" Mira, bilisan mo nga, ang bagal-bagal mo naman kumilos!"
Araw- araw ganito nalang naririnig sa aking tiyahing bata palang kasi ako iniwan ako ng aking mga magulang. Maaga kasi sila pumunta sa langit ni hindi ko man lang sila nakapiling ng matagal.
" Mira ano ba? Ilang beses ko ba kailangan ulit- ulitin sayo na bilisan mo!" Bakas ang galit sa mukha ng tiyahing habang nakapatong ang kanyang mga kamay sa bewang niya.
" opo tiya, paumanhin ho." natatakot at kinakabahan kasi ako tuwing nagagalit ang aking tiyahin ako'y pinaparusan niya. Madalas niya akong saktan ng walang dahilan hindi ko nga alam bakit ang laki ng galit niya saakin.
" Mira, ano na naman ba to? Bakit ang kalat pa sa kusina? Napakahina mo naman! Lumayas kana lang dito kung ganyan lang din naman ang ginagawa mo. Napakawalang kwenta mo talaga, wala ka pinagkaiba sa nanay mong malandi!" hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata, napakasakit marinig mga salitang binibitawan ni Tiya lalo't na kamag-anak ko pa siya.
" Tiya , paumanhin ho, pero hndi ko na ho kaya na marinig sainyo ang mga masasakit na salita na pinaparatng niyo saaking ina. Ilang taon na rin ho ako nanilbihan dito sainyo tiya, siguro panahon na po para alagaan ko ang aking sarili at ayusin ang lahat ng nasira niyong pangarap ko po" hnd ko mapigilang humagulgol dahil sa sakit ng aking nararamdaman ngayon, mahal ko ang tiyahing ko pero hindi na tama, sarili ko muna ang uunahin ko at muling aayusin.
" Kung aalis ka! WAG NA WAG KANANG BUMALIK DITO! MIRA! WLANG UTANG NA LOOB! IMPOKRITA! " umalis ako ng bahay na walang dalang gamit dahil hindi ko naman raw iyon pera wag ko na raw kunin.
Ito ako ngayon naglalakad sa madilim na daan at hindi alam kung saan ako dadalhin ng aking kapalaran?
Author note:
So yan muna hehehe, sana magustuhan niyo? Mag suggest lang kayo ng ideas na pwedeng mangyari sa character natin na siya Mira.
YOU ARE READING
El Encuentro [ On Going]
RomanceMay mga taong darating at bigla nalang lilisan ng walang dahilan, meron naman mananatili sa tabi mo ngunit hindi na ikaw inaalaga, at meron naman hindi natin napapansin o nakikita pero nariyan parin kahit hindi natin binibigyang halaga, binabanta...
![El Encuentro [ On Going]](https://img.wattpad.com/cover/197319606-64-k733364.jpg)