Katamaran 3

2 0 0
                                    


Tinatamad ako pero inabot ng 1:10 am sa pag-a update haha. Bangag..


Tinatamad,

awtor


****


Di ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pinagtawanan ba naman ako matapos sabihing may sekreto raw siyang sasabihin sa akin. Yung inosente ka na pinagt-tripan ka lang pala. 


"Kung makikita mo lang ang mukha mo matatawa ka rin haha.." paulit-ulit niyang sinasabi tapos tatawa na naman ulit.


"Baliw.."


"Baliw sayo, ayyiieeee hahaha..." banat niya sa panlalait ko..


"San ba nabagok ang ulo mo at ganyan ka mag-isip?.. weird lady.." pagpapatuloy ko pa..


"uhh ewan ko, nawawala kasi ako non tapos nawalan ako nang malay at paggising ko.... may iba na siyang mahal... boom! hahaha" napa pikit ako ng mariin.. ganito ba 'to ka kulit sa kanila? Saludo ako sa mga taong nakakatiis sa kakulitan ng babaeng to. Nakakabaliw..


"Pero wa char, di ko talaga alam kung nasaan ako sa mga panahon nayun, seguro nasa... puso mo! ayyyiiieee hahahaha" napakalakas ng pagtawa niya na halos pinagtitinginan na kami ng mga studiante na napapadaan sa gawi na to. Nakakakahiya..


"Titigil ka sa pagtawa o iiwan kita dito?.." sabi ko habang matalim na nakatingin sa kanya.


"Oo na, titigil na haha.. sige na haha.. ito na talaga.." bumuntong hininga siya saka ipinikit muli ang mga mata..

****


Ilang araw na naman siyang di nagpaparamdam sa akin. I have all the peacefulness in mind. Nakakakain na rin ako ng maayos, yung walang nakikihati sa akin.. at nakakatulog rin ako ng maayos sa ilalim ng punong tinatambayan namin..


Pero somehow may mga bagay rin na parang nakasanayan ko na at kadalasan non kasama siya.. yung babaeng girlfriend ko, na hindi ko kilala.. To keep my mind busy, napagpasyahan kong maglakadlakad nalang muna.. mahaba pa naman ang oras bago magsimula ang klase.. 


On my way, napadaan ako sa covered court. Marami ang naglalaro ng basketball at mukhang may pinagkakatuwaan sila.


"Matagal ka kayang nawala tapos di ka pa maglalaro? ano ba naman yan!.. dali na!.." narinig kong sabi nung isa na sinang-ayunan naman ng lahat, kaya walang nagawa yung babae kundi sumali.... wait.. babae?


Napalingon ako ulit sa mga taong naglalaro ng basketball. Isang babaeng seryoso sa pagd-dribble ng bola ang nakita ko. Malayo sa kakulitan niya sa tuwing nakatambay kami sa ilalim ng puno.. di ko alam na marunong pala siya sa larong ito.. kung sabagay di ko ng alam ang totoo niyang pagkatao eh ang mga hilig niya pa kayang gawin?..


Sa pagkakataong to, di ko maiwasan di mainis sa ginagawa niya.. Bakit ba siya nakikipaglaro sa mga gagong yun? di niya ba alam na nanghaharas yang mga yan lalo na pagbabae? Nakakamangha man ang mga puntos na nagagawa niya laban sa limang lalaking kalaban niya ay di parin non napigilan ang paglapit ko sa kinaroroonan nila..


Yung mga kamay nang mga kalaban niya kung saan-saan na dumadapo. Kunwari iniipit siya sa pagitan nila pero nanghihipo na pala yung isa.. mga gago!


Saktong naka sampung puntos siya ay hinila ko na papalabas sa court na yun.. Insensitive weird lady! 


"aba pare nakikita mong naglalaro pa kami-" di niya natapos ang sasabihin niya dahil dumapo na ang kamao ko sa magaspang niyang pagmumukha.. pagkatapos ipinagpatuloy ko na ang paghila sa baliw na babaeng kasama ko ngayon.


"Sino ka ba ha? boyfriend ka ba ng babaeng yan? kung makaasta parang nobyo eh wala namang nobyo yan!.." sigaw pa nung gago..


"Paki mong gago ka!.." sigaw ko pa bago tuluyang makaalis sa lugar na yun.


"What were you thinking? nakikipaglaro ka sa mga gagong yun, habang nasisiyahan sila sa pasempling pagdapo ng mga balat nila sa.. sa... katawan mo!!.." sakit sa mata habang tinitignan ang mga pasempling panghihipo ng mga gagong yun sa pwetang bahagi ng babaeng to..


"I have no choice.."  nakayuko niyang sabi..


"What the-! Bakit ka nga ba nandoon in the first place? " parang isang batang napagalitan ng kanyang ama ang eskena namin ngayon dito sa hallway..


"May nagsabi kasi na naglalaro ka raw sa court kaya pumunta ako doon.." napapikit ako dahil sa frustration.. mababaliw ako sa babaeng to, di ko naman to lubos na kilala..


"Alam mo na sa puno ang tambayan ko tapos naniwala ka sa sinabi ng iba na naglalaro ako ngayon ng basketball? mamaya pang hapon ang schedule ko sa paglalaro para sa kaalaman ng baliw mong utak!!.." di ko mapigilang sumigaw sa pagmumukha niya ngayon.. kaya bago ko pa tuloyang maipalabas ang galit ko ngayon ay iniwan ko na siya sa gitna ng hallway...



Di ko alam kung anong nangyari sa akin. Am i over reacting? gago lang ang di magagalit sa ganoong tagpo. I need to calm myself.. baka kung saan pa tong galit ko sumabog..


The bell rings..


"Oh my God! nahimatay yung babae!.." napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at dali-dali siyang napatakbo doon ng makita niya ang babaeng napagalitan niya ay nakahandusay na sa sahig at walang malay...


"what happen?.." tanong nong isang usisera


"Sinisigaw-sigaw siya nong lalake kanina tapos bigla na nalang siyang natumba..."


"Hala baka na sobrahan sa hinanakit ng loob?.."


"boyfriend niya siguro yung nagsisigaw dito kanina, naku ang jerk non! di man lang naawa sa kay ate girl..." 


"diba siya yun? naku dapat niya lang dalhin sa clinic si girl kasalanan niya naman kasi yan..."


Napabuntunghininga na lang ako sa mga naririnig kong pinag-uusapan ng mga babae habang dumadaan ako sa harapan niya para dalhin ang babae na to sa clinic.. 


Napasobra ba ako sa pagsigaw-sigaw ko kanina? ayoko pa namang maging atensyon ng usap-usapan sa eskwelahang to.. tsk.


"Hey.. nasaktan ba kita sa mga sinabi ko kanina para mahimatay ka ng ganon?.." sabi ko habang buhat-buhat siya patungong clinic.


I was about to enter the clinic nung napansin kong nabasa ang maggas ng uniform ko.. pawis o luha? nasa dalawa man kailangan ko na siyang ipasok para makapagpahinga na..



Napasobra nga yata ako kanina para paiyakin ang babaeng di ko kilala...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the bell ring..Where stories live. Discover now