Single Ako Kasi...

19 0 0
                                        

Maga-anim na taon ang nakalipas, magkasintahan parin sina Cassie at Zayne. Naging consistent ang pagiging matamis nila sa isa't-isa dahilan para mainggit ang mga kaibigan nila sapagkat sila'y hindi nagsasawa. Binansagan na din sila bilang perfectly imperfect couple dahil sa tuwing may away o tampuhan sila, nagkakabati kaagad.

Syempre, hindi mawawala sa isang relasyon ang away at tampuhan. Ang mahalaga ay pinagusapan n'yo kaagad upang magkaayos. Wag n'yong hahayaan na walang imik sa inyong dalawa. Hindi na kasi 'yan healthy sa relasyon n'yo.

"Love, sa tingin mo, hanggang dulo ba tayo?" tanong ni Cassie habang nakayakap sa kasintahan n'ya na si Zayne. Napalingon naman si Zayne sa kanya na may kunot sa noo.

"Anong klaseng tanong 'yan, Love? Syempre hanggang dulo tayo. Magkakaroon pa tayo ng malaking bahay at maghaharutan pa do'n ang mga anak natin." Ngumiti na si Zayne habang pinaglalaruan ang mga daliri ni Cassie.

"Ilan ba gusto mo?" Tanong ni Cassie. Tila nae-excite sa sinabi ni Zayne.

"Kahit ilan basta kakayanin. Pero gusto ko talaga isang soccer team ang dami." Sabi ni Zayne na nagpalaki sa mga mata ni Cassie.

Hindi n'ya alam kung seryoso ba si Zayne o nagbibiro lang ito dahil sa blanko nitong ekspresyon. "Loko loko ka." Hinampas na lamang ni Cassie ang braso ni Zayne gamit ang kamay n'ya na nilalaro ng kanyang kasintahan.

Napa-chuckle na lamang si Zayne at hinalikan sa noo si Cassie, "I love you, future misis ko." Sabi n'ya at niyakap si Cassie ng buong buo.

Napangiti si Cassie, "I love you too, future mister ko. Pangako, hanggang dulo?" Tanong nya.

"Pangako." Nag-pinky promise ang dalawa at nakatulog ng mahimbing habang yakap ang isa't-isa.

Nagising si Zayne na wala si Cassie sa kanyang tabi kaya agad na bumangon ito at tatayo sana kaso biglang may pumasok sa kanilang kwarto. Napangiti naman si Zayne nang makita si Cassie na nakangiti habang may dala dalang tray ng pagkain.

"Happy 6th anniversary!" Masiglang bati ni Cassie at naglakad patungo kay Zayne. Nagkusot naman ng mata ang lalake at naghikab na may kasamang stretching pa.

"Ang sweet naman ng future misis ko." Sabi ni Zayne na may paos na boses. "Date tayo mamaya, ha? Happy 6th anniversary!"

"I love you." Hinalikan ni Cassie sa mga labi si Zayne.

"I love you too." Tumugon sa halik si Zayne at nagsimula na s'yang kumain ng niluto ni Cassie para sa kanya.



Nasa mall na ang magkasintahan at naghahanap sila ng bagong damit. Invited kasi sila sa birthday party ng kapatid ni Cassie. Naghiwalay muna ang dalawa upang makahanap pa sila ng mga damit.

Nang makahanap si Cassie ng dalawang magandang damit, hinanap n'ya si Zayne para alamin kung alin mas magandang piliin. Habang naglalakad ay nakita n'ya ang likod ng kasintahan kaya agad n'ya itong nilapitan.

Nang makalapit s'ya ay tila nagulat s'ya sa kausap ni Zayne. Maganda ito, matangkad, at maganda pumorma. Pinasadahan n'ya pa ng tingin ang pigura nito at tila na-insecure s'ya dahil sa magandang hubog ng katawan ng babae.

"Oh, ito pala ang fiance ko. Si Cassie." Pagpapakilala ni Zayne kay Cassie sa babae. Medyo natahimik si Cassie dahil sa insecurity na bumabalot sa kanya.

"Hindi dapat ako nagseselos. May tiwala ako kay Zayne. May tiwala ako kay Zayne." Sabi ni Cassie sa kanyang sarili.

"Hello! Ako nga pala si Miranda." Sabi ng babae na may American accent. Halatang lumaki ito sa ibang bansa dahil sa maganda nitong kutis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Single ako kasi...Where stories live. Discover now