Chapter Two

24 6 0
                                    

SHE'S FURIOUS RIGHT NOW. Wala ng ibang ginawa ang ama kundi ang galitin siya. Nanahimik siyang nagpipinta sa apartment nang biglang dumating ang mga tauhan nito at sapilitan siyang isinama papunta sa opisina ng Daddy niya. Hindi siya nakapag-bihis ng damit. Maikling maong shorts at lumang t-shirt na puro mantsa ang suot niya dahil iyon ang ginagamit niya sa tuwing nagpipinta. Mukha siyang basahan sa suot niya.

"Ma'am, bilin po ni Mr. Almonte na maghintay po muna kayo dahil may kausap pa po siya sa loob."

"I don't care." Akmang papasok na siya nang bigla siyang hawakan ng mga tauhan nito na sumundo rin sa kanya. "Ano ba? Bitiwan niyo nga ako."

"Ma'am, hindi ka pa puwedeng pumasok."

Nagpupuyos na siya sa galit. Ano kayang plano ng kanyang ama this time? "Sapilitan niyo akong dinala dito tapos ngayong nandito na ako, ayaw niyo naman akong papasukin. Damn! Bitawan niyo nga sabi ako."

"Sorry Ma'am Zaila, sumusunod lang kami sa utos ni Mr. Almonte."

Hindi pa rin siya binibitawan ng mga ito. She had no choice but to kick their sensitive parts. Gumana ang naisip niyang paraan para makawala sa mga ito. Matagumpay siyang nakapasok sa opisina ng ama.

"Ano pa ba ang kailangan mo sa 'kin, Dad? Pumayag na ako sa gusto mong mangyari. Kulang pa ba?"

"Can't you see that I'm having a conversation with Mr. Montargo? Please go out. We'll talk later." Kalmado nitong turan ngunit halata ang galit sa boses nito.

Binale-wala lang nito ang mga sinabi niya. "I don't care!" galit din siya. Hindi lang ito ang may karapatang magalit. Nauubos na ang pasensiya niya pati ang respeto niya nawawala na. "Pagkatapos akong kaladkarin ng mga tauhan mo dito, paghihintayin mo lang ako? Kulang na lang posasan nila ako papunta rito. Ano ako, kriminal?"

Ngayon niya lang napansin na ang suot niyang pantapak ay pambahay na tsinelas na may design na pikachu. Kahit 'yon na lang sana ang napalitan niya. "Look at me, mukha akong naglalakad na basahan."

"Excuse me. I think I need to go now, Mr. Almonte."

Ngayon niya lang napansin ang kausap ng Daddy niya. Matangkad ang lalaki at tantiya niya ay nasa five-feet ten-inches ang height nito. Gwapo ito pero walang dating sa paningin niya.

"How about my offer Mr. Montargo?"

"I'm sorry Mr. Almonte but my decision is final. Thank you for the offer but I won't sell my property."

Umalis ito at naiwan silang mag-ama. Nababasa niya sa mukha nito ang matinding frustration. Marahil ang lalaking kausap nito kanina ang nagmamay-ari ng property na hindi binibenta.

"Let's have a deal." Basag nito sa katahimikan.

Napataas ang kaliwang kilay niya sa sinabi nito. "Ano namang kalokohan 'yan, Dad?"

"I'm not kidding. Kapag nakuha mo ang property ni Mr. Montargo sa Negros, I'll cancel your wedding. Tutal, hindi pa namin napag-uusapan ng Ninong Wilfredo mo ang detalye ng kasal."

So, ang anak pala ng Ninong Wilfredo niya ang nakatakda niyang pakasalan. Hindi na masama dahil magkababata sila ni Alfred. Nawalan sila ng komunikasyon pagkatapos nilang gr-um-aduate ng college dahil nagdesisyon ang huli na mag-aral ulit sa ibang bansa.

"Bakit mo ipagkakatiwala sa'kin ang project na 'yan?" duda siya sa gustong mangyari ng ama. "At paano ako makakasiguro na tutupad ka sa usapan?"

Bigla siyang na curious. Gaano kaya kaganda ang property na 'yon pa sa business nito? Pati ang napipintong pagpapakasal niya ay handa nitong ipagpalit sa property na 'yon.

Someone Like You (Published Under ebookware) Where stories live. Discover now