa mga sinabi ni Gino. Ramdam ko ang pagka-sincere niya. Alam kung totoo lahat ang sinabi niya at napayakap na lang ako sa kaniya. Dahil sa mga insecurities ko, muntikan nang mawasak ang pagmamahalan namin nang taong nakakaintindi at nagmamahal sakin. Pero nagpapasalamat parin ako sa pagkakataon na ito dahil nasabi namin ang mga hinanakit namin sa isa't-isa. Ganoon naman talaga, ang bawat bagay ay dalawang mukha.

"Shane, I love you. Tandaan mo yan."

"I love you too, Gino"

CHECKLIST // @Where stories live. Discover now