Chapter 1

18 0 0
                                        

Kara's POV

"Kara bilisan mo na baka malate ka iha. Aalis na ang kuya mo baka iwan ka nun. "

"Opo, baba na po ako." Tumayo na ako sa study table ko at niligpit ang mga nobelang binabasa ko. Mamaya kita babasahin pag uwi ko.

Pagbaba ko ay binati ko sila Mama "Good morning Ma!"sabay kiss. Kakauwi palang kasi ni mama galing Cagayan nagmedical misyon sila doon. At kung iniisip nyong doktora si Mama you're right she's a pediatrician.

"Oh! Hyper na naman si Kara?" Sabi ni kuya Matt na kalalabas lang galing CR siguro nag number 2 to.

"Namiss ko kasi Mama e. Ma aalis ka ba ulit?" Lagi kasi umaalis si Mama.
Twice sya kung umalis every month tapos 5 days sya dun sa location nila.

"Wala pa naman schedule ng next medical mission kaya baka next month pa and malapit na ang birthday ng kuya mo kaya baka magstay muna ako dito."

"Kara iha bilisan mo nang kumain baka malate ka." Sabi ni Nanay Amy matagal ko na syang yaya kaya parang lola na ang turi ko sa kanya. Wala rin sya anak kaya anak na rin ang Turing sa amim ni kuya.

Pagkatapos kung kumain ay nagbihis na ako at nag ayos sa sarili. I need to be presentable. Grade 10 na ako ngayong pasukan. At si kuya ay grade 12 na. Magkalapit lang yung school namin kaya pwede nya akong ihatid.

Nakasakay na ako ngayon sa kotse at handa ng umalis. Mamaya pa ay umandar na ako kotse patungo sa School. Nag aaral ako sa Almara School. Actually ibang iba ang ugali ko sa School at sa bahay. Kung sa bahay ay lagi akong hyper kabaliktaran yung ugali ko sa School.
Sa School ay napaka seryoso ko. Hay ewan siguro nga tama ang sinasabi ng iba na ilag ako sa mga tao.

"Kara..." Tawag sa akin ni Kuya Matt.

"Why kuya?"

"We're here na. Tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo?"tanong ni kuya

"Ah wala."

"Kara, yung pagiging mataray mo ha. Bawas bawasan mo yan. Pano ka magkakaroon ng manliligaw? Gusto mo bang matulad ka Nanay Amy?"
Sabi ni kuya na may halong pang- aasar.
Hindi ko na pinansin ang pang-aasar sa akin ni Kuya dahil baka malate lang ako. Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na sa kotse. "Bye kuya. Salamat sa paghatid."

Pumasok na ko sa School. Agad ako sinalubong ni Nica. Secretary of SSG. "Kara, what took you so long?! Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa mga to!" Turo nya sa mga student na nagtutulakan para makita kung anong section nila. Ang iba naman ay nanunulak lang dahil trip.

"Hoy bilisan nyo naman!"
"Di lang kayo student dito noh!
"Aray wag kayong manulak!"

"Give me the log book." Utos ko kay Nica. Naiinis na ko dahil napaka ingay.

Lumapit ako sa mga students na naroon. "Everyone form a 2 lines. Boys sa right and girls sa left."
Napatigil sila sa ginawa nila at tignan ako ng may pagtataka pero di kalaunan ay sumunod naman sila.
Hindi yata ako nakilala.

Siguro kaya di nila ako na kilala because of my new hair color. Dati kasi ay Red ang kulay ng buhok pero ngayun ay Hazel Brown na at may Highlights. Si Nanay Amy may sabing palitan ko naman daw ang kulay ng buhok ko dahil para ang taray ko. 'Kung alam mo lang Nanay Amy.'

"Yan ba si Kara?"

"Pre chicks pala to e"

"Bumagay sa kanya yung color ng hair nya no?"

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Bakit ang nagugulo nyo?" Sabi ko.
And no one dare to answer my question. "Okay para matapos nato. At para makapasok na kayo sa mga class nyo" Sabi ko habang tinitignan sila isa-isa. "Alternate ang pagtigin. Girls first and then boys. Understand?"

"Yes madam!"

Yah. Madam yung tinawag nila sa mga President ng SSG.

Pagkatapos ng scene na yun dumiretso na ako ng SSG HQ.
Or should I say my place, kidding.

"Did you got my schedule Nica?" Tanong ko kay Nica habang inaayos ang mga Paperworks na nasa table ko.

"Oo Kara. First class mo ay Science magkaklase tayo 7:45 pa naman." Sabi nya.

Tignan ko ang relo ko 7:26 na. Inayos ko ang buhok at ang gamit ko bago magpasyang pumasok na sa klase.

"Tara na Nica." Sabi ko at dali dali naman syang sumunod. "Don't forget to lock the door." Sabi ko pa.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng makarinig kami ng nagkakaguluhan. Pinuntahan namin iyon.

"Sa susunod wag kang tatanga-tanga!"
Sabi ng babaeng mapula ang labi.

"H-hindi lang naman ako ang m-may kasalanan ah.." Sabi nung girl na salamin.

"Talagang sumasagot ka pa ha!?"

What a scene. Lagi naman ganyan pag frist day. Wala ng bago.

"Tara na." Sabi ko kay Nica. Pero di sya sumunod. Nakatingin pa rin sya dun "Nica!"

"Ha? Ah oo." Sabi nya at sumunod nasa paglalakad.

"Di mo ba sya tutulungan?" Biglang tanong Nica. At bakit ko naman yun tutulungan?

"Kara ikaw ang Campus President. That's your responsibility." Napairap nalang ako dahil sa sinabi nya.

Di ko sya sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makaratung ako sa room.

Naabutan ko ang mga students na may kanya kanyang mundo. Changing rooms kasi kami dito. Walang adviser. Iba iba ang pwede mong maging kaklase every subjects depende sa talino mo.

Tulad ko lahat ng subjects ko ay pilot pero si Nica ay merong Economics 2. It means hindi ko sya kaklase sa pilot clase ng Economics.

Pumasok na kami sa room ni Nica. Maya maya dumating na yung adviser.

"Okay class, I am Mrs. Joan Villaluna. I'm your Science for whole year. Marami akong requirements, maarte ako pagdating sa projects. I don't want okay I want best. Understand?"

"Yes miss"

"Dahil first day of school ngayon di muna ako magklaklase. Pero magpapakilala kayo sakin and to your classmate

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 16, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

MemoriaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora