*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* ⏰
"Good morning sunshine!"
umaga na pala! ang ibig sabihin lang nyan ay ngayong araw lalabas ang result ng entrance exam sa HMU!
Yes tama kayo! nagtry akong magexam sa HMU short for Holy Mary University, isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas. Alam ko puro mayayaman lang nagaaral don, di ako kagandahan pero alam ko na matalino naman ako kahit papano kaya why not diba? mag aaply din naman ako for scholarship para makatapos.
Kilala kasi ang HMU di lang dahil sa bonggang napakamahal na tuition dito kundi dahil sa mga students na matatalino kung kaya't nanatili itong number 1 sa mga rankings and surveys. Kaya di na rin ako magugulat kung mga mukang nerd or walang social life mga tao don hahaha
Ako nga pala si Maria Roberta Dela Cruz, hindi mayaman, hindi maganda pero mabango! hahaha pangalan ko lang mabaho, alam nyo naman pag nanay tatay, palaging pinagsasama pangalan. Nanay ko Mary tatay ko si Robert and then yan ang kinalabasan.
Kabilang ang pamilya ko sa mga taong masaya na pag nakakain ng tatlong beses sa isang araw at kung may extra, may pang midnight snacks hahaha
"ROBERTA ANO BA?! SABI MO KAHAPON MAAGA KA AALIS?" sigaw ng tita Jane sa sa labas ng kwarto "OPO BABABA NA" sigaw ko din.
bumaba na rin agad ako at naabutan ko ang cute kong pinsan na inaantay ako bago kumain. "Good morning baby Janina! bat di mo ginising si ate?" sabi ko sa kanya, sya kasi ang kasama ko sa kwarto matulog, 6 years old pa lang sya at sobrang sweet ng batang yan!
Nga pala, patay na ang mga magulang ko kaya kila tita Jane na ako lumaki, ang asawa naman ni tita Jane, kasama sa car accident ng mga magulang ko dahil siya ang driver non. May kaya naman kami noon eh, kaso nung nagka aksidente nabago na lahat, naubos na rin yung naitabing pera ng mga magulang ko.
Dahil sa pareho kaming babae na naiwan ni tita ay sya ang naiiwan sa bahay para magalaga sa pinsan ko at mag online business, ako naman habang wala pang pasok ay nag sasummer job sa isang fast food chain para may pandagdag gastusin.
"O pag nakapasa ka galingan mo ah" sabi ni tita "Oo nga ate, kagabi nagpray ako kay Papa G na makapasa ka"
"talaga baby? ang bait bait talaga ng baby namin ah!" 😄 sabay kurot sa pisngi nya "o sige tita ligo na muna ako ah, para di ako abutan ng traffic"
"Sige na, sige na ako na bahala dito"
naligo na ako at nagpaalam na para pumuntang HMU. Di lang halata pero kinakabahan na talaga ako, duuuuh dream school ko yun at di ako makakapayag na di makapasok doon!
Sumakay na ako ng jeep, pero nung aktong magbabayad na ako, di ko makapa yung wallet ko sa bulsa! hala Loooooord! Oh my God, oh my God! chineck ko na sa bag ko pero wala talaga!😫 nako pano na to!
pinagpapawisan na ako at di ko na alam ang gagawin at sasabihin ko. huminto yung jeep dahil may sasakay. Isang poging lakaki ang sumakay sheeet!
"bayad po o" sabi nung lalaki at kinuha ko naman yon.
Sabihin ko kaya na bayad ko to? no! erase erase! di ako mandurugas! "kuya bayad daw po o"
"San to?" sigaw ng driver "HMU lang po" sabi ng lalaki. Teka wait! HMU? pareho kaming bababaan!
umusog ako ng konti para maging katabi yung lalaki. Agad ko naman napansin na nagulat at nagtataka sya gayong maluwag naman sa jeep kaya umusog din sya palayo sakin. Di ako sumuko at umusog ulit ako, eto na lang pag asa ko Papa G! natatakot ako kausapin yung driver baka magalit dahil ang aga aga pa eh tas di ako magbabayad? pero umusog nanaman sya! ano ba!?😭
umusog pa ako at... "Hi miss" with matching kindat at taas kilay pa! HOMAYGAD!!! nagulat ako kasi matanda na yung katabi ko! kaya umusog ulit ako palayo! at yung lalaki kanina? lumipat pala sa kabilang side ng upuan. Jusko po pano na to!😩
Nilakasan ko ang loob ko at lumapit na sa driver. "uhm, kuya, ano po kasi,"
"ano! wala kang pambayad!? ano ba namang buhay to oh! umagang umaga ka neng ah!" pasigaw na sabi nya kaya naman nakatingin na tuloy yung mga tao sa jeep sakin. Jeep kainin mo na ako!!!😭 magiingat na talaga ako sa susunod!
napansin ko naman na umusog din yung lakaki kanina palapit sa driver, "Ah kuya, eto po oh, bayad po nung babae" nagulat ako sa ginawa nya, "thank you kuya babayaran kita sa susunod promise yan!" di na sya umimik at pumara na.
"Ay wait lang kuya dito lang din po ako" sabi ko dahil paandar na sana ulit yung jeep at nakalimutan ko na sa UHM lang din ang baba ko. masyado yata akong nadala sa kahihiyan kanina, wag na po sana maulit huhuhuhu
Pagbaba ko ng jeep, napatulala na lang ako sa pagkamangha ko sa ganda ng HMU! pangalawang beses ko ng punta dito, una ay nung nagexam ako. Pero iba yung ganda nya ngayon! bagong pintura, bagong mga bulaklak, may pa banner pa at halatang pinaghandaan ang opening of classes! bongga daming budget!
pumasok na ako at pumunta sa lobby, dun daw kasi ipopost ang results.
Sobrang dami naman ng tao! di na ko magtataka dahil sa dami ng dreamers na gustong makapasok dito. Parang PBB lang ah! hahahah
nagkaron ako ng chance para makasingit at viola! nasa harap na ako! hahaha perks of being short!
*tingin*
*tingin*
"anak ng tukneneng! THANKS PAPA G!!!!"
sobrang saya ko naaa sheeeet!!! HMU WAIT FOR MEEEEE! masyado akong overwhelmed sa nakita ko! kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang result! ang sarap sa eyes!
eto na! wala na talagang urungan to! Laban Roberta! mayaman sila, matalino ka! HMU sana maging maganda ang kwento ng buhay ko sa'yo☺️😍
//end.
pls vote, comment for suggestions and share/spread my first ever story💖 hope you like it guys😘
-bluebutterfly //
YOU ARE READING
The Part-Timer (on-going)
Teen FictionPara makapagpatuloy sa pagaaral sa isang prestihiyosong unibersidad, tinanggap ni Rob ang trabaho na mapagaalaman nya na pwedeng maging dahilan ng pagpapatalsik sa unibersidad. Lingid sa kaalaman nya na mahuhulog ang loob nya sa amo nya na schoolmat...
