Nang matapos niya ang tugtugin ay pumalakpak si Erin. “Wow, Tita. I love that song. It is Beethoven’s Fur Elise.”

Napakunot-noo siya. “Fur Elise? Iyon ba ang pangalan ng kantang iyon?”

Nagtatakang tumango ang bata sa kaniya. “Why, Tita? Bakit hindi mo po alam? You knew how to play the whole piece. Is that even possible?”

She laughed and pinched Erin’s cheeks. “Did you forget? May amnesia ako, hindi ba? It means i can’t remember a lot of things but sometimes, there will always be a part of them that i’ll never forget. Kagaya ng pagtugtog. I can’t clearly remember them but their colors makes me remember them.” She smiled. “Like your voice. It’s color pink. Kaya everytime you talk, i can see pink all over your face.”

Erin giggled. “Like a photo filter?”

She grins. “Yep. Like a photo filter.”

“How about Dad’s voice?”

Napaisip siya. Grego’s voice is sometimes blue but when he shouts, the color of his voice was tinted with light grey. Medyo weird ang mga kulay ng boses nito kaya minsan ay napapangiwi siya kapag nakikitang nagiging gray ang kulay ng boses ng binata. Not that she doesn’t like grey. Medyo nawe-weirduhan lang talaga siya kapag nakakakita ng gray sa paningin. Most kasi ng mga kulay na nakikita niya ay mga bright colors at tanging kay Grego niya lang nakikita ang boses na may blend ng gray.

Ilang araw na rin siyang naninirahan sa bahay ng mga Perez at halos lahat ng mga kasambahay ay may sari-sariling kulay ang mga boses. Kaya minsan ay umiiwas siya sa kusina lalo na kapag chismis-session ng mga ito dahil nagkakandahalo-halo yung mga kulay ng mga boses ng mga uto at hindi kaaya-aya sa paningin. Like, sometimes, it creates a weird color combination. Kapag bulungan o kapag mahinang boses ay wala naman siyang nakikitang kulay kaya mas preffered niya na nasa loob siya ng isang tahimik na environment. Minsan kasi, kapag pumunta siya sa isang mataong lugar, naghahalo-halo ang mga kulay dahil sa dami ng tunog na naririnig niya kaya ang ending, naging introvert siya. Naging mapili siya sa mga naging kaibigan nang tumitira pa lamang siya sa San Rafael. Si Cholo nga lang ang hinayaan niyang kumausap palagi sa kaniya. She likes his voice. Kulay pink kasi ang boses ni Cholo at nagiging red iyon kapag kumakanta ito kaya gusto niyang palagi itong kausap. Red is her all-time favorite color.

Nakarinig sila ng mga yabag na paaakyat sa second floor ng bahay kung saan sila naroroon ni Erin. Halos sabay silang dalwa ng bata na lumingon sa pintuan ng music room nang may biglang pumasok doon. Her heart beats faster when she saw Grego walking towards their direction, his gaze were fixed at her and it makes her feel uneasy in a way but also, it makes her heart beat faster.

“Erin, pumunta ka muna sa kwarto mo. May pag-uusapan lang kami ni Rin.”

Kaagad namang sumunod ang bata sa sinabi ng ama nito. Erin ran outside. Siguro ay nagtungo na ito sa kwarto nito na nasa tabi lang ng music room.

Nang sila na lang ang maiwan ni Grego sa loob ng kwarto ay nanatili siyang nakaupo. Ni hindi nito inaalis ang mga titig nito sa kaniya. His eyes were evident of sad emotions this time. Hindi niya lang batid kung ano at bakit.

Unti-unting naging mabilis ang mga hakbang ng binata papalapit sa kaniya. Before she knew it, he pulled her up from her seat and dived right into her face to capture her lips.

Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat na lumukob sa sistema niya at dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang magsink-in sa utak niya ang mga nangyayari.

He’s kissing her!

Naikuyom niya ang kamao sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. The warmth of his lips. The taste of his mouth. Lahat ng iyon ay pamilyar sa kaniya.

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now