Chapter 12 ( Oplan : Ligaw part II )

5.7K 136 9
                                    

Isang araw ang lumipas.

Nag aalala si Karylle dahil sa isang araw na lumipas. Hindi nagparamdam si Vice.Hindi nya rin alam kung nantitrip ba ito o seryoso sa sinabi nya.

Hindi nya rin malaman kung anong isasagot nya kung sakaling tanungin sya ulit.

" Ana karylle. " tawag ni Ms.Zszsa

" A-ah ma? " sagot ni Karylle.

Kasalukuyan silang nag aagahan.

" Kanina pa kita kinakausap, tulala ka. " - Ms.zsazsa

" Ah, may iniisip lang ma. Sorry. " - Karylle

" Iniisip mo sguro ate kung papayag ka na noh? " - Coco

Pinandilatan naman ni Ms.zsazsa si Coco, habang si Zia naman ay sinipa sya. At si Karylle ay nagtataka.Alam na kasi nilang tatlo na may balak manligaw si Vice. Sagot nalang ni Karylle ang hinihntay.

" Papayag saan ? " - Karylle

" Sa .. Sa .. Shopping! Tama, sa shopping. Kasi nag aaya si Coco magshopping. " palusot ni Zia.

" Ah, sa sunday siguro. Sige maliligo na ko. " - Karylle

Sabay tayo ni Karylle.

-----------

Nang makarating si Karylle sa building ng kanilang kumpanya agad syang nagtaka dahil sarado ito.

" Bakit sarado? 9:00 am na ah? " tanong ni Karylle sa sarili.

Sumilip sya sa loob ngunit walang tao.Tinawagan nya ang Dad nya ngunit hndi ito sumasagot.

Maya maya ay may napansin syang arrow na sign ( parang ganto po ----->) na nakadikit sa pader at nakaturo sa baba.

Sa baba nito ay isang maliit na box.

Kinuha ni karylle ang box at tinignan ang laman nito.

Isang susi.

Naisip kagad ni Karylle na gamitin ito para mabuksan ang kandado ng pinto.

" Yes! " sigaw ni Karylle nang gumana ang susi. Kahit nagtataka sya kung bakit nakakahon ang susi ay tuloy pa rin sya.

Pagpasok nya ay may mga arrow sa sahig na parang nagsasabing sundan nya ang mga ito.

Sinundan nya nga ito at napunta sya sa tapat ng elevator na automatic na bumukas.

Kinakabahan na naguguluhan si karylle pero pumasok pa rin sya sa elevator.

Lingid sa kaalaman ni Karylle na may nagmamatyag sa kanya, si Aaron.

" Meme, pumasok na sya ng elevator. " sabi nya sa kanyang walkie talkie ( XD )

Pagpasok ni Karylle sa pinto ay may Teddy Bear syang nakita na ikinagulat nya.

" Hndi na to nakakatuwa. " - Karylle

Nang pipindutin na nya kung saang floor ang opisina nya ay napansin nyang may arrow na nman na nakaturo sa isang button.

" Last floor na yun ha? " sabi ni Karylle.

At muli nanaman syang napasunod ng arrow na iyon.

Nang bumukas ang elevator ay syempre lumabas sya dala dala ang Teddy Bear.

Paglabas nya ay may natanaw syang laruang eroplano na lumilipad papunta sa kanya. Lumapag ito sa harap nya at nakita nyang may Ferrero Rocher dito.Kinuha nya rin ito at binitbit.

" Mukhang alam ko na sino may pakana nito. " sabi ni karylle.

Muli ay may mga arrow nsa sahig, at kagaya kanina ay sinundan nya ito.

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora