Arrow Two

294 8 0
                                    

Ilang beses nang tumutunog ang cellphone ni Ylia. Hindi niya alam kung gaano karami na ang tawag nito pero alam niyang marami na iyon. Sinusulyap-sulyapan lang niya ito pero hindi sinasagot. Pihadong si Jan ang tumatawag na iyon.

Nang tuluyan na siyang nairita sa pagtawag nito, wala siyang nagawa kundi sagutin iyon. Matahimik man lang ng katawang lupa nito.

"He-"

"Hayop ka! Ano itong narinig ko sa kapitbahay niyo na umalis ka raw? Saan ka papunta?" bungad nito sa kanya.

Ngali-ngali niyang tanggalin ang earpiece sa tainga. Sinasabi na nga ba niya. Sesermonan lamang siya nito kapag sinagot niya ang tawag nito.

"Pupuntahan ko si Cupid," kaswal niyang sagot at inihanda ang tainga sa inaasahan niyang mura mula rito.

Hindi naman siya nabigo. "Tangina, Ylia! Ano na namang pumasok sa kokote mo at balak mo siyang puntahan? Nagbibiro lang ako sa sinabi kong magpaturo ka. Takte naman, Ysabelia. Nababaliw ka na ba?"

Nababaliw na nga siguro siya. Sobrang desperada na siyang matuto sa pagma-matchmake. Gusto niyang subukan ang kanyang kapalaran.

"Ylia, bumalik ka na rito. Malilintikan ako ng mga magulang mo kapag nalaman nilang hinayaan kitang makaalis nang hindi ako kasama."

Napasimangot siya nang banggitin nito ang mga magulang niya. "Hindi mo naman ako hinayaan ah? Hindi mo rin nga lang ako napigilan," nakangisi niyang sabi.

"Ylia, lagot ako kina Ninang kapag nalaman nila ito."

"Jan, hindi na ako batang maliit na kailangan mong bantay-bantayan. I am twenty-four years old. Legal na legal na sa paggagala nang mag-isa. Pakisabi rin yan sa mga magulang ko," matabang niyang sabi sa pinsan.

Jan sighed. "Alam mo ba kung saan ka pupunta?"

"Oo. Ibinigay sakin ng kakilala kong nakakakilala kay Cupid ang address niya. Pupuntahan ko siya. Baka matulungan niya ako."

"Saan daw yun?"

"Wag mo na akong sundan, Jan. Please. Hayaan mo naman akong mag-isa. Ilang taon din tayong nakatali sa isa't isa. Hindi ka obligadong bantayan ako."

"I am. Your parents told me to keep an eye on you. Kapag may nangyaring masama sa iyo, ako ang may kasalanan niyon."

"No. It will be my fault. You cannot be blamed for some crime that is far from you. And believe me, kaya ko ang sarili ko. Kayo lang naman ang nag-iisip na hindi eh. Alam ko namang pinagkakatiwalaan mo ako. Hindi ba, Jan? Hindi ka naman katulad nila, diba?"

Jan heaved another sigh. "Promise me you'll call me from time to time. Kailangan kong malaman kung kumusta ka at kung ano na ang nangyayari diyan. Mamamatay ako sa kaba kakaisip sayo kanina pa. Please, be safe."

"Ang cheesy."

"Tarantado ka!"

She chuckled. Palamura talaga si Jan. Sanay na siya roon. "Thanky, my dear cousin."

"Sige."

Bago niya ibaba ang tawag ay nagpahabol pa ito.

"Good luck, Ylia."

"Thank you!"

Tinapos na niya ang tawag. At least, now her cousin agrees with her plan... partly.

Ilang oras ding nagbyahe at nagtanong-tanong si Ylia bago niya nahanap ang subdivision kung saan nakatira si Cupid. Muli siyang nagtanong-tanong sa mga tao kung saan ang bahay ng binata. Pangalan pa lamang ang nababanggit niya ay alam na agad ng mga ito kung sino ang tinutukoy niya.

Messed Up CupidWhere stories live. Discover now