Si Errol tahimik lang.

Tinungga na nya yong alak.

Saka sinalinan ulit ung tagayan inabot naman sakin..

Tinungga ko din agad pagkabigay sakin..

balewala ang pait ng alak kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon..

"Ganyan talAga ang buhay Ally.

Ganyan talaga pag nagmamahal.

Handa kang maging tanga..

handa kang magbulag bulagan,

magbingibingihan,

magkukunwaring hindi nasasaktan,

magpapakita ng pekeng kasiyahan,

ironic....

pero ganyan talaga ang buhay. " sabi ni Errol..

ouch..

hindi lang ako ang pinatamaan nia dun.. marahil ay ganon din ang ginawa nia para sakin noon..

nagsakripisyo at nagparaya.

"Ang lalim naman ng pinaghugutan mo Errol! " sabi ni Ally.

"Hindi ko maintindihan" simula ko.. naramdaman ko naman ang pag agos ng luha sa pisngi ko..

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan may mga taong dadaan sa buhay natin para lang iparanas at ipamukha satin na hindi perpekto ang mundo .

Bakit ba kasi hindi na lang pwdng ang makikilala lang natin ay ung magbibigay lang satin ng pagpapahalaga..

para walang magpapagulo ng utak.

Para mag stick na lang tau sa taong mahal tayo.

Para walang pain diba..

I really can't see the purpose of having someone to value, and to love, only to leave you broken at the end." Emotional na ko hehe..

salamat sa alak dahil nagkakaron ako ng chance ma mailabas ang lahat ng sakit na kinikimkim ko.

"Jhella, anjan ung mga taong un hindi lang para saktan ka.. wag kang tumingin sa negative side. Tingnan mo din ung positive.. diba, sabi nga no pain no gain. Isipin mo na lang, yong sakit na nararamdaman mo ngayon ay ang magiging sandata mo para sa susunod alam mo na ang gagawin mo kung sakaling maka experience ka ulit ng parehong situation. Take this as a learning tool, so you'll be better next time." Si Ally

"sana nga ganon lang kadali___"

"kahit kailan Jhella, hindi madaling intindihin kung bakit tayo nasasaktan. Ang pinakamagandang gawin jan e tanggapin.. pagtanggap lang ang pinakamadaling paraan para gumaan gaan ang bigat na pasan pasan. Pagtanggap lang ang tutulong sayo para makalanghap ka kahit kaunting ginhawa.. at kung minsan sa pagtanggap lang natin nakikita ang tunay na paglaya sa sakit na nararamdaman.. hindi mo naman kailangang lumimot.. ang kailangan mo e gamitin ang mga karanasan mo para maging matalino sa bawat desisyong gagawin mo." dagdag ni Ally.

may sense naman pala to paminsan minsan hehe joke.

pero...

madaling mag advice!

but application is not as easy as telling its procedures!

ganon naman talaga diba..

hahanap ka ng advice ng iba.

pero kung minsan at madalas pa nga mas paniniwaalaan pa din natin ung sarili nating pinaniniwalaan..

isang desisyon ang nagawa ko na..

masakit ito.

Pero katulad noong second year highschool kami.

Ito na naman ang magiging last resort ko..

Ang iwan sya..

at piliting kalimutan..

**I hate to do this but I have to.But it's not working anymore.. I'M letting u go Brian. bye***

10/09/2013

message sent.

Pano ko nakaya yon?

Syempre lasing ako eh!

*****

:)

keep on reading..

more more surprises for you guys :)

Thank you so much!

@chocoaddict:)

Quotation Bonus:

"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it."

― Nicholas Sparks, A Walk to Remember

****Read•VOTE•COMMENT•SHARE****

@chocoaddict:)

follow me on:

facebook account:

https://www.facebook.com/CHOCOaddict12

Twitter account:

https://twitter.com/chocoaddict1122

Instagram:
CHOCO_ADDICT12

Love and Kisses :)

ⓒAll rights reserved ⓒ

Crazy LOve(TAGALOG)Where stories live. Discover now