KABANATA XXXIII:ANG PAG-IBIG NI LIRA

Magsimula sa umpisa
                                    

LUCIO'S PROVERBS

Sumasangayon talaga ang kapalaran sa akin at natutuwa ako na nakahanap na ako ng bagong kakampi at si Ether pa mismo ang lumalapit sa akin ang gagawin ko nalang sa ngayon ay maghihintay ng hudyat na nanggaling mismo sa Bathaluman.

MARCELO:Parang tuwang-tuwa tayo ngayon Panginoon!

LUCIO:Oo,sa pagkat nakahanap na ako ng bagong kakampi siya pa mismo ang lumapit sa akin hindi lang iyon dahil hindi siya pangkaraniwang nilalang isa siyang Bathaluman!

MARCELO:Mabuting balita nga iyon dahil magagawa mo na ang iyong nais na mapabagsak ang mga naghariharian dito!

LUCIO:Tama ka ngunit sa ngayon ay maghihintay muna tayo sa hudyat ng Bathaluman..

SA MUNDO NG MGA TAO

GENERAL'S PROVERBS

Ilang minutong paglalakbay patungo sa mahiwagang lagusan ay nakarating na rin ang mga Hara, Rama, Diwani, Rehav, at Sang'gre sa kanilang paroroonan ang mundo ng mga tao pagkatapos buksan ang lagusan ng isa sa mga kawal.

LIRA:Hay salamat nakabalik na rin tayo!

HAYDIE:Oo nga medjo malayo din ang nilalakbay natin ha..

BONG:Medjo nakakapagod rin..

MIRA:Mabuti pang humawak na kayo sa amin para makauwi na po tayo...

Saka sila nag-ivictus patungo sa kanilang tahanan pagdating nila doon ay nagtataka ang ilang kasambahay liban kay Choleng sa pagkat nasa loob na sila Pirena na wala man lang bumusena sa tapat ng gate o nag-doorbell.

CASSANDRA:Hi Ate Evelyn, Ate Raquel and Ate Jane!

EVELYN:Nandiyan na po pala kayo, ngunit paano? 😅

PIRENA:Pinagbuksan kami ng pinto ni Ate Choleng kasi nagdodorbell kami kanina ngunit parang wala yatang nakarinig.(Palusot ng Hara)

JANE:Ganon po ba sorry po Mam Pirena kasi naging abala kami.

PIRENA:It's fine,you can back to work.

JANE:Mauuna na ho kami mga Mam mga Sir. (At naglakad na palayo ang tatlong kasambahay)

AMIHAN:Hindi talaga nauubusan ng palusot itong ating kapatid! 😁

ALENA:Oo nga at hindi pa parin kumukupas ang kanyang kakayahan! 😊

PIRENA:Iyan lang ang naisip kong sabihin para mapaniwala sila, kaysa naman magtataka sila di ba..

DANAYA:Mabuti pang iakyat nalang natin ang ating mga gamit!

SA HARDIN

PAOPAO'S PROVERBS

Habang naghihintay kami na maluto ang aming dinner ay nagpunta muna ako sa hardin upang magpahangin at nakita ko si Lira na parang ang lalim ng iniisip hindi man lang niya ako napansin.

PAOPAO:Parang ang lalim yata ng iniisip ng Diwani ng Sapiro.

LIRA:Iniisip ko lang ang mga posibleng mangyari kapag magkakagulo na dito.

PAOPAO:Lalaban pa rin tayo katulad ng dati. (Sabay hawak ko sa kanyang magkabilang kamay) Hangga't kumpleto tayo malalagpasan natin kung ano mang pagsubok ang darating.

LIRA:Sana nga avisala eshma sa pagpapagaan mo sa aking loob.(Sabay bitiw ng maliit na ngiti)

PAOPAO:Wala iyon,kahit ano para sa iyo..

LIRA:Thank you ulit, Paopao yung kamay ko..

PAOPAO:Ay.. sorry.

LIRA:Okay lang iyon.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon