CHAPTER 2

2.2K 75 15
                                    

Copyright © Eselabs|2015

VEN's POV:

    Tama nga yung sabi nila, pag sobra sobra yung pagmamahal na binigay mo sa tao, sobra sobra ka ring masasaktan pag iniwan ka nito.

Pero wala nang mas sasakit pag iniwan ka nang walang dahilan. Yung alam mo namang ginawa mo ang lahat.

Hindi ko naman napansin na dinadala na ako ng paa ko sa likod ng Building D.

Tambayan naming magtrotropa to pag badtrip kami.

Nawalan na ako ng ganang pumasok matapos ko makita yung nangyari kanina.

Ganto ba talaga pag GWAPO? Palaging niloloko. Tapos sasabihin ng ibang babae na playboy ang mga gwapo. Tsk tsk. Bad yun prend.

Ang sakit pala talaga. Sinubukan kong balewalain yung nakita ko kanina pero wala eh, hindi mawala sa isip ko kaya eto ako ngayon dito sa likod ng Building D, umiiyak.

Ang gay lang diba? Pero eto lang yung nakapagpapagaan ng loob ko. Lalaki din ako at nasasaktan din.

Naiinis ako sakanya, sa babaeng mahal ko. Gusto kong magalit sakanya, pero wala eh! Sinayang niya lang yung pagmamahal ko.

Saan ba ako nagkulang?

Ano bang meron sa Raffy na yun na wala sakin?

*Flashback*

  Papunta akong Men's Room ngayon dahil naiwan ko yung cap ko nung nag cr ako kanina. Napatigil ako nang dumaan ako sa cr ng mga babae.

  Bakit parang may umuungol? Kailan pa nagka aso dito? Hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy sa paglalakad, pero napahinto ako sa narinig ko. Sigurado akong boses ni Kath yun, ang girlfriend ko, pero bakit parang may kausap siyang lalaki? Niloloko niya ba ako?

  Para makasigurado, sinilip ko ng palihim yung cr ng babae.

  At yun nga, I saw Kath kissing with Raffy. Parang tinutuksok yung puso ko ng milyong karayom, ang sakit.

  Ang sakit na nakita ng dalawa mong mata na nakikipaghalikan sa iba yung taong mahal mo (dalawa naman talaga yung mata eh. hahaha).

  Feeling ko niloko niya lang ako in almost 1 year na pagsasama namin. Feeling ko wala akong kwentang boyfriend sakanya.

 

  Nagulat pa siya nang makita niya ako, pero huli na ang lahat. I smiled at her, a fake smile. Nagsmirk pa si Raffy, ang tigas talaga ng muka. Hindi ko na matiis to, aalis nalang ako.

  Pero bago ako umalis, nag iwan muna ako ng katagang sa pogi mo lang maririnig.

  "You're free Kath, happy? Eto lang tatandaan mo, hindi mapapantayan ng lalaki na yan ang effort na ginawa ko para sayo." umalis na ako kaagad dahil pakiramdam ko tutulo na yung luha ko. Kahit lalaki umiiyak din naman, babae lang ba ang may karapatan?

  Niyukom ko naman ang kamao ko at sa inis ko nasuntok ko pa yung pader.

 

  Nung naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko ang isang babae, sa pagkakaalam ko siya yung girlfriend ni Raffy at mukhang sa cr siya ng babae pupunta. Sigurado akong lalabas tong umiiyak mamaya.

 

  Inintay ko yung babae na yun dito sa 2nd floor, sigurado akong dito yun dadaan. Mga walanghiya talaga, lalo na yang Raffy na yan! May babae pang papaiyakin.

  Nakarinig ako ng isang babaeng humahagulhol pababa dito sa 2nd floor, sigurado akong yung babae na yun.

*End of Flashback*

Ang Ma-Fall, TALOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon