3 9 | Akierra's

227 9 1
                                    

"Yiee congrats Talia, Jeon ka na mamaya" sabi ko habang nakangiti.

"Sana all" sabi naman ni Wooseok

Hinihintay nalang naming magsimula ang ceremony.

"Bestfriend goals, Squad goals to be specific. Ikakasal kami ni Wonwoo, mayroong minamahal si Akierra, para kay Wooseok naman, hmm no comment" Sabi ni Atalia habang tumatawa.

"Bwiset, kung ako makakahanap, who you kayo sa'ken" sabi ni Wooseok.

"Mauuna na kami ah?" Tanong ko. Magsisimula na kasi. Tumango naman siya kaya lumabas na ako. Best man si Wooseok. Ako sana yung partner niya kaso ayaw ko hehe. 'Di naman ako matiis nung dalawang 'yon.

"Anong feeling ng pagiging best man natin diyan?" Tanong ko

"Okay naman, anong feeling ng 'di pinuntahan kagabi? Tapos basang-basa pa sa ulan?" Tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Joke ang hehe" sabi niya.

.
.
.
.
.

"Congrats sa bagong kasal!" Sigaw nung emcee. Nagsigawan naman yung mga tao.

"Ang cute naman" sabi ko habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Parang ikaw" sabi nung nasa likod ko, nilingon ko naman.

"Byungchan?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at hinila ako

"Teka, san mo 'ko dadalhin?" Tanong ko. Dinala niya naman ako sa garden nitong venue.

"Hi, Good Evening. I'm Choi Byungchan, 21 years old, nice to meet you" sabi niya at nilabas ang kanyang kamay.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko

"Sabayan mo nalang" mahinahon niyang bulong.

"H-hi I'm Han Akierra, 21 years old, nice to meet you too" sabi ko at ngumiti.

"So pumunta ka pala talaga kahapon ah?" Tanong niya at biglang hinawakan yung kamay ko

"Ah oo"

"Ba't 'di mo sinabi?" Tanong niya

"'Di ko rin alam...." sabi ko

"Hay nako hahaha"

.
.
.
.
.

Ang awkward...

"Mahal kita" biglang sambit niya

"Huh?" 

"Hatdog. Joke lang, Ang sabi ko, Mahal kita" sabi niya at ngumiti.

"M-mahal rin kita" sabi ko. 'Di ako papatalo 'no!

"Ha?"

"Hatdog rin!" Sabi ko at binatukan siya.

"So tayo na?" Tanong niya.

"Hmm, pag-iisipan ko pa" sabi ko. Bigla niya naman akong hinalikan.

"So? Napag-isipan mo na ba?" Tanong niya

"Sasabihin ko mamaya chat kung oo ba o hindi, 12am, Goodluck" sabi ko sa kaniya at nag-flying kiss. Nauna naman akong umalis.

"HIHINTAYIN KO 'YON! OO DAPAT REPLY MO AH!" Dinig kong sigaw niya.

Ang gaan pala sa pakiramdam kapag nasabi mo na yung totoong nararamdaman mo noh? Buti nalang at unti-unti nang nawawala ang mga problema ko.

Si Katie at Mingyu? Ayon! Sa tulong ni Kuya, kinasuhan na yung dalawa at yung mama ni Katie. Buti nga lang 'yan sa kanila.

Si Mingyu naman, lagi akong kinukulit buti nalang at 'di ako nagpaapekto. Ex na kung ex pero sorry, 'di na ako babalik sa'yo. May Byungchan na ako 'no.

Ang tanging problema nalang na natitira sa akin ay kung paano ko hahanapan ng lovelife si Wooseok. De joke HAHAHAHAHA. Bahala siya diyan.

Basta masaya na yung buhay ko ngayon. Wala ng problema. At sana, wala nang dadagdag pa.

Better | Choi ByungchanWhere stories live. Discover now