Katamaran 2

2 0 0
                                    





Di siya naimik. Nagtulog-tulogan lamang siya. Siguro para maiwasan ang mga salitang binitawan ko. Makayanan niya parin kayang panindigan ang naging agresibong desisyong maging boyfriend ako?


"Hey! di ko na maramdaman ang mga paa ko.. umalis ka na sa hita ko. I know you were listening.." iminulat niya ang kanyang mga mata. Nakipagtagisan sa titigan at siya ring unang bumawi.


Hindi parin siya nagkumento tungkol sa sibabi kong bakla ako. Hanggang sa iwanan ko siya sa ilalim ng puno na naging tambayan na naming dalawa. Sana naman matauhan siya.


*****

Kakatapos ko lang maglaro ng basketball at nasa loob na ako ng boy's shower room. Di na nagpaparamdam sakin yung weird lady matapos ang araw na yun. Na tauhan na yata.. I turn the shower on without locking my cubicle. Wala namang masama doon, puro lang naman mga lalake ang nakakasama ko dito. I was rubbing the soap in my naked body when I heard the main door open.


"What the-!"   i can't believe this.. She is in front of me cupping my face, filling the space between us and our lips. Parehong naluluod sa mga sariling halik. Di ko na namalayan ang mga kamay na naglakbay sa likurangbahagi ng kanyang katawan upang maging suporta sa pagpapalalim ng aminng halik, lalo na nung ang kamay niya ay naglakbay pababa ng pababa. What am I doing? nagpapakalalaki nga ako..  kaya bago pa mapunta sa malalim na bahagi ay Itinulak ko na siya.


"Hey lady! are you out of your mind?.." dali-dali kong binalot ang maselang parte ng katawan sa sandaling nagkapuwang sa pagitan namin. Nakita ko siyang nakangiti.. what with that smile? nababaliw na nga yata ang babaeng to.


"you're a man afterall.." sabi niya saka ako dinamba ng yakap.


"you're getting wet, you weird lady!.." dali-dali ko siyang inalis sa loob at dinala sa locker room. Hinagisan ko siya ng isang towel at extra shirt para makapagpalit. 


"magbihis ka na! use the free cubicle.. baka magkasakit ka pa sa kalokohan mo.." kailangan ko pa siyang itulak upang pumasok sa isa sa mga cubicle ng shower room. Mabuti na lang walang ibang tao na narito ngayon kundi mai-issue na naman ako nito.


"Anong pumasok sa utak mo't ginawa mo ang bagay na yun?.." tanong ko sa kanya habang nagbibihis din. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya hanggang sa makalabas siya sa pinagbihisan. Nakangiti na siya ngayon habang nakayuko.. creepy.


"Hey! I'm asking you..:" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Di ko m aiwasang di maalala ko paanong muntik ng lumalim ang halik na pinagsaluhan namin kani-kanina lang. She's wearing now my shirt and it looks good on her. Animo'y parang isang hiphop na korean dancer ang kaharap ko ngayon.


"gusto ko lang naman patunayan kung bakla ka ba talaga.." 


napairap ako at napabuntung hininga. Stupid girl! mapaglaro ng apoy..


"Is that the right thing to prove that I'am a gay? tsk!.." Ano ba talaga ang gusto ng babaing to? like she's desperate to have me as her boyfriend.


" pwes oo na.. just checking out if papatulan mo parin ba ako kung malaman mong bakla ako.. tsk! a wrong move by the way.." sabi ko bago ko siya hinila palabas ng locker room.


****

****


Balik sa dati. Nakatambay na naman kami sa ilalim ng puno at sa pagkakataong ito totoo ng natutulog ang babaing nasa kandungan ko ngayon.


Maganda siya kung tutuusin. Kaya nagtataka ako kung bakit nagkakaganito ang babaing to. Parang desperada at mukahang maaagawan ng magiging nobyo at nakaisip pa talaga siya ng ganoong kalokohan. Sawi sa pag-ibig? pwede ... kung ganoon, rebound ang dating ko nun. Sakit nun! o di kaya ay napapahiya sa barkada kaya naghahanap ng maipagmamalaki na kanya?.. Pwede rin..


Nagugulo na ang systema ko ng dumating tong babaeng to at umiksena sa buhay ko. Dumadaldal na tuloy ako at masyado ng nai-expose sa mga bagay na ayaw ko.


"wag masyadong titigan ang mukha ko baka masanay ka sa kagandahan ko hahaha.." nagising na pala siya. Nag rereflect sa mga mata niya ang sunrays na tumatama dito na lalaong nagbibigay ganda sa mga ito..


"paulit-ulit ko ng natanong kung sino ka at kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?.. sana naman sagutin mo na sa pagkakataong ito.." panakatitigan ko lang ang kanyang mga mata. Mgumiti siya ng  bahagya.



"Kilala mo na ako... at meron akong sekretong sasabihin sayo.."


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


tinatamad talaga ako.


tinatamad,

awtor

When the bell ring..Where stories live. Discover now