MY KUYA's BEST FRIEND ( the ending)

11.2K 303 96
                                    

SUPER DUPER THANKS PO SA LAHAT NG NAGBASA, NAG-COMMENT at NAG-VOTE!

THANKS DIN SA MGA NAG-FAN SA AKIN BECAUSE OF THIS STORY!

please support my other stories..

= = = = = = == = = = = = = = = = = = = = = = = = == = == = = = = = == = = = == = = = = == = = = == =


THREE DAYS LATER....

Parang malinaw pa rin ang mga pangyayari sa akin sa burol ni kuya DAVE.

Ayaw pa rin talaga i-absorbed ng utak ko na wala na siya.

Marami at malaki ang nagbago sa buhay ko sa kanyang pagkamatay.

Hindi na ito tulad ng dati na may aabangan ako sa bahay pagkatapos ng SCHOOL days.

Hindi na ito tulad ng dati na bigla siyang magpapatawa at magbibiro sa akin.

Hindi na ito tulad ng dati na may makakausap at may makakasama akong isang kuya DAVE.

Hindi ko na makikita ang kanyang mga ngiti at ang kanyang mga nangungusap na mata.

WALA na ang taong MAHAL na MAHAL ko.

Pero mawala man siya... Nararamdaman ko pa rin ang malakas na tibok ng aking PUSO para sa KANYA... Ang KILIG na nadarama ko sa tuwing pumapasok sa aking ISIPAN ang kanyang pangalan.

HETO ako ngayon, INABOT na ng UMAGA sa paulit-ulit na pagtitig sa kanyang mga pictures sa aking LAPTOP. Halos naubos ko nang basahin ang history niya sa FACEBOOK.

NAPAPAIYAK ako. NAPAPANGITI at minsan NATATAWA sa mga nakikita at nababasa ko...

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = 

MALUNGKOT at tinatamad akong bumaba ng hagdan.

Sunday morning. Ibang Sunday dahil sigurado akong hindi dadalaw si Kuya Dave sa bahay.

Sayang, kung buhay siya... Sana ngayong SUNDAY na ito ay magkikita kami. Kakausapin nya ako at kukulitin. Sana makikita ko na naman ang kanyang mga ngiti at maririnig ang kanyang tawa.

"Iha, mabuti at lumabas ka na ng kuwarto mo!"masaya at gulat na usisa ni mommy.

Ngumiti ako ng bahagya."Dadalaw lang ako sa puntod ni kuya Dave mommy..."

Nawala ang ngiti sa mukha ni mommy."S-Sure ka? Gusto mo samahan ka ni kuya Anthony mo?"

"HIndi na po. Hindi naman po ako siguro magtatagal doon."

Biglang may kumatok sa pinto.

Si mommy sana ang aktong mgbubukas pero pinigilan ko siya.

"Ako na lang mommy."sabi ko.

Lumakad na ako patungo sa pinto at agad itong binuksan.

Natigilan ako at nagulat sa aking nakita ---- Si Kuya Dave!

"K-Kuya Dave?!"ang naibulalas ko.

"No! Hindi ako si Kuya Dave... Hindi mo na ako natatandaan? Si Dustin."nakangiti ito.

Nawala ang ngiti sa mukha ko. Pinagmasdan ko siya mula paa hanggang ulo. Doon ko naalala ang pangalan niya sa libing ni kuya Dave.

"S-Sorry kung pumasok ako bigla. Napansin ko kasing nakabukas 'yung gate n'yo so I decided na lang na pumasok."

MY KUYA's BEST FRIEND ( the ending)Where stories live. Discover now