Naramdaman ko nalang na may humampas ng balikat ko.

"Ang laki mong damulag di ka marunong magtanda ng dadaanan mo. Lakas ng loob mong tawagin akong girlfriend, madalas ako naman driver mo"reklamo nito.

Napangiti nalang ako ng agawin niya ang susi na hawak ko.

.................

"NAGUGUTOM na ako"reklamo ko habang naglalakad kami dito sa loob ng Mall.

After naming magpunta sa bangko, dito ako dinala ni Althea. May tumawag kasi sa kanya kanina at magkikita nga daw sila dito sa Mall. Pero inabot na kami ng hapunan nandito pa din kami palakad-lakad.

"Wala pa din ba ang client na sinasabi mo?"reklamo ko na naman sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid namin. 

Then later bigla nalang siyang tumayo at naglakad ng palabas ng Mall.  Nanlalaki ang mata ko na sinundan siya.

"Hey, ikaw babae pinagluluko mo ba ako?"inis kong tawag sa kanya.

Ibinalibag niya sakin ang susi ng sasakyan ko.

"Siguro naman alam mo na daan pauwi mula dito"anito habang patuloy sa paglalakad.

Napapantaskikihan naman akong napatigil sa paghabol sa kanya. Napatitig ako sa likod niyang papalayo sakin, kakaiba talaga ang babaeng ito.

Nang hindi ko na siya nakita,  napailing nalang ako.  Tapos hinugot ko ang cell phone ko mula sa bulsa ko .

"Buddy,  nagugutom ako"aniko kahit na Hindi pa sumasagot si Kyle.

"Oh, ano naman sakin?"

Huminga ako ng malalim bago luminga linga sa paligid ko.

"I don't know the hell where I'am right now. Althea brings me here tapos iniwanan ako. And damn gutom na gutom na ako. Libre mo naman ako"pagmamakaawa ko pa.

Narinig kong malakas na napabuntong hininga si Kyle.

"Damn you Ismael, ang tanda tanda mo na hindi ka pa din marunong umuwing mag-isa. At ako pa manglilibre sayo ikaw ang nagugutom"reklamo nito pero naririnig ko naman na naglalakad na siya.

Then sunod na narinig ko ang tunog ng sasakyan nito.

..........................

"I KIND A busy in Jhen's case"kwento ko kay Kyle.

After niya akong sunduin sa Mall dinala niya ako sa bahau nila para doon kumain ng hapunan. Tita Kyla is so nice at pinagluto pa talaga ako para lang kumain ng hapunan sa bahay nila. Dinala ako ni Kyle, sa Bar nila Blaze.

"Busy mo mukha mo"si Jace ang unang nagreact.

Kasama namin ni Kyle ang tropa. Blaze, Jace, Adam, ako at si Kyle na nag-iinuman.

"I'm busy you know"pag-uulit ko na may kasama pang diin ang bawat salita ko.

"Sus, busy daw"si Jace naman ang nagsalita pero kitang kita na hindi naman nakikinig samin.

Binatukan nga ito ni Kyle.

"Mata mo"ani Kyle kay Jace.

Nanghahaba ang nguso na napapakamot sa batok si Jace.

"Wala naman akong tinitignan na babae"reklamo nito.

"Susumbong kita kay Micah"banta pa ni Kyle dito.

Mas nanghahaba ang nguso ni Jace na tinunggga ang basong may lamang alak.

Napailing nalang nag-iinom ako at patingin tingin sa paligid namin ng may mahagip ako pamilyar na pigura ng isang babae.

GENTLEMAN'S QUEEN #8: Althea (COMPLETED)Where stories live. Discover now