"L-Libarko Street!" Sabi ko pero hindi sigurado.

"Okay, you mean, Ligardo Street." Paninigurado ni Miranda.

"Yeah whatever." Walang pake kong sabi habang fino-focus ang tingin ko sa isang busy na zombie na may kinakaing laman-loob ng isang tao. Damn. Who knew seeing these kind of things can be so disgusting.

Huminga ng malalim si Miranda na nasa tabi ni Marga sa likod. "Dyan sa bandang yan, lumiko ka sa kanan at sa highway tayo mapupunta."


Liniko ni Alec ang sasakyan at mula sa hindi kalayuan ay nasisilayan ko na ang National Highway.

"Highways.." Nanginginig na sambit ni Xzannie. I think natatakot siya dahil sa movie na pinanood namin kanina ay namatay ang karamihan ng mga casts mismo sa highway.


"Idiresto mo lang. Malapit na dito 'yon." Sinunod naman ni Alec ang sinabi ni Miranda.

Mga ilang minuto sa pagdr-drive ni Alec, tahimik lang kaming lahat hanggang sa nakarating kami sa isang Station. Police station. Ito na yata ang pinupuntirya ni Alec.

Hininto ni Alec ang sasakyan sa tapat. Base sa nakikita ko sa labas, napakadilim at kitang-kita ko pa rin ang bahid ng karahasan pero wala akong makitang zombie. Or should I say, cunts?

"Everybody must stay right here. It's not safe outside." Tugon ni Alec habang tinatanggal ang seatbelt.

"Sige. Pero mag-iingat ka. Zach and Ian, samahan niyo si Alec." Sambit ni Joudee. Tumango si Ian at Zach.

"I'll go with you." Seryoso kong tugon dahilan para matahimik silang lahat.

Ilang segundo na ang nakalipas pero walang nagsasalita sa kanila hanggang sa narinig kong nagsalita si Marga. "Are you nuts?"

Napabuntong-hininga ako. "Shut up, Marga. I'll go with them. Kung mapahamak man ako then so be it!"

Napatingin ako kay Alec na nakatingin din sa akin. Nagpaalam ako sa kanya sa pamamagitan ng pagtingin. Ngumiti nalang siya ng tipid at may kinuhang kung ano sa bulsa niya.

Ang inilabas niya pala ay isang baril. Inabot niya ito sa akin at tumango. Ngumiti nalang ako pero nagtataka pa rin ako khng bakit siya may baril. Parang ang imposible lang kasi na nakapasok siya sa mall na may dalang baril.

Nang buksan ni Alec ang pintuan niya ay lumabas na din ako. Sumunod naman sila Ian at Zach sa akin.

Tumayo lahat ng balahibo ko sa lamig ng paligid. Muntikan na akong masuka nang naamoy ko ang malansang amoy ng dugo na nanggagaling dito.

"Shhh.." Linagay ni Alec ang hintuturo niya sa labi niya.

Si Ian ay tahimik at nakikiramdam sa paligid. Si Zach naman ay laging lumilingon sa paligid at siya ang look-out kapag may parating.

"Shit. The gate's locked." Nagpapanic kong sabi nang madatnan na may kandado ang gate.

"Oh, hold still. May pinahawak sa akin si Aliah na hair pin niya." Bulong ni Ian.

Napakadilim ng kalangitan at wala akong makita ni isang bituin. Sobrang lamig din ngayon at idagdag mo pa ang malakas na hangin.

Fearing The Unknown Donde viven las historias. Descúbrelo ahora