"Ito naman, ganito ang dapat mong gawin." Kandangawit ako sa pagpapakita sa kanya ng dapat niyang makita.


"Hindi ko makita."


"Lalapit pa ba ako? Ito o."


Para kaming mga timang. Kanina ko pa hindi maipaliwanag nang maayos sa kanya dahil magkaharap kami. Kailangan ko pang magpatayo-tayo para ipakita sa kanya at mapaliwanag nang maayos kung paano ginagamit ang Facebook.


Mukhang nainis na rin siya. Bigla siyang tumayo at hinuli ang pulso ko. "Doon tayo sa sofa para mas malawak at makakilos tayo nang maayos."


Nang makalipat kami sa sofa ay mas lalo naman akong hindi makakilos dahil sa magkadikit na magkadikit kaming dalawa. Kulang na nga lang ay mag-akbayan kami. Desidido talaga siya kaya nakakaawa namang hindi pagbigyan.


"Gusto mo bang private account ito or open sa public? Pwede naman nating iset ang setting na friends mo lang ang makakakita ng ibang posts mo na sa tingin mo ay hindi mo gustong i-share sa iba." Clinick ko ang setting ng account niya.


Nang makatapos kami sa basic ay hinayaan ko na siyang mag scroll sa feed niya. Naglike ako ng mga pages na tingin ko ay ok sa kanya. Mostly about politics, news page and pages about sports.


"Mag-ingat ka sa mga link na ikiclick mo, madalas kasi mga spam iyon. Makikita mo naman if the source is legit or not."


Tatango-tango siya habang nakatutok din naman ang mata sa screen.


"Also, hindi lahat ng mga nasa Facebook ay totoo. Some are using fake dummy accounts to troll. Hindi malabong hindi ka makaka-encounter niyan dahil public figure ka. Sa page mo, marami ang ganun. But don't worry dahil mas marami namang nagmamahal sa 'yo—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil sa akin na siya nakatingin.


Hindi na sa gadget nakatutok ang pansin niya kundi sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal nang ganoon.


Sa tagal na magkatitigan lang kami ay hindi ko na nacontrol ang sarili ko na tingnan ang mga labi niya na kasing pula ng mansanas. Oo ganoon kapula ang labi ng lalaking 'to. Ganoon kapula ang mga labing umangkin sa labi ko noong birthday ko...


Hindi ko pa rin iyon nakakalimutan...


Mahina siyang nagsalita. "Fran..."


Napaangat ako ng tingin sa mga mata niyang kasing dilim ng gabi ngayon. "T-tapos na kitang turuan..."


"Right." Tumaas ang gilid ng bibig niya.


Tumayo na ako. "Ay, may gagawin pala akong project. S-sige, punta na ako sa kwarto ko. Bahala ka na diyan, kaya mo na 'yan." Sinikap kong ngitian siya. "G-good luck, ah!"


Tumalikod na ako at mabilis na naglakad papunta sa pintuan. Nabibingi ako ngayon dahil may mga bagay na hindi ko dapat naririnig pero heto at naririnig ko ngayon—katulad ng malakas na tibok ng puso ko.

Obey HimWhere stories live. Discover now