Chapter 6

3.3K 120 54
                                    

Kamryn Lavina's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kamryn Lavina's POV

 Alam ko kung sino ako, ang kakayahan ko, at ang naging misyon namin noon pero huminto ang lahat sa mismong oras na nakilala ko si Sly Redentor. Huminto ang lahat ng ala-ala ko sa mismong ala-ala na ipiankita ng amulet sa akin.

Kung totoo ngang may traydor sa amin, bakit hindi iyon ang bumalik sa ala-ala ko?

Umupo ako mula sa pagkakahiga. Puno ng buhangin, na ngayon ko lang napansin na kulay pula pala, ang damit ko. Maliwanag ang paligid nang dahil sa tatlong buwan.

Kinuha ko ang mapa na 'iniwan' ni Tyrael sa akin. Apat na infinity signs ang nakamarka sa mapa. Apat? Hindi ba't dapat lima? O baka naman ay wala na ang isa dahil nahanap na namin si Kankei?

Ilang oras lang akong nakatulala sa dagat na halos hindi umaalon. Pagkaraan ng ilang oras ay lumiwanag ang paligid. Ang tatlong buwan ay nandoon parin—ang tatlong araw rin ng Rakkis.

"Karmy, nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap!" sabi ni Sath habang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko. Agad kong itinago ang mapa. Gusto kong pagkatiwalaan si Sath pero wala naman akong sigurado ngayon dahil hindi buo ang memorya ko. Wala rin si Halkyone, si Grampz, para mapagsabihan ko.

"Sorry, naaliw kasi ako sa tatlong moons or suns," pagsisinungaling ko. Itinuro ko pa ang tatlong bilog sa langit.

"They're more like stars. According to mythys, each body represents those three angels who created Rakkis and all the tribes," paliwanag ni Sath. As of earlier, I already knew that. Everything. From every nook of Rakkis that we've been to from our previous quest.

"Any luck with the book?" iba bigla ni Sath ng usapan. Umiling ako.

"Nakita mo ba si Sly?" tanong ko nalang. Alam ko na naging malapit sila ni Grampz at baka may malaman ako mula kay Sly na importante. Grampz asked me to trust Sly. That's huge for me.

"Kausap niya si Kankei kanina lang. Nagtatanong na kasi si Kankei." Itinuro ni Sath ang dulo ng camp namin.Nakita ko ang ilang bulto ng mga kasama namin.

"Saglit lang, Sath." Nagmadali ako para puntahan ang itinuro ni Sath. There's really something that's bugging me.

Pagkarating ko sa itinuro ni Sath ay wala roon si Kankei at Sly. Itinuro nga lang ng isa ang isang parte ng dalampasigan na kung saan ay nakita niyang patungo ang dalawa. Agad akong nagmadali para pumunta roon. Gusto kong mag-teleport pero hindi ko pa puwedeng sabihin at ipakita sa lahat ng bumalik na ang parte ng ala-ala ko.

Kumunot agad ang noo ni Sly nang makita niya akong parating.

"Hindi ba't sinabi ko na dapat ay hindi ka nag-iisa?" sermon agad ni Sly.

"Sorry, master. Ano ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa at parang ang seryoso ninyo? Ipinapasabi ni Sath na aalis na tayo," dahilan ko pero gusto kong sipain si Sly. Tsk.

The LEGENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon