Chapter 2

17K 317 21
                                    

Chapter 2

Tama na ang flashback. Eto nga pala nangyari nung isang araw.

CHELSEA's POV

Pumunta ako sa tindahan. Malayo palang ako nakita ko na ang bestfriend ko na si Andrew na may kausap na lalaki sa may tindahan. Kilala niyo pa ba si Andrew? 

Siya yung nagtanggol sa akin noon sa mga bully kong classmate at pati kay Troy. Matangkad si Andrew, cool lang, maputi, medyo singkit ang mata, magaling kumanta at sumayaw. Actually, kasama nga siya sa dance troupe nung highschool kami.

"Bea, pabili nga ako ng Nova at sparkle" - Chelsea

"Oh eto na pala si Best" - narinig kong sabi ni Andrew

"Best, may naghahanap sayo." - Andrew

"Ha? Sino naman?" - sabi ko habang kinukuha ang inaabot ni Bea na Nova sa akin.

"Ayun oh! Yung tisoy na gwapo!" - sabi ni Bea habang nakatingin dun sa lalaki, kinikilig pa tong Bea na to.

Humarap ako sa lalaki, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Sino naman yan?" - sabi ko at humarap ako kay Andrew habang nakaturo dun sa lalaki

"Hindi mo na ba siya nakikilala?" - sabi ni Andrew

Loko tong bestfriend ko ah. Tatanungin ko ba kung kilala ko.

"Hindi." - sagot ko

"Ahmmm. How are you, Tomboy?" - sabi nung lalaki na labis na kina gulat ko.

"Ano kamo?" - napatingin ako sa kanya at sinabi ko yan.

"Best, si Troy yan. Remember him?" - sabi ni Andrew

"Troy?Troy? wala akong kilalang Troy" - sagot ko

Kakakwento ko lang sa inyo ng tungkol kay Troy kanina diba? Oo na, tama kayo nagsinungaling ako na kunwari di ko siya kilala, pero kilala ko siya, kilalang kilala. Di ko nga lang siya namukhaan. Gusto niyo bang idescribe ko sa inyo tong si Troy? wag na! haha.. Sige na nga eto na baka magalit pa kayo. Eto, matangkad din naman tong si Troy pero mas matangkad si Andrew, maputi din siya, matangos ang ilong, kung titignan mo mukhang good boy ang dating at maganda mga mata niya infairness naman gwapo nga.

"Tomboy naman. How come you don't remember me?. I miss you" - sabi ni Troy habang papalapit sa akin na aktong yayakap.

"Lumayo ka nga sa akin! Hindi kita kilala! Wag mo nga kong matawag na tomboy. Adik ka ba?" - sabi ko

"Hayy Best, alis na ako." - sabi ko at lumayo na ko sa kanila

Nawala siya ng maraming taon at heto bumalik siya tapos mangaasar lang. aish! di na ko kasing hina ng inaakala niya. matapang na ko noh.

ANDREW's POV

"Pasyensya ka na kay Best. Alam mo naman yun" - sabi ko kay Troy

"Best? are you that close to call each other best?" - sabi ni Troy

"Ah oo. bestfriends kami nun. minsan nga knight in shining armor tawag niya sa akin eh." - Andrew

"Knight?.... in shining armor?" - gulat na sabi ni Troy

"Oo." - sagot ko

"Ah.. alright. gotta go. nice seeing you again." - Troy

Umalis na tong si Troy, umuwi na sa bahay nila. Hmmm, bumalik siya at inaasar nanaman ang best ko. Naku, tataas nanaman highblood nun panigurado.

TROY's POV

I'm Troy, 18y/o, I just came home from Canada. It's been 8years now. I decided to come back because. . .

*Flashback when I'm 10yrs old*

Isang bagong umaga, nakita ko na may bago kaming kapitbahay. Nakita ko ang isang batang babae na may hawak na teddy bear. Maganda siya. Ano ba to? Ang bata ko pa nagkakacrush na ko. Oo, tama kayo ng narinig, crush ko siya unang beses ko palang siyang makita.

Madalas ako sa park, isang araw di ko inaasahan na makita siyang nandun, nakaupo sa bench, umiiyak.

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Where stories live. Discover now