O 4

362 11 3
                                    

Akierra Han


"Wooseok dahan dahan lang!" Sigaw ko. Kanina niya pa kasi ako hinihila baka madapa pa kami, nakakahiya naman.

"Hindi pwede! Kailangan nating magmadali!" Sabi niya habang patuloy akong hinihila papunta sa isang shop.

"Pag ako nadapa! Tingnan mo Wooseok di ka na masisikatan ng araw!" Pagbabanta ko. Agad naman siyang tumigil.

"Tara na nga" sabi niya at hinawakan yung kamay ko.

"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko

"Regalo nga!" Sabi niya at naunang nagmasid.

"Anong klaseng regalo ba?" Tanong ko nilingon niya naman ako at sinamaan ng tingin.

"Kaya nga ako nagpapatulong diba kasi hindi ko alam kung anong bibilhin" sabi niya pa.

"Dami mo pang satsat! Ano ba gusto ni tita?" Tanong ko.

"Kahit ano naman ah, basta di mamahalin" sabi niya at nagpatuloy sa pag-iikot.

"Ito kaya?" Tanong ko at itinaas ang hawak kong bracelet.

"Pwede na yan, san mo ba nahanap?" Tanong niya at kinuha iyon sa kamay ko.

"Dito oh tapos di naman siya aabot sa 1,000 pesos" sabi ko at nauna na sa cashier.

Binayaran naman ni Wooseok yung binili niya.

"Gutom ako!!!" Sabi ko sa kaniya.

"Tara! Punta tayo sa café nila Eunsang" sabi niya at nauna na. Bigla naman siyang napatigil kaya napatigil rin ako.

"Akie! Anong gagawin mo kapag bumalik na ang ex mo?" Tanong niya bigla.

"Huh? Gagawin? Ikakasal naman yun eh" sabi ko.

"Hindi yung isa pa!" Sabi niya.

"Wala lang, naka move on na ako no!" Sabi ko pa. "Bakit?" Tanong ko.

"Sure ka bang naka move on ka na?" Tanong niya ulit.

"Oo nga ang kulit neto! Bakit ba?" Tanong ko.

"Ayun siya oh" sabi niya at tinuro yung lalaking nasa harap namin.








"May kasamang iba"




------------------------

GET WELL SOON BYUNGCHANIEEE!!!

I'm so disappointed huhu I lost Sihun, Kookhoen, Hyeob and my Haenami.

And my ultimate bias, Minhee survived! I'm so happy. Akala ko kasi maeeliminate na siya.

Ang laki talaga ng pinagbago simula nung concept eval.

Btw. Enjoy!

Better | Choi Byungchanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن