A TRIBUTE TO MY FIRST LOVE

0 0 0
                                    

A TRIBUTE TO MY FIRST LOVE
s t a r d e i t y

"We will not lie, steal, or cheat, nor tolerate among us anyone who does."

---Date started : AUGUST 17 2019 ---

Daang daang sundalo ang patay matapos ang pag atake ng China. Mahigit limang daan ang sugatan at may 50 namang nawawala sa kasalukuyan. Kabilang dito ang mga newly graduates ngayong taon. 28 naman ang sugatan sa lugar at kasalukuyang nasa, **** Medical Center.

Nandito si Pangulong Rodrigo Duterte.

"They are the cause of this massive destruction. They've been monitoring the area everyday but we didn't see any suspicious act. This was very unexpected. The soldiers were resting when the bombing occured kaya marami ang namatay. We promise to do our best and take care of our fellow soldiers who survived and didn't. We are asking everyone near the area not to panic and be calm."

---------

Kung may isang bagay man na hindi masyadong madalas na pangarapin ng mga babae... Iyon ay ang pagiging sundalo.

Masyadong delikado. Mapapadali buhay mo. Mahirap. Maliit lang ang sweldo. Mga laging dahilan ng tao.

Pero hindi ako kasama dun sa 'madalas'. Ibilang niyo nalang ako sa mga 'minsan' na nangangarap magsilbi sa bansa nila.

Alam kong pwede akong sumabog nalang sa isang tira lamang pero, hindi ba parte naman iyon ng pagiging sundalo? Ang pagtataya ng buhay mo.

Ako si Clara Ray Del Rosario. Isang medyo maarteng probinsyana. Wala akong talento sa pagiging aktibo. Mahilig ako kumain at medyo tamad ako este tamad ako. Hehehez.

Alam niyo? Saludong saludo talaga ako sa mga sundalo! Lalo na yung mga cadet pa lamang na napatay ng mga terorista sa Marawi. Wah. Owsom.

Pero anong magagawa ko kung iyong gusto ko? Kahit na alam kong, hindi iyon ganoong pinagbibigyan ng kilanlan at atensyon hindi tulad ng pagiging guro. Hindi rin naman ako yayaman tulad ng mga doktor pero... Ito ang pangarap ko!

Ang arte ko kainis. HAHAHA. May pa speech speech pa ko kala mo naman napaka galing ko. Sows. Nako. Itigil na nga ang kabaliwan to!

Ako ay 18 na. Actually kaka-18 ko palang nung isang buwan. Matagal ko na itong pinaghahandaan. Simula palang nang mag Grade 7 ako ay nag aral na ako ng Karate.

Para akong kinikilig sa excitement! Naandito na kami nakapila para sa pagsakay sa bus at para sa huling pagkikita namin sa pamilya pero ayun na nga, ako nga lang nandito.

Wala nga talaga akong balak na mag karakarate noon. Naku. Pero things change, hindi ko alam, di na ako nakapag isip basta kailangan kong magpalakas tas ayun na yun. Kaya eto, kakatapos ko lang gumaradweyt.

Nakikita ko palang ang mga first class e parang natatae na ako. Parang nahihilo din ako. AAAH! Tumae naman ako kanina bago umalis ah?!

Hindi ko alam kung magpapabook nalang ba ulit ako ng flight at umuwi na saamin dahil sa sobrang nerbyos ko. Nanginginig ako ng sobra. Mamamatay na yata ako. May bumaril ba sakin? Kainis naman na silencer yan. Matatae na yata ako. Kumukulo na rin pati tiyan ko dahil sa kaba ko.

Woah chill lang. Simula palang ng araw Clara. Chilll!

Oo nga naman. PMA palang naman. Hindi ka naman agad agad na sundalo. Kabobohan mo rin naman. Tanggalin mo na yan. Hindi yan uubra sa PMA. Baka gusto mong bumagsak agad ha.

Ipinacheck saamin yung mga bag namin dhail may mga bawal daw checheche.

Bigat na bigat na ako sa mga gamit ko. Sana ma stroke nalang ako dito sa gitna ng daan para makatulog man lang ako. Kaso naalala ko umaga palang pala. Napakahaba ng byahe kanina. Sobrang sakit pa ng puwet ko kakaupo. Nakakastress.

Pero sa kabila ng stress at kaba ko ngayong umaga e hindi parjn maalis sa pakiramdam ko ang saya.

Hindi lang ako makapaniwala. Parang,

Wow, nandito na pala ako. Wow, natanggap ako at napasama ako sa 350 na quota. Wow, nakapasa ako sa mga test. Wow, kasama na ako sa mga cadets. Wow, nakapasok na ako sa pinapangarap kong paaralan. Wow, matutupad konna rin pangarap ko.

Campus

Naku buti nalang talaga at nagpaka busog ako sa byahe kanina, 3:00 palang ng madaling araw at naandito parin naman kami naghihintay.

Umupo muna ako at tumingin tingin sa paligid.

'Ilan kaya dito sa mga to ang mga napilitan na pumunta dito?'

Malamang sa malamang marami dito ang napilitan lang. O kaya naman mga rebeldeng ipinadala dito para tumino. O mga baklang pinadala ng tatay nila. O mga walang kayang gustong makatapos ng pag aaral nila. O mga katulad ko na nangangarap maging sundalo. O mga taong hindi rin alam kung bakit sila nandito.

°__°

Tahimik naman akong kumakain ng may nag approach sakin na isa ring plebo na katulad ko.

Yey magkakaroon na ba ako ng kaibigan? Mawawala na ang tato ko sa noo na introvert? Outcast? Ganon?

"Nakakakaba no?" sabi niya. Ngumiti naman ako at nag bumuntong hininga. "Oo nga e, feeling ko nga matatae na ako e hahahaha."

"Mukhang hindi naman. Ang saya saya mo nga e. Ngiti ka ng ngiti dyan kanina pa mukha kang baliw."

So ayon, kaya pala walang lumalapit saakin. Mukha akong timang. *sad laugh* edi ako na talaga.

"Joks lang. Baka nagalit ka agad :[]" luh. Maka sorry agad e. Mas weird pa ata to sakin e.

"Pero ikaw, pangarap mo ba talagang maging sundalo?" tanong ko sakanya at nagbago ang ekspresyon niya.

O ayan na, pag nag open yan may kaibigan na ako!

"Ikaw ba?"

"Ako nagtanong e. Sagutin mo muna."

"O sige na nga, ganito kasi yun--"

"Cadets! Pumila na at sasakay na tayo ng bus!" bulyaw ng kung sinoman.

"Haha, next taym."

Nag ok sign ako sakaniya at pumunta na rin sa pila.

<^>

:< very unprofessional sowi.

;> not a love story. ah yes! finally!

ohow mai gosh parang ang jeje pero sige gora >。<

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Tribute To My First LoveWhere stories live. Discover now